CHAPTER 11 - WARNING

659 36 1
                                    

CHAPTER 11






WARNING





"ILANG oras pa ba ang biyahe?" inaantok na tanong ni Liem sa mga kaklase habang may pasak na headphone.

"Malayo pa ba? Ang tagal, ah," komento ni Rhona na panay ang nguya ng kinakaing chips.

"Uso mamigay, Rhona," sarkastikong sambit ni Alven at hinablot sa dalaga ang kinakain nito. Nakatanggap naman ito ng sapak mula sa kanina pang nagmamasid na si Pinky.

"Aray, pota!"

Doon na nagsimula ang riot sa loob ng bus. Nagkagulo sila at naghabulan na parang mga elementary. Napuno rin ang buong sasakyan ng mga tawanan. Imbes na awatin sila'y pinabayaan ko na lang dahil Mirk section lang naman ang narito.

"Guys, naka-video 'to!" natatawang anunsyo ni Cheska na bitbit ang video cam niya. Itinutok pa niya ito sa mismong pwesto ko. "Ma'am, kaway ka naman! Say hi to our vlog!"

Napaiwas ako ng tingin at tinakpan ang mukha. Mayamaya pa'y naramdaman ko ang pag-upo ni Ashlene sa tabi ko. Inaalok niya sa akin ang hawak niyang pagkain pero tumanggi ako. Hangga't maaari, ayokong tumanggap ng kahit anong pagkain na galing sa kanila. I really don't trust any of them. Sa ginawa nila noong despedida party, alam ko na ang mga kaya at posible pa nilang magawa.

"Why not join them tripping each other?" alok ko na lamang pero humalukipkip siya sa tabi ko at napangisi.

"I better watch them from here. Nakakalungkot. Baka kasi huling tawanan na nila 'yan. Pagbibigyan ko na," halos pabulong niyang sagot dahilan para manlaki ang mga mata kong napatitig sa kanya.

"A-anong sabi mo?"

Saglit siyang hindi kumibo habang pinagmamasdan pa rin ang nagtatawanan niyang mga kaklase. Pagkuwa'y ngumisi na naman siya sa akin.

"It's a prank!" Tumalilis siya palayo sa pwesto ko at nakisali na rin sa mga nagkakagulo niyang kaklase. Bumilis ang tahip ng dibdib ko.

Muli ko silang binilang. Labing-dalawa lamang kaming narito sa loob ng bus na medyo may kaluwangan. Ibinukod ang bawat sections dahil may kanya-kanyang designated camp site para sa amin. Labing isa sila. Pang-labing dalawa ako bilang adviser nila.

Aalog-alog tuloy ang bus dahil sa ang kaunti namin. Pinili ko ang upuan na malapit sa bintana at pinagmamasdan ang binabagtas naming kalsada. Ang kaninang puro kabahayan ay napalitan na ng nagtataasang puno at malalagong halaman. Medyo mabagal na rin ang pag-usad ng bus dahil matarik na ang daanan.

Umayos ako ng upo. Malapit na kami sa campsite.

Dalawang sundalo ang sumalubong sa amin pagkababa pa lamang ng bus. May mga bitbit itong armadong baril habang naglalakad papalapit sa sasakyan. Hiningi lamang ng mga ito ang aming mga contact numbers  at ipinasulat ang mga pangalan sa log book. Sila mismo ang maghahatid sa amin sa tuktok ng bundok na ito.

"Hey, man! I like your gun!" komento ni Javed habang nakatitig sa  baril ng sundalo.

"You'll gonna have this if you choose military, boy!" sagot ng nakangiting sundalo at tinapik nang malakas sa balikat si Javed.

"Nah, I can have that now," aniya habang may pilyong ngiti sa mga labi na animo'y may binabalak na masama.

"Javed," maotoridad kong suway sa kanya dahilan para mapatingin siya sa akin. Naiiling niyang itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko, umatras at nagtungo na sa mga kasamahan.

"Ma'am Ezelle?" Napalingon ako sa tumawag.

Si Manrei ito.

