CHAPTER 19 - CAELUM CARTER

655 36 4
                                    

CHAPTER 19


CAELUM CARTER





"MANREI, huwag!"

Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa kabuuan ng kwarto. Mas natigalgal ako nang dahan-dahang bumulagta si Manrei sa sahig bago pa niya mapatay ang makina. May tama siya sa kaliwang balikat.

Luhaan akong napatingin kina Khirl at Caleb upang malaman kung sino sa kanila ang nagpaputok. Isang ngisi lamang ang pinakawalan ni Khirl at napasandal sa gilid ng pintuan.

"Am I late?" Isang boses na nagmumula sa CR nitong kwarto ang narinig ko. Lumabas mula roon ang isang lalaki na kaedaran lamang nina Khirl. May hawak pa itong umuusok na baril. Napalunok ako.

"You're  just on time, Cartel. Thanks for the back-up!" nakangising sagot ni Khirl at sinulyapan ito. Magkakilala nga sila.

Tinaasan siya ng kilay ng tinawag niya sa pangalang Cartel.

"I'm outta here. Just owe me a pizza after this," aniya at naglakad palabas ng kwarto.

Tinapik ni Khirl ang balikat ng nanlulumong si Caleb at ngumiti.

"He's now safe."

Hindi ko na mapigilang manghina kaya napaluhod na lamang ako sa paanan ng kama ni Caelum. Rinig ko pa rin ang pagtunog ng makinang bumubuhay sa kanya. Hangga't gumagana ito, may tsansa pang magmulat ang mga mata niya.

"Kuya!"

Kumirot ang puso ko nang mag-umpisa nang umiyak si Caleb at nag-aalinlangan rin na lapitan ang kapatid.  Ilang saglit lamang at hagulhol na niya ang kumawala sa apat na sulok nitong kwarto. Inalalayan ako ni Khirl na tumayo. Kapwa kami mas lumapit sa walang kamalay-malay na si Caelum. Gusto ko na rin siyang yakapin. Ang huling yakap ko sa kanya, noong kapwa kami duguan sa loob ng Dolorous.

Napakagat-labi ako at tahimik na humikbi. Parang lahat ng kirot na nararamdaman ko kanina mula sa mga sugat ko ay biglang naglaho. Napalitan iyon ng pag-asa. Kahit sobrang naninikip pa rin ang dibdib ko.

All these years, we thought Caelum Carter was already gone. This may be the reason why I can't ease him in my memory. He is still alive all this time.

Now, he's in front of me, of us. I don't know when he will open up his eyes and see the beauty of the world again. I don't know. Maybe not now, or it might be a 50-50 chances.

Hindi ko alam kung ilang taon na siyang naghihirap rito. Walang kasama at mag-isang lumalaban. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana matagal ko na siyang hinanap. Sana matagal ko na siyang nasamahan.







"The walls of Dolorous won't let you feel lonely only if you have your own circle of friends. Why not make friends with others? At least, hindi ka loner plus mababawi mo pa ang bad image mo."


"You can't please anyone here. They will just treat  you as a juvenile. A criminal."


"Charles Darwin said, we stopped looking for the monsters under our bed when we realized they're inside us."





Naihilamos ko ang aking mga palad sa mukha at mayamaya'y pinagdaop ang mga palad. Ang daming alaala ang bumabaha sa utak ko ngayon. Muli kong sinulyapan ang nakapikit na si Caelum. Umiwas ako ng tingin. I hate seeing him like this. But I can't stop looking at him. Ngayon ko lang ulit siya nakita at sa ganitong kalagayan pa.

Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Khirl. Pinahid ko ang mga luha ko at suminghot.

"Where's Caleb?" tanong ko habang nakatuon ang titig sa sahig.

I heard her sigh.

"Kausap ang doktor. May seryoso silang pinag-uusapan sa labas. Si Manrei, ginagamot naman ngayon. Nag-so-sorry nang paulit-ulit."

Tumango lamang ako at ngumiti nang tipid. I can still feel Manrei's hatred for Caelum. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit niya iyon gustong gawin. Kapatid niya ang naagrabyado rito. Pero alam kong hindi rin naman gugustuhin ni Malcolm ang mga nangyayari ngayon.

Napailing-iling ako.

"If not because of your friend, Caelum may literally die today. Send him my gratitude," sambit ko pa at hinawakan nang mahigpit ang kamay ni Khirl. Napangiti siya at tumango.

"Hindi na naman niya kailangan ng pasasalamat natin. Talagang kating-kati lang talaga siyang humawak ng baril at magpaputok because it's been a year since Eldritch accident. He's craving to hold a fucking gun to shoot someone. I just returned him the favor," sagot ni Khirl na ang tinutukoy ay si Cartel na naging kaklase niya sa loob ng Eldritch Academy. Ako naman itong nagpakawala ng isang ngisi.

"Are you sure you are only friends?" Halos masamid si Khirl dahil sa naging tanong ko. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Ewan ko sa 'yo, ate. Diyan ka muna sa tabi ni kuya Cae. Ililibre ko muna ng pizza ang damuhong na iyon. I'll be back, promise!" pag-iiba nito ng usapan at agad nagtatakbo palabas ng kwarto.

Naiwan ako kasama ni Caelum na mahimbing pa rin ang pagkakatulog. Napangiti ako nang mapakla. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon.






"Wake up, demon. Hindi ka pa welcome sa impyerno," halos pabulong kong wika at pinakatitigan siya. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ang panget mo na. Ang haba na ng balbas mo, ang lago na rin ng buhok mo. Ermitanyo ka na, Carter."

Suminghot ako. Gamit ang kabilang palad, pinahid ko ang tumutulong mga luha.

"Carter, wake up. P-please..."

Sobrang init ng palad niya. Ito na lang ang pinanghahawakan kong mabubuhay pa siya kahit 50-50 na.






"You can't think clearly. You might feel disoriented and have a hard time focusing or making decisions. Is that what you're feeling right now?"



Napangiti ako sa kabilang ng pagluha. Hindi ko mapigilang maalala lahat ng mga sinabi niya sa akin noong nasa Dolorous pa lamang kami.

"Caelum Carter, I'm having a hard time now in making decisions. That's what I am feeling right now.  Care to give me any shitty advice?" Parang tanga akong kumakausap sa hindi naman ako naririnig at hindi magsasalita.


"Ikaw ba, would you trust me to save you?"

"I'm a demon. Please stay away from me."




"You may look like a sleeping demon. But I won't stay away from you. Never again."




"Do me a favor."

"End my sufferings."


Napakagat-labi ako at umiling-iling habang sinusuklay ang malago na niyang buhok.

"No, I won't do that. I will not end  your sufferings. You'll be brought to life. Please wake up. P-please, come back," I murmured and tightly squeezed his hand.

"Caelum?"

Nanlaki ang mga mata ko. Narinig ko ang isang nakakabinging tunog ng makinang kadugtong na ng buhay niya. Bigla akong kinabahan sa mga susunod na pangyayari.

Mas lumakas ang tambol ng puso ko.

"What's happening here?!"

Kasabay ng pagbukas ng pinto na iniluwa nito si Arkanghel Truxillo ay ang saktong paggalaw ng mga daliri ni Caelum Carter at unti-unting pagmulat ng mga mata niya.





***

Mortala Academy: School of Psychopaths | COMPLETEDWhere stories live. Discover now