CHAPTER 2 - DEATH ANNIVERSARY

915 51 1
                                    

CHAPTER 2



DEATH ANNIVERSARY


UMIHIP ang malakas na hangin at tinatangay nito ang mahaba kong buhok. Nakatuon lamang ang tingin ko sa mismong puntod na nasa paanan ko. Lumuhod ako at inilapag ang isang bungkos ng bulaklak.

Bumuntong-hininga ako at tumingala sa langit. Today is his death anniversary. This isn't special but since it's Saturday and we have no classes, I visited him.

"I know you hated flowers. But I will still bring you bunch of them every day," I murmured. Nag-indian sit na ako para mas makausap siya nang husto.

"Kumusta ka riyan sa langit? Ilang taon rin akong nag-iisip kung tama bang isipin na nasa taas ka o sa baba. Sa dami ba naman ng pinatay mo, e?" I chuckled.

"But the meaning behind your name says so, that you're up there in heaven. I should be happy for you. But why I am still praying for you to come back?"

Para akong tanga na kinakausap ang hangin kaharap ang puntod niya.

May nakaukit roon na Caelum T. Carter.

"Caelum Truxillo Carter, you're such an idiot for letting yourself die." Nagtiim-bagang ako at napatungo upang pigilan ang mga luha. Nagsisimula na namang kumirot ang puso ko.

"I've been guiding Caleb all along. I treat him as my younger brother too. This is the least thing I could do for you." Suminghot ako at napahikbi.

"And hey, I miss you. Tinatawanan mo na siguro ako dahil iniiyakan ko ang puntod mong gago ka."

I whispered and smiled.

"It wouldn't change anything. Panget ka pa rin umiyak."

Otomatiko kong napahid ang mga luha ko at napalingon sa nagsalita. Bumungad sa akin ang nakangisi niyang pagmumukha. Sa kamay niya ay isang kandila at posporo.

"Caleb, kanina ka pa ba riyan?"

"Nope. Kakarating lang," sagot niya at umupo sa tabi ko.

Sinindihan niya ang kandila at itinirik ito sa mismong puntod ng kapatid. Narinig ko ang mabigat niyang buntong-hininga.

"How's the investigation?" usisa ko kaya tipid siyang napangiti.

"Wala pa ring makitang lead kung saan located ang hospital na iyon. Tito really don't want to tell us who the fuck is that dude in the photos. He actually looks like kuya. May hindi siya sinasabi sa akin. At kailangan kong alamin iyon," desididong tugon niya.

Gamit ang mga palad ay tinuon ko ito sa damuhan at sumandal.

"Baka nagkakamali lang tayo. I mean, ang tagal na noon. Baka ibang tao iyang nasa litrato. Alam mo naman ang relasyon ng kuya at tito mo. They weren't in good terms. Imposibleng gawin pa niya ang lahat para lang mabuhay ang kapatid mo," paliwanag ko dahilan para mapatungo siya. Inalis niya ang ilang tuyot na dahon na nasa ibabaw ng puntod ni Caelum.

"Paano mo maipapaliwanag ang lukso ng dugo noong nakita ko ang picture na 'yon?" Hindi ako makasagot kaya nanatili akong tahimik.

"Caleb, he died," giit ko. "He died in my arms. He stabbed himself with my bare hands. It's imposible that he survived the multiple---"

"He's alive at nararamdaman ko 'yon! Kahit hindi mo sabihin alam kong iyon rin ang iniisip mo! Pinapaniwala mo lang ang sarili mong wala na talaga siya at siya mismo ang nakalibing sa putanginang puntod na 'to!" Tumingin sa akin si Caleb. Luhaan na ang kanyang mga mata. Napaawang ang bibig ko pero walang lumabas na mga salita mula roon.

Namalayan ko ring nagsisimula nang magtubig ang mga mata ko kaya napaiwas ako ng tingin.

"I think we better not to argue in front of his tomb. Let's just respect wherever he is now." Pinahid ko ang namumuo kong luha at akma nang tatayo nang magsalita muli siya.

"Hindi siya ang nakalibing riyan," matigas niyang kontra.

"Caleb!" Sa mismong pag-ihip ng malakas na hangin na naging sanhi ng pagkamatay ng apoy sa kandila, ay ang pagpukpok ni Caleb sa lapida ni Caelum gamit ang isang martilyo.

"Caleb, stop that!" awat ko pa pero paulit-ulit niya itong pinukpok hanggang sa masira ang nakaukit na pangalan ng kanyang kapatid.

Binitawan niya ang hawak na martilyo, napatitig sa biyak na lapida at sumulyap sa akin habang humihingal.

Para siyang bata na napahikbi at hinawakan ang lasog-lasog na semento. Aalalayan ko sana siya na makatayo nang marahas niyang hinawakan ang magkabila kong balikat.

"Huhukayin ko ang bangkay niya," tila nababaliw na sambit niya. Napakunot ang noo ko.

"What? Nababaliw ka na ba?" Umiling siya at nagsalita muli.

"Ipa-DNA test natin ang bangkay. Please, ate Ezelle. Please," pagmamakaawa niya at napaiyak muli.

Knowing Caleb, hindi siya titigil hangga't hindi niya napatutunayan kung ano nga ba ang totoo. Mahal na mahal talaga niya ang kuya niya at hindi ko siya masisisi roon.

Napakagat-labi ako at tinapik ang balikat niya.

"W-We will. I'll call Lolo to help us." Pilit akong ngumiti kahit naninikip na ang dibdib ko.

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti niya. Umaasa ito. Natatakot ako sa posibleng mangyari kung sakaling malaman namin ang totoo.

Muling umihip ang malakas na hangin at sa puntong iyon ay nagawi ang tingin ko sa punong mangga hindi kalayuan sa amin. Nakita ko ang pagsilip ng isang lalaki sa likod nito. Nakasuot ito ng facemask at itim na cap habang pinagmamasdan kami. Mabilis rin itong tumakbo papalayo nang magtama ang tingin namin.

Napatayo ako bigla at hinagap siya ng tingin ngunit wala na. Nagpalinga-linga ako sa buong sementeryo.

Wala na talaga ni bakas niya. Kunot-noo akong napatitig kay Caleb na umiiyak pa rin habang nakatunghay sa wasak na lapida.

Kung ganoon sino iyong lalaking nagmamasid sa amin kanina?










"Fuck," mahinang mura ko. Muntikan nang mahiwa ang aking hintuturo ng hawak kong kutsilyo dahil occupied ang utak ko ng ibang bagay.

"Uy, dahan-dahan lang," paalala niya sa akin. Mukhang mapapahamak pa ako sa pagtulong kay ate Marie rito sa kusina. Napangiwi ako.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kanina sa sementeryo.

Hindi ko namalayang nakatingin na pala sa akin si ate Marie.

"Ayos ka lang?" tanong niya. May pag-aalala sa tono nito. Alinlangan akong napatango.

Pinagpatuloy ko ang paghihiwa ng sibuyas hanggang sa mapako ang titig ko sa kutsilyong hawak. Humigpit ang kapit ko rito at napapikit.





"Do me a favor. End my sufferings."

"Do me a favor. End my sufferings."

"Do me a favor. End my sufferings."



"Ezelle?" Nabalik ako sa reyalidad dahil sa boses ni ate Marie. Nanginginig ang kamay na nabitawan ko ang kutsilyo at napaiyak na lamang sa hindi malamang dahilan.

***

Mortala Academy: School of Psychopaths | COMPLETEDWhere stories live. Discover now