"Kumusta?" bati ko. Pagkatapos kasi ng tagpo namin noon sa sementeryo at sa mismong harap pa pala ng puntod ng kapatid niya ay hindi na kami nakapag-usap.

Mailap ang mga titig niya at napakamot sa batok.

"M-May sasabihin lang sana ako," panimula niya. Mas hinarap ko siya para mapakinggan tutal ilang minuto pa naman ang palilipasin bago kami tumungo sa campsite. Hindi pa kasi tapos ang iba na isulat ang pangalan nila sa log book.

"Ano 'yon?"

Bumuka ang bibig niya na tila naghahagilap ng mga salitang sasabihin. Ngunit bago pa niya mailabas iyon, tinawag na kami ng sundalo.

Oras na para pumunta sa camp site. Hinatak na rin naman si Manrei ng kasama niyang si Liem kaya hindi ko na siya natanong pa.

"Mga ilang metro ang layo ng campsite sa kampo n'yo?" usisa ko. In case of emergency kasi, baka mahirapan akong ma-contact sila.

"Malapit lang, Ma'am. Pero hindi n'yo naman  na kailangan mag-alala since may sundalo nang naghihintay roon sa taas to provide your security. You and your students, you'll be safe there for three days," may paniniguro niyang sagot kaya kahit papaano'y naging kampante ako.

Kahit pakiramdam ko, hindi naman na talaga kami safe sa isa't isa. Ikaw ba naman ang makakasama ang labing-isang mamamatay-tao sa dalawang gabi? Hindi ko alam kung anong posibleng mangyari pero gusto kong maging handa ako.

Nahihirapan na kaming tahakin ang matarik at mabatong daanan patungo sa mismong lugar. Halos humawak na rin kami sa nagtataasang bato upang suportahan ang mga sarili.

"We're finally here! Hoo!" anunsyo ng pagod na pagod na si Rhona na kanina pa nangunguna sa paglalakad kasama si Pinky.

Naigala ko ang tingin sa paligid. Malalago ang halaman at nagtataasan ang mga puno. Pero ang kapansin-pansin ay ang mga nagtatayuang tent sa gilid ng batuhan. Napangiti ako.

Ang gandang tingnan ng mga ito mula rito sa pwesto namin. Mayamaya ay nilapitan kami ng isa pang sundalo na kanina pa ata narito sa campsite at hinihintay ang pagdating namin.

"Siya ang magbabantay sa kaligtasan ninyo rito. Kapag may iba pa kayong kailangan, don't hesitate to approach us. Good day and enjoy your three-day camping, Ma'am!" Napayuko ako nang sumaludo siya bago umalis.

Agad nagtakbuhan sa loob ng tent ang mga estudyante ko. Nag-unahan pa nga ang mga ito sa pagpili ng kani-kanilang mga tent.

Isang mini flag ang nakatusok sa lupa. Nakaprint sa watawat na iyon ang Mortala – Mirk section na walang iba kundi kami.

Ibinaba ko ang mga gamit ko at nag-inat-inat habang pilit ikinakalma ang sarili. Nakakagaan ng pakiramdam ang ambiance rito. Payapa. Mas makakapag-isip ka. Malayo sa magulong eskwelahan ng Mortala.

"Do you think you'll find the peace you're looking for here?"

Napakislot ako sa boses na iyon. Naimulat ko ang mga mata at nakita sa tabi ko si Ashlene na blangkong nakatitig sa kawalan.

"W-What do you mean?"

"The sounds of the birds and the nature. I hate them so much," she answered that made me laugh.

"C'mon, why would you hate the natu---"

"I killed someone before I decided to join your camping activity. That's why I came late earlier. I did it in the woods." Halos mapatda ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga sinasabi niya.

Muli niya akong hinarap  pero hindi siya ngumisi.

"So don't trigger me and the others if you don't want to see blood sheds tonight."

Kumabog ang puso ko at nanlamig lalo na nang magsimulang umihip ang malakas na hangin. Nagsitayuan ang mga balahibo ko.



***

Mortala Academy: School of Psychopaths | COMPLETEDWhere stories live. Discover now