CHAPTER 14 - RUN FOR YOUR LIFE

584 29 0
                                    

CHAPTER 14




RUN FOR YOUR LIFE


"CHESKA! Manrei! Pinky! Nasaan na kayo?!" sigaw ko nang alisin ni Javed ang busal sa bibig ko. Mas nagpumiglas ako upang maalis ang lubid na nakatali sa braso at mga paa.

"Huwag ka na pong mag-aksaya ng laway dahil hindi ka nila naririnig. Nakatali na rin sila sa iba't ibang parte nitong gubat. Baka nga ang iba sa kanila, nilapa na ng mabangis na hayop rito," ani Javed na inilapit pa ang mismong pagmumukha niya sa akin. Napatiim-bagang ako at agad siyang dinuraan.

Nagulat siya sa ginawa ko. Pinahiran niya ang nabasang mukha at akma sana akong hahampasin gamit ang isang kahoy nang pigilan siya ni Ashlene. Nanginginig kong iniwas ang pagmumukha ko.

"Don't hurt her yet. I find her exciting to watch when she begs for her life later," mahinang sambit ni Ash at sinuksok ang dalang kutsilyo sa bulsa niya. Ni hindi man lang niya pinansin ang mga dugo sa kanyang suot na puting T-shirt. Matapos niya akong ngisian ay tinadyakan naman niya ang lupaypay nang katawan ni Blaize bago maglakad palayo.

"Let's go and look for the others. I'm sure may mga nakatakbo na palayo. Huwag mo sila hayaang makababa ng bundok at makapagsumbong." Sinundan siya ni Javed na bitbit pa rin ang chainsaw. Rinig ko pa ang mga nakakakilabot nilang halakhakan bago sila tuluyang pumasok sa loob ng kagubatan.

Halos manghina ang tuhod ko. Ngunit imbes na magpalamon na naman sa takot ay pinilit kong makapag-isip ng paraan upang maalis ang lubid na nakagapos sa akin. Napangiwi ako. Humahapdi ang pulso ko sa bawat pagtatangka kong putulin ang makapal na lubid.

Napatitig ako sa katawan ni Blaize na hindi na gumagalaw.

"Fuck," mura ko at parang uod na inasnan habang paigtad-igtad maluwagan lang ang pagkakagapos.

Nawawalan na ako ng pag-asa.

Isang sigaw ang pinakawalan ko na bumasag sa katahimikan ng gabi. Ang sakit sakit na ng katawan at ulo ko. Pero parang sasabog na ako sa galit.




"T-Teacher Ezelle!" Parang nabuhayan ako ng loob at naiangat ang luhaang mga mata. Nakita ko sa hindi kalayuan ang aligagang si Manrei. May bitbit rin siyang isang kutsilyo. May bahid ito ng dugo.

Napaiyak ako at umiling-iling.

"H-Huwag... huwag kang lalapit," babala ko dahil malakas ang kutob kong kaya rin niyang pumatay.

Nadako ang tingin niya kay Blaize.

"Shit!" mura pa niya at sumugod sa akin.

"N-no! Get away from me!" sigaw ko dahilan para takpan niya ang  bibig ko ng kanyang palad.

"Shhh! Maririnig nila tayo!" pagbabanta niya. Tahimik akong humikbi. Nagpalinga-linga muna siya bago niya pinutol ng kutsilyo ang lubid na nakatali sa akin. Lupaypay akong napaluhod sa lupa. Para akong nakahinga nang maluwag at nakawala mula sa mahigpit na pagkakatali.

Suminghap ako para habulin ang hininga.

"N-nasaan ang iba mong mga kaklase? We need to escape from here as soon as possible," nanghihina kong tanong. Napatungo siya at tinitigan ang duguang mga kamay.

"S-Si Liem, pinatay niya si Cheska." Dahil sa sinabi niya ay nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kanya.

"Ano?"

"Pinatay niya si Cheska dahil nasaksak nito si Dencio. Si Pinky hindi ko alam kung nasaan na. Nagtakbuhan kami sa masukal na gubat kanina. Hinahabol kami ni Javed. Nakita ko, pinutol niya ang katawan ni Rhona gamit ang chainsaw," pagkukwento ni Manrei sa nanginginig na boses. Paulit-ulit siyang napalunok at napaiyak na habang nakatungo.

"Manrei?"

"Napatay ko si Alven. H-hindi ko sinasadya. Pinagtanggol ko lang naman si Lyndon." Tumitig siya sa akin. Puno ng luha ang kanyang mga mata.

