CHAPTER 18 - WHO TOOK HIM OUT?

607 35 3
                                    

CHAPTER 18

WHO TOOK HIM OUT?


PAIKA-IKA akong naglalakad kasabay ni Caleb. Malalaking hakbang ang ginawa ko upang maabutan siya. Inaalalayan naman ako ni Khirl. Alam kong sariwa pa ang mga sugat ko at bawat paglakad ko ata ay yumayanig sa sakit ang aking ulo. Pero hindi ako magpapaiwan rito sa bahay. Gusto ko siyang makita.

"Dahan-dahan, ate." Hinawakan ni Khirl ang braso ko pagbaba ng hagdan. Sumalubong agad ang nagtatakang mukha ni ate Marie.

"Saan naman kayo pupunta? Magaling ka na ba, Ezelle?"

Nagkatinginan kami ni Khirl at pagkuwa'y tinitigan si ate Marie, nakikiusap sa mga mata. Hindi ito ang oras para magpaliwanag. Napakahabang kwento.

"Ate, pagbalik na lang namin. Please don't tell this to lolo," ani Khirl at hinigit na ako palabas ng bahay.

"Teka! Ako ang mananagot sa lolo n'yo, e!" habol niya sa amin pero hindi na kami lumingon. Tuluyan na kaming pumasok sa sasakyan. Si Caleb mismo ang magda-drive.

Paulit-ulit kong sinuntok ang dibdib dahil naninikip ito. Bumuga ako ng hangin at napatingin sa bintana ng kotse. Nilingon ako ni Khirl. Katabi niya ngayon ang nagmamaneho na si Caleb.

"Ate, ayos ka lang?" tanong niya. Ngumiti ako at tumango. Naiiyak ako ngayon pa lang. Hindi ko alam kung bakit.

"Hoy, dahan-dahan naman! Maaaksidente tayo!" suway ni Khirl kay Caleb na mas binilisan ang pagmamaneho. Hindi ko siya masisisi. Sa puntong ito'y pareho kami ng nararamdaman. Maging ako, gusto ko nang makarating agad sa pupuntahan namin. May isang tao na akong gustong makita.

Nakita ko ang paghigpit ng hawak ni Caleb sa manibela at binilisan pa ito. Napapikit na lamang ako. Sumasabay pa ang kabang ito sa pagkabog ng puso ko kanina pa.










Isang malakas na preno ang nagpamulat sa mga mata ko. Halos tumalsik pa ako mula sa pagkakaupo kahit nakasuot na ng seatbelt. Parang mas nabugbog ata ang katawan ko sa buong biyahe. Narito na kami.

Pagkalabas pa lamang ay napanganga ako. It's the same Louge Hospital na pinagdalhan sa akin noon.

Pero bakit narito kami? Totoo bang narito siya?

Napalingon ako kay Caleb na nakatingala na rin sa building na ilang beses na niyang pinuntahan noon upang dalawin rin ako. Wala sa hinagap namin na narito lang pala ang matagal na niyang hinahanap.

Naikuyom ko ang kamao. Ngunit kumalma ako nang hawakan iyon ni Khirl. Tinitigan niya ako sa mga mata na tila nagsasabing magiging maayos rin ang lahat. Makikita namin siya sa maayos na kalagayan. Oo, tama. Sasalubungin niya kami ng ngisi niya tulad ng dati.

Nag-umpisang humakbang ang mga paa ko papasok ng ospital. Bawat hakbang ko, parang gusto ko nang mabuwal. Hindi pa ako nakaramdam ng ganitong excitement sa buong buhay ko.

Hindi ko alam. Maging ako'y naguguluhan na rin.

Lumiko kami sa isang pasilyo. Naningkit ang mga mata ko. Pamilyar ang kwartong pupuntahan namin. Dito ako na-admit noon.

Basta na lang binuksan ng nagmamadaling si Caleb ang pintuan at naabutan namin ang gulat na nurse. Kakalabas lamang niya sa pintuang ginawa lang pala nilang pader. Nanghina bigla ang mga tuhod ko.

