CHAPTER 1 -FIRST DAY

1.3K 55 9
                                    

CHAPTER 1



FIRST DAY



"CONGRATULATIONS, Miss Ezelle Lamontez. Welcome to Mortala Academy!"

"Thank you, sir," nakangiti kong pasasalamat sa kanilang lahat. Actually, aapat lamang kami rito sa loob ng faculty. Ako, si Sir Ion, Margie, at Jhanzel na kapwa ko teachers.

"Since this is your first day here, huwag ka muna magturo! Mag-enjoy ka muna at mag-observe. Oh, 'di ba? Bongga!" palatak ng baklitang si Ion at nakipag-apir pa kay Margie. Napangiwi ako.

"Dinamay n'yo pa si Ezelle sa katamaran n'yo," sabat ni Jhanzel na abala sa paggawa ng kanyang lesson plan. Inayos ko naman ang mga folders sa table ko dahil magulo ito. Naririnig ko pa rin ang pagtatawanan nila.

"Kaunting paalala lang, ghourl. College na itong tuturuan mo kaya dapat napakahabang pasensya ang kailangan. Mas pasaway pa ata sila sa mga grade 1!" paalala sa akin ni Ion at inikot-ikot ang ballpen habang hinihilot ang sintido.

"True, madam! Kung ako ang papipiliin, sana nag-Elementary Education na lang ako," gatong ni Margie. Kapwa sila problemado.

Sabagay, noong college pasaway rin naman ako. Pasaway kaming lahat. Nagpatayan pa nga, e.

"Bakit? Ganoon ba talaga katigas ang ulo nila?" tanong ko pa. Wala talaga akong alam sa ugali ng mga magiging estudyante ko. Hindi ko pa rin sure kung saang section ako ia-assigned ng admin mayamaya lang.

"Aba, kahit ata pukpukin ng martilyo ang mga bungo ng mga 'yon, hindi papaawat. Lalo na iyong Mirk section. Ang bali-balita ko, walang nagtatagal na adviser sa kanila. Sumusuko agad at minsan nagre-resign pa! May sa demonyo ata ang mga estudyanteng 'yon," paliwanag ni Margie.

"Ang malas mo kapag sa'yo ibinigay ni admin ang section na 'yon. Good luck," biro ni Jhanzel kaya napaiwas ako ng tingin. Hindi ko akalaing makikita ko ang sarili kong magiging guro at magiging tagasuway ng mga matitigas ang ulo.

"Kapag ayaw maniwala, pukpukin mo na lang ng martilyo ang ulo."

"Siraulo ka talaga, Ion!"

At napuno na naman ng halakhakan ang buong faculty room. Napangiti na lamang ako.

Nasa gitna kami ng kulitan nang bumukas ang pintuan. Iniluwa nito ang matandang admin na nasa mid 60's ang edad. Tinapunan niya ako ng blangkong ekspresyon.

"This is your first day, right?" aniya kaya napatango ako.

"Come with me, I'll bring you to your new advisory class," aya niya. Wala na akong choice kundi ang magpaalam muna pansamantala sa mga kasama ko. They even patted my shoulder and said good luck.

Well, good luck talaga sa akin. Kinakabahan na ako nang sobra.






Tahimik lamang kami at walang kibuan habang naglalakad sa tahimik na hallway nitong paaralan. Minsan akong napapalinga sa classroom na nakasarado pero may nagsasalita sa loob.

"They're closing the classroom for the better learning and focus of the student. You can do that too if you want. This school is very high tech. All you have to do is to teach and love your students. Dapat mahaba ang pasensya mo," pangaral niya habang naglalakad kami. Tumango-tango naman ako. It's like Dolorous. The only difference was, I was the student there. Now, I will be teaching and I'll be the teacher.

"May I ask you, Miss Lamontez?" Saglit siyang tumigil sa paglalakad at hinarap ako. Nagulat ako sa kanyang mga titig.

"Why did you choose Mortala Academy?" nakangisi niyang tanong dahilan para kumabog ang puso ko.

Mortala Academy: School of Psychopaths | COMPLETEDWhere stories live. Discover now