"P-Pumatay ako. Nakapatay ako sa unang pagkakataon," parang siraulong sambit niya at mayamaya'y tumawa na. Isa rin siya sa mga nababaliw.

Bumuka ang bibig ko ngunit wala akong masabi. Sa kabila ng panghihina ng tuhod ko'y pinilit kong tumayo upang tumakas at lumayo sa kanya. Panay pa rin ang tawa niya na tila nawawala sa sarili. Pero hindi ko siya pwedeng iwan rito.

Napalingon ako sa direksyon ng madilim na gubat. Nakakarinig na ako ng tunog ng chainsaw. Waring papalapit ito sa amin. May tumili rin. Boses iyon ni Pinky.

Napasulyap ako kay Manrei at nilapitan siya. Inagaw ko sa kanya ang kutsilyo. Madali ko lamang iyong nahablot dahil halatang nanghihina na ang kaliwa niyang kamay.

"Manrei, listen to me." Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at niyugyog.

"Run for your life. Ako na ang bahala rito. Basta kahit anong marinig mo, huwag kang lilingon o babalik. Maliwanag ba?" sambit ko kahit kinakabahan ako sa posibleng mangyari.

Muli siyang tumingin sa akin. May luha pa rin sa kanyang mga mata. Napailing siya.

"A-ayokong magaya kay kuya. Ayokong matulad kay kuya Malcolm. Ayoko," parang bata niyang iyak kaya tinapik-tapik ko ang pisngi niya.

"Look, whatever happened to your brother won't happen to you, unless you do what I said. Am I clear? I told you to run for your life. Go now!"

Walang paligoy-ligoy na tumayo siya at natatarantang tumakbo palayo sa akin. Tulad ng sinabi ko, hindi siya lumingon. Dire-diretso lamang ang tingin niya sa dinaraanan. Malakas ang pag-asa kong oras na makababa siya ng bundok na ito, makakahanap siya ng tulong.

Napalingon ako sa pinanggalingan ng ingay na kanina ko pa naririnig. Napahigpit ang hawak ko sa kutsilyo lalo na nang lumakas ang ugong ng chainsaw. Para sa mga nakakarinig mula sa ibaba ng bundok na ito, masasabi lamang nilang may nagto-troso pero hindi. Walang nakakaalam na ganito na ang nangyayari rito.

Hindi nga ako nagkamali. Nakita ko si Javed na bitbit pa rin ang chainsaw at malapad na ang ngisi.

"Sino naman ang damuhong na tumulong sa'yo? Sabi na, e. Dapat kanina pa kita binawian ng buhay, Ma'am."

Mas nanggalaiti ako sa galit. Alam kong walang laban ang patalim na hawak ko sa bitbit niya ngayon.

Hindi niya ngayon kasama si Ashlene. Mukhang naghiwalay sila ng landas. Napaatras ako nang magsimula na siyang lumapit.

"Takbo na, Ma'am!" Tila nababaliw siyang sumugod sa akin dahilan para mapaigtad ako at kumaripas ng takbo palayo sa kanya.

Wala akong laban. Isa pa, takot rin ako para sa buhay ko.

Wala akong ibang nagawa kundi ang tumakbo rin sa ibang direksyon para iligaw si Javed. Mayamaya'y hindi ko na alam ang daan na tinatahak ko. Wala na rin akong naririnig na halakhak niya.

Naigala ko ang tingin sa paligid. Napakadilim. Muli akong tumakbo at sa pagkakataong ito'y napadaing ako sa sakit nang matisod ako sa isang nakausling ugat ng punong-kahoy.

Napaiyak ako sa sakit. Nabitawan ko pa ang hawak kong kutsilyo. Hindi ko na alam kung saan ito tumilapon.

May pumatak. Hanggang sa ang patak na iyon ay naging sunod-sunod. Bumuhos pa ang malakas na ulan.

"Shit!" Halos suminghap ako dahil sa lamig at nababasa na rin ang mga sugat ko. Humahapdi ang mga ito.

Pinilit kong tumayo dahil nakakarinig ako ng mga kaluskos.

Iika-ika akong naglakad, nangangapa sa dilim.

Hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Basta ang alam ko lang kailangan kong makaalis rito. Mabubuhay ako. Makakababa ako rito nang ligtas.




***

Mortala Academy: School of Psychopaths | COMPLETEDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