Agad siyang tinulak ni Caleb at pumasok sa isa pang kwarto kung saan siya galing kanina. Pilit siyang pinipigilan ng nurse na pasukin ito.

"Sir, bawal po kayo riyan!" sigaw nito pero iwinakli ni Caleb ang braso niya. Tinitigan niya ang nurse habang may nanlilisik na mga mata. Nagpupuyos ito sa galit.

"Nasaan ang kuya ko?!"

Sa isang iglap ay nag-sink in sa akin ang lahat. Ang mga boses na naririnig ko sa kabila ng makapal na pader na iyan. Ang mga ingay na medical trolley at life-support system. Lahat iyon, hindi guni-guni. Hindi laboratory ang nasa likuran nito.

Isang maluwang na kwarto kung saan nakaratay ang taong matagal na naming hinahanap. Ang taong akala ko'y matagal nang patay kaya ibinabaon ko na sa alaala.

Walang iba kundi si Caelum Truxillo Carter.

Hindi ko na mapigilang mapakagat-labi upang pigilan ang iyak na gustong kumawala. Napahawak ako nang mahigpit sa kamay ni Khirl. Nasasaktan na ako ngayon pa lang. Paano pa kaya kung makita ko na siya nang harapan?

"Sabihin mo, nasaan si kuya?!" Hinawakan na ni Caleb ang magkabilang balikat ng nurse at niyugyog ito. Namumutla na ang nurse sa takot.

"Caleb, stop! You're hurting her!" sigaw ni Khirl pero parang wala na sa katinuan itong si Caleb. Bakas sa mukha niya ang pagiging desperado na makita ang kapatid.

"I-Ipinag-utos po ni sir Arkanghel na ilipat siya ng kwarto. N-Nasa---"

"Tangina!" mura ni Caleb at binitawan ang nurse. Dire-diretso siyang naglakad palabas. Sinundan namin siya.

Para kaming mga tanga na nagtatakbuhan sa napakahabang pasilyo nitong Louge Hospital. Pinagtitinginan na kami ng ibang pasyente, doctor, at mga nurse pero wala na kaming pakialam.

Ang iba sa kanila ay nababangga na namin. Maging ang sugat ko sa balikat ay kanina pa nasusundot. Binalewala ko iyon.

Hindi namin pinapalgagpas ang bawat mukha ng mga pasyenteng nasa pasilyo. Pero wala ni isa sa kanila ang kamukha ni Caelum. Napatigil ako, hapong-hapo na hinawakan ang magkabilang tuhod. Talo pa namin ang nag-fun run nito.

Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Hindi na ako makahinga.

"Ate," tawag ni Khirl nang magsimula na akong umiyak at napatungo.

Pakiramdam ko, huli na kami.

Sa isang iglap ay napatitig ako sa kwartong nasa tapat ko lamang. Napatingin rin roon si Caleb. Luhaan ito at nakatiim-bagang.

"Ate, wait!"

Hindi ko na pinansin pa si Khirl. May kung anong pumasok sa utak ko at binuksan ang seradura ng pintuan. Pagpasok ko pa lamang ay sinalubong ako ng malamig na hangin galing sa nakabukas na aircon.

Napasinghap ako sa nadatnan na senaryo.

Kumabog nang sobra ang puso ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan.

"M-Manrei," mahina kong sambit na sapat lamang upang tuluyan siyang lumingon sa akin. Bakas ang galit sa kanyang mga mata at nakakuyom ang kamao.

Sa tabi niya ay ang isang lalaking mahimbing ang tulog. Payapa lang siyang nakapikit. Maraming swero ang nakakabit sa iba't ibang parte ng katawan.

Ang mukhang iyon. Siyang siya pa rin kahit malago na ang buhok niya.

Umawang ang bibig ko upang magsalita pero walang boses na lumalabas. Napatingin ako kay Manrei. Nanlaki ang mga mata ko.

"Manrei, huwag!" sigaw ko nang akma na niyang huhugutin ang makinang tanging bumubuhay kay Caelum.

***

Mortala Academy: School of Psychopaths | COMPLETEDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن