CHAPTER 13 - INTO THE WOODS

598 34 1
                                    

CHAPTER 13



INTO THE WOODS





NAALIMPUNGATAN ako sa naririnig kong kaluskos. Ako lamang mag-isa rito sa tent. Magkahiwalay naman ang tent na para sa boys at para sa girls. Dahan-dahan akong bumangon. Pikit-mata kong kinapa-kapa ang cellphone ko. Mas naging klaro ang kaluskos na hindi ko alam kung saan nagmumula.

Napakunot ang noo ko at kinurap ang mga mata sa kadiliman.

Kahit hindi sigurado sa makikita sa labas, binuksan ko ang tent at sumilip. Papaubos na ang apoy sa bonfire. Tahimik na rin ang paligid. Nakakarinig rin ako ng hilik mula sa mga lalaki.

Napasulyap ako sa tent ng girls at mas nagtaka ako nang maaninaw na bahagya itong nakabukas.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at lumabas na rin para silipin sila. Nadatnan kong mahimbing ang tulog nina Pinky, Rhona, at Cheska. Kumabog ang puso ko nang hindi mahagilap ng paningin ko sina Blaize at Ashlene.

Napalingon ako sa pinanggagalingan ng kaluskos. May nagbubulungan sa kabila ng malalagong puno at halamanan. Gamit ang flashlight ng cellphone, tinungo ko ang direksyon ng ingay na iyon.







"Hold it! Kill him! Now!"

"But you already stab him---"

"Do it again!"

Sapat na ang mga boses na iyon upang mas malaman ko kung sino ang nag-uusap. Habang papalapit ako ay mas bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi nga ako nagkamali. Hindi ko pa naitututok ang liwanag ng cellphone ko sa kanila, naaninaw ko na si Ashlene na pilit ipinahahawak kay Blaize ang kutsilyong may bahid na ngayon ng dugo.

"Oh my God! What did you do?!" bulalas ko at natutop ang bibig. Gulat silang napatingin sa akin. Napatda ako sa kinatatayuan. Nasa paanan nila ngayon ang duguang sundalo. Nakabulagta na ito, duguan at suminghap-singhap pa.

"Stab him again! Torture him!" Nanlilisik ang mga mata ni Ashlene at hindi man lang ako pinansin. Pinipilit niyang ibigay kay Blaize ang patalim upang ito ang tuluyang tumapos sa buhay ng kaawa-awang sundalo. Hindi na ako nakatiis pa at sinugod siya.

"Put it down!" impit kong sigaw at binitawan na ang cellphone upang mahawakan siya.

"Teacher Ezelle!' sigaw ni Blaize dahil agad binawi ni Ashlene ang kutsilyo sa kanya at bago pa ako makalapit, sa akin niya mismo itinutok ang dulo nito.

Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa nararamdamang kaba. Napakatalim niyang tumitig.

"A-Ashlene, please," pagmamakaawa ko sa pagbabakasakaling madadaan ito sa mabuting usapan pero nginisian lamang niya ako.

"Huwag kang mangialam kung ayaw mong madamay rito, Ezelle. I really find you boring. You and your way of teaching are bullshits. I thought you're odd unlike our former stupid advisers. I thought you would teach us how to murder. But you're just a dumb who acts innocent in front of us. Ang bobo mo! Naiinis ako sa'yo!" mahaba niyang litanya at akmang lalapit sa akin bitbit ang kutsilyo. Napaatras ako.

Baliw na nga talaga siya. Iniimpluwensyahan niya ang mga kaklase niya ng ganitong gawain. She's the most psychopath all this time!

"Just drop off that knife and let's talk. You don't have to do this," kalmado kong sambit kahit naiiyak na rin ako.

Muli ko sana siyang lalapitan nang iwasiwas na niya ang kutsilyo. Tinangka siyang pigilan ni Blaize pero siya ang nahagip nito.

Isang sigaw ang pinakawalan niya nang tumama ang talim ng kutsilyo sa kanyang pisngi. Nasapo niya ito at napaiyak na lamang.

