CHAPTER 20 - SURRENDER

660 32 3
  • Αφιερωμένο στον/ην allsnjde
                                    

CHAPTER 20



SURRENDER



"KUMUSTA na siya?" salubong ko sa babaeng nasa mid 30's ang edad at nakasuot ng puting coat. Pulido ang buhok nitong naka-pony tail, may maamong mukha at nakangiti sa akin sa lobby nitong ospital.

"Ezelle Lamontez?" tanong niya sa akin. Tumango ako bilang sagot. Naglabas siya ng notepad at sinulat ang buo kong pangalan.

"I'm taking down the names of people who visited her and so far, ikaw pa lamang ang bibisita sa kanya ngayong buwan. Ikaw ang kauna-unahan niyang bisita," paliwanag niya dahilan para mawala ang ngiti sa labi ko at mapaisip. Hindi ba siya binibisita ng mga magulang niya?

"C-Can I see and talk to her?" I asked out of the blue.

"Of course. Let me take you to her room," aniya at naglakad patungo sa isang pasilyo. Sinundan ko naman siya. Hindi ko mapigilang lumingon sa mga kwartong nadaraanan. May part na tahimik, ngunit kadalasan ay may naririnig akong umiiyak, tumatawa at mga kalabog. Hindi ko maiwasang kilabutan.

Napansin ata ito ng doktora kaya nilingon niya ako.

"I'm so sorry for the disturbance. May times kasi na iba ang tinatakbo ng utak nila. They are emotionally and mentally unstable. Their behaviors are very aggressive sometimes," litanya niya habang naglalakad.

Napatungo ako. I feel sorry for Ashlene. She's gonna stay here for the rest of her life. Pero mas maganda na ito kaysa manatili siya sa kulungan. Dito, mas siguradong matututukan ang mental health niya. Payapa at walang makakapagpa-trigger ng kanyang sakit.

Sandali pa at tumigil kami sa tapat ng isang pinto. Nagpantig ang tenga ko nang marinig ang isang tili na parang nagwawala. May kalabog rin mula sa loob. Halos mapaigtad ako.

"Be careful. She's in an aggressive state right now. Are you sure you still want to come in?" Tinitigan ako ni doktora  na may pag-aalala. Ngumiti lamang ako.

"I can handle her. I've been her teacher for about two months. I know she will calm down in any minute."




Otomatikong binuksan ng doktora ang pintuan at tumambad sa akin ang isang babaeng gulong-gulo ang buhok. Nakahiga ito sa kama at parehong nakatali ang mga kamay at paa. Panay ang iyak niya na may kasamang sigaw. Mayamaya'y tatawa ito.

Nagsasalita rin siya mag-isa. Isang bagay na hindi ko akalaing makikita ko dahil normal naman siyang kausap noong wala siya rito. Ang laki ng ipinagbago niya mula sa hitsura at kilos.

Napalunok-laway ako bago tuluyang pumasok.

"Ash," panimula ko kahit alam kong hindi niya ako kakausapin. Baka nga hindi na rin niya ako kilala. Natigil siya sa pagwawala nang marinig ang boses ko.

"Go out! Go out!" sigaw niya pero hindi ko iyon pinansin. Umupo ako sa isang stool na nasa paanan lamang niya.

"I'm just checking you out here. Nakita ko namang nasa maayos kang kalagayan. Don't worry, this is my first and last visit. I won't bother to see you after this. This institution will be good for you and your sickness. Sana gumaling ka pa."

Narinig ko ang pagtawa niya at tinitigan niya ako nang matalim. Pero hindi na ako nasisindak sa mga mata niya.

"And about the camping incident, I already forgave you. Sana mapatawad ka na rin ng mga kaklase mo," sambit ko pa. Napaiyak siya at humagulhol na hindi ko naman alam kung bakit.

"Do you know what's good for me, Ezelle?" tanong niya sa kalmadong boses at napatingin sa blangkong kisame.

"What?"

"To die instead of rotting here in the four corners of the room where you see nothing but lifeless faces of the people you killed that night."

Natutop ko ang bibig ko sa sobrang habag sa kanya. Napahikbi ako lalo na nang tumitig siya sa akin na may mga inosenteng tingin at luhaang mga mata.

"Ezelle, I want to die. Blaize, she's here every day. She always mentions in her story about a paradise for the dead. I want to go up there now. Or maybe not there. Somewhere down there, six feet underground." Ngumiti siya at tumitig sa sulok ng kwarto. Tila may kinakausap siya mula roon na alam ko namang hallucinations lamang niya.

Napakagat-labi ako.

"Do you know why you survived that night?" I asked her.

"Why?"

"Because God doesn't want you to die yet. He's giving you enough time to rue for your sin."

"Is this not enough to repent mine?" iyak niya kaya tumingala ako para pigilan ang mga luha. Paulit-ulit akong bumuga ng hangin at nagpamulsa.

"He still loves you and He wants you to change. Get well soon, Ashlene," wika ko na lamang.

Mahina siyang humalakhak at napaiwas ng tingin. Sobrang hirap basahin ng tinatakbo ng utak niya ngayon.

"Can you do me a favor, Ezelle?"

Magsasalita pa sana ako nang titigan na naman niya ako nang matalim.

"Get out of this room and don't come back anymore. Get out!" paulit-ulit niyang sigaw at nagwala na muli dahilan para mapatayo ako sa pagkakaupo at mapaatras. Gusto ko siyang lapitan at hawakan ang mga kamay. Gusto ko siyang kausapin na parang normal pero tingin ko, hindi na mangyayari iyon.

Muli kong iginala ang paningin sa buong kwarto. Wala ni isang gamit roon maliban sa kama niya, stool at maliit na mesa. Bukod sa mga iyon, wala na. Purong kulay puti na ang makikita ng sino mang papasok.

May isang bintana ngunit nakasarado ito. Maliit lang kaya nakukulong ang boses sa apat na sulok ng kwarto.

Tumango-tango ako.

"Fine. I'm leaving now. Do better here starting today. Help yourself too, Ash. No one will help you aside from yourself." Hindi na ako nakatanggap pa ng sagot mula sa kanya. Ibig lamang sabihin noon, ayaw na niya akong kausap.

Mabibigat ang yabag na naglakad ako palayo at agad sinarado ang makapal na pinto. Nakarinig ako ng iyak mula sa loob pero hindi ko na ito pinansin pa. Sa hindi kalayuan ay nakita ko si doktora na nag-aabang sa paglabas ko. Pinahid ko ang luha at naglakad palapit sa kanya.

"I think she already surrendered," she blurted out.

"I think so," I added as we made our way out of the rooms where mostly mentally impaired people are secluded.






Pagkarating ko sa parking lot, naroon si ate Marie sa loob ng kotse at kanina pa ako hinihintay.

"Sorry, natagalan ako," hingi kong paumanhin at agad pumasok ng sasakyan.

"So, saan ang next mong pupuntahan?"

I checked my wristwatch.

"Mortala Academy before heading to the cemetery, I guess." Tumango siya at pinaandar na ang kotse. Muli kong sinulyapan sa huling pagkakataon ang mental institution, napabuntong-hininga at dumiretso na ang tingin sa susunod na pupuntahan.

***

Mortala Academy: School of Psychopaths | COMPLETEDΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα