CHAPTER 3 - MIRK SECTION

815 47 2
                                    

CHAPTER 3






MIRK SECTION



"WE will now start your self-introduction," panimula ko at sinimulang pindutin ang remote na naging dahilan para magsara ang pinto at mga bintana ng classroom kung saan naroon kaming lahat.

Tulad ng inaasahan ko, wala nang nadagdag pang estudyante sa klase ko. Labing-dalawa pa rin sila. Anim na lalaki at anim na babae.

Ano ba talagang meron sa labing-dalawa? Napakaraming mag-aaral rito sa Mortala pero bakit napakaliit ng bilang ng section nila?

Hindi sila umiimik pero hindi ko naman makita sa mga mata nila na kinakabahan sila. Muli kong pinindot ang remote at namatay na ang mga ilaw. Isang spotlight lamang ang nabuhay sa ulunan ng babaeng may ash gray na buhok. Nakita ko ang pagngisi niya.

Mukhang alam naman na niya ang gagawin kaya taas-noo niya siyang tumayo at nagsalita.

"My name is Ashlene Alvarado."

"Ashlene or Ash, your name suits your hair color well. Good choice," komento ko at tumango pagkuwa'y napatingin sa iba. Ngayon, ramdam ko na ang tensyon sa paligid. Napangisi ako.

Parang dati lang, ako ang nasa pwesto nila. Ako iyong nakaupo, kinakabahan habang naghihintay na mabuksan ang spotlight ko upang magsalita.

Ganito pala ang feeling na paglaruan ang mga estudyante at pakabahin sila kahit pansamantala lamang. Mas lumapad ang ngisi ko at muling pinindot ang maliit na remote.

Bumukas ito sa ulunan ng lalaking nakaupo sa front seat. Agad siyang tumayo at nagpakilala.

"Alven Mandrada."

Hanggang sa sunod-sunod na silang nagsalita.

"Manrei,"

"Rhona."

"Pinky."

"Dencio."

"Jessie."

"Lyndon."

"Javed."

"Cheska."

"Liem."

"Blaize," sambit ng isang babae bilang huli sa magpapakilala. Tumango ako at pinaupo na siya.

Hawak ang remote ay nagpalakad-lakad ako sa mismong harapan nila.

"This academic year will be a bit rough for us, guys. So I'm expecting that you'll be good to me and in return, I'll be good to you too. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Walang sumagot ni isa sa kanila. Mayamaya pa'y nakarinig ako ng halakhak mula sa gilid.

It's Cheska who's laughing. Nakunot ang noo ko at binuhay ang spotlight niya. Nakatingin na siya sa akin na matatalim ang mga mata at nakangisi.

"What are you laughing at?"

"I don't know but I find you funny, Ezelle. We slaughter people we never like and you're expecting us to be good to each other as well as to you? C'mon. That will be impossible," nakangisi pa rin niyang sambit kaya halos manigas ako sa kinatatayuan ko. Nanginginig na ang kamay kong hawak ang maliit na remote. Kung sakaling sugurin nila ako ng saksak, hindi ako magdadalawang-isip na buksan ang pinto at magtatakbo.

Ngayon alam ko na kung bakit agad sumusuko ang mga nagiging adviser ng section na ito. They're giving them a death threat.

Lumakas ang tibok ng puso ko at sa hindi malamang dahilan, binuksan ko na ang lahat ng ilaw ngunit hindi ko pa pinindot ang para sa bintana at pinto.

Gusto ko na lang maglaho sa mismong harapan dahil nakita kong nakatitig na silang lahat sa akin. Matatalim ang titig at ang iba'y may ngiting demonyo. Natuyot ang lalamunan ko at pinagpapawisan.

"Are you now scared to us, Ezelle?" Blangko ang ekspresyon ni Ashlene habang nagsasalita.

Hindi pa rin ako umimik.

"But why would you feel scared? You're a murderer too, right? You're like us, killing people, tearing their flesh into pieces, savouring their fresh red blood and torturing them alive," ani Javed habang pinupukpok ang hawak na ballpen sa desk niya. Mas nagpadagdag iyon ng kaba ko.