"Blaize!" tawag ko. Napaupo na ito habang hawak ang dumudugong pisngi. Hindi ko malaman kung malalim ba iyon o nadaplisan lang. Tiim-bagang akong napatingin kay Ashlene na inuundayan na naman ng paulit-ulit na saksak ang sundalo. Narinig kong suminghap ito at tuluyang nangisay. Dumanak muli ang masaganang dugo.

Sinamantala ko ang pagkakataong iyon upang sugurin siya habang nakatalikod. Nakuha ko mula sa kanya ang kutsilyo at tinapon ko ito sa kung saan. Nawala na ang pagiging professional ko ngayong gabi. Hinigit ko ang buhok niya na halos maalis na sa anit. Napasigaw siya dahil sa sobrang sakit.

Nanggigigil ako.

"Masakit ba? Ito ba ang gusto mong mangyari ngayong gabi? Nice, Ashlene. You awakened my sleeping demon tonight," nakangisi kong sambit at mas sinabunutan siya.

Hindi ko siya bibitawan hangga't hindi dumurugo ang anit niya.

Parang ilang segundo lamang ang pinalipas nang makaramdam na naman ako ng kirot sa likod ng ulo ko. Sa sobrang lakas ng hampas ng kung sino ay hindi ko na napigilang mapangiwi at mabitawan si Ashlene. Napaluhod ako at sinapo ang ulo.

May mainit na likido na namang umaagos mula rito. Halos suminghap ako dahil sa sakit.

Nilingon ko kung sino ang humampas sa akin ng dos por dos na iyon. Nakita ko ang blangkong mukha ni Blaize habang hawak ang matigas na kahoy. Nanginginig man siya dahil sa malaking hiwa sa pisngi, sumilay roon ang demonyong ngiti na hindi ko inaasahang makikita sa kanya.

"Sorry, teacher Ezelle."

Isang hampas muli at tuluyan nang umikot ang paningin ko. Bumulagta ako sa tabi ng duguang sundalo na pinagsasaksak ni Ashlene kanina.











"What the fuck did you do?! You killed her!"

Pinilit kong imulat ang mga mata kahit napakabigat pa ng talukap ko. Sa nanlalabong paningin ay nakita ko ang dalawang pigura ng tao na nagtatalo. Ang isa ay may hawak na kutsilyo at ang isa nama'y bitbit ang isang chainsaw.

Napangiwi ako dahil sa nararamdamang sakit.

"You should thank me for dispatching her earlier. Siya lang ang magiging dahilan ng pagkalaglag mo, Ash."

Boses iyon ni Javed. Napapikit akong muli at dinamdam ang kirot na nanunuot sa ulo ko. Pakiramdam ko rin ay napakarami kong galos kahit hindi naman ako sumuot sa masukal na gubat. Palagay ko, hinila nila ako kanina noong wala akong malay.

"Uy, gising ka na pala, Ma'am. Masyado pang maaga para magising," nakangising bungad ni Javed sa akin at pinaandar na muli ang chainsaw. Inawat siya ni Ashlene kaya pinatay niya ito.

Saka ko lamang napagtanto na nakagapos ang dalawang kamay at paa ko. Tinangka kong sumigaw pero walang lumalabas na boses. May busal sa aking bibig.

Nasa paanan nila ang nakahandusay nang si Blaize. Hindi ko alam kung humihinga pa ito. Pero sa dugong lumalabas sa katawan nito'y tiyak namang tama ang hinala ko. Malabong maka-survive pa siya rito.

Naiiyak akong napatingin kina Javed at Ashlene na nagtatawanan na.

"Are you ready for your life, Ezelle? Or do you want me to untie you so we can be quits?" alok ni Ash at pinahid ang dugong nasa kutsilyong hawak. Tinikman pa niya ito na halos ikasuka ko.

Sa isang iglap, nakarinig ako ng halakhakan. Nababaliw na silang dalawa! Nasaan na ang iba? Kailangan na naming makaalis rito!



***

Mortala Academy: School of Psychopaths | COMPLETEDWhere stories live. Discover now