"You belong with us, Ezelle. We kill people."

"You belong with us, Ezelle. We kill people."

"You belong with us, Ezelle. We kill people."

"Shut up!" malakas kong sigaw at itinapon kung saan ang remote na hawak ko. Nakarinig na ako ng mga tawanan at tila natutuwa pa sila sa mga ginagawa nila. Napahawak ako sa ulo ko. Sumasakit ito. Naririndi na ako sa mga naririnig ko.

"C'mon, let's kill people again. For fun and excitement, let's kill them!"

Pati mga folders sa mesa ay winakli ko. Lumipad ang ilan roon patungo sa kanila. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize kong tahimik na sila at may inosenteng mga tingin.

Dahan-dahan akong napahawak sa edge ng teacher's table upang suportahan ang sarili. Muntik na akong matumba. Kinakapos na rin ako ng hangin.

Ngayon nama'y ipapakita nila sa akin ang painosente nilang pagmumukha.

Kahit sobrang lakas ng tibok ng puso, mas pinili kong tatagan ang sarili ko na harapin sila. Tumikhim ako ng ilang beses bago magsalita.

"Now I know why your section was named Mirk. You always wanted to be in darkness to kill other people. You wanted me to become part of your group who slaughters other people for fun? Don't underestimate me," nanghahamon kong sambit at sinuklay ang buhok ko gamit ang aking mga daliri. Tinitigan ko sila isa-isa at nagsalita muli.

"I can do better than that. I can murder you all in an instant. This is Ezelle Lamontez and don't ever try to mess up with me. I maybe your class adviser, but I can be your murderer too."

Ngumisi ako at nagtaas-noo. Hindi ko sila tinatakot pero gusto ko lang ipaalam na magkataliwas kami ng paniniwala.

I already killed number of people years ago. Hindi malabong magawa ko ulit iyon kaya hangga't maaari, pinipigilan kong huwag nang alalahanin ang nakaraan. Nagugulo ang utak ko.

Nakuyom ko ang kamao ko at naipilig ang ulo. Ano na naman bang naiisip ko?

Hindi ko na sila narinig na sumagot pa. Agad kong pinulot ang mga nalaglag na folders at dumako na sa pintuan. Akma ko na itong bubuksan nang marealize kong naka-lock pa ito. Napapikit ako habang minumura ang sarili. Itinapon ko nga pala ang remote kanina. Bobo.

Sa isang iglap ay nakarinig ako ng mababagal na yabag papalapit sa akin.

"Siguro naman naikwento na ng iba sa'yo na walang tumatagal na teacher sa amin, hindi ba?" Isang boses ng babae ang nagsalita sa pagitan ng taguktok ng kanyang sapatos. Hindi ako lumingon at inantay na lamang siyang makalapit.

"Pero dahil mababait kami, hindi namin sila pinapatay. Umaalis sila dahil ginusto nila. Umaalis sila dahil hindi namin sila gusto."

Mas pinihit ko ang doorknob na nakasarado pa rin nagbabakasakaling mabubuksan ito kahit walang remote.

"Pero sa kaso mo, hindi ka makakaalis. Hangga't narito ang Mirk section, hindi ka mapupunta sa iba. Magka-tandem naman tayong lahat. Ang section ng mga mamamatay-tao, may adviser na pumapatay rin."

"There's no turning back. You choose to stay with us in hell. Then you will stay with us 'til death," bulong niya sa tenga ko na naging dahilan para magtaasan ang aking balahibo sa batok.

Pagmulat ko'y nakabukas na ang pinto. Nasa kanya pala ang remote. Nilingon ko siya at nakita ko si Ashlene na nakangisi sa akin.

"Good bye, Ma'am! See you tomorrow!"

Nakangisi niyang paalam pero hindi na ako sumagot pa. Dire-diretso na akong lumabas at nagtatakbo papunta sa faculty. Mabilis ang tibok ng puso, pinagpapawisan at namumutla.




***

Mortala Academy: School of Psychopaths | COMPLETEDWhere stories live. Discover now