CHAPTER 6 - MEET AGAIN

721 44 7
                                    

CHAPTER 6

MEET AGAIN


NAKAPANGALUMBABA ako habang nakaupo at malalim ang iniisip. Napakislot ako nang marinig ang school bell. Sigurado akong umpisa na ng klase. Tutal, vacant ko naman, pinili ko na lamang manatili rito sa loob ng faculty.

Bumukas ang pintuan at pumasok sina Margie at Ion na tahimik lamang. Kapwa ito nakasuot ng itim na damit bilang pagluluksa sa pagkawala ng isang member ng aming faculty.

Si Jhanzel Manarang.

Napatitig sa akin si Margie. Pugto ang mga nito na mukhang galing pa sa pag-iyak. Napaiwas ako ng tingin. Dire-diretso silang tumungo sa kani-kanilang table. Tulala at parang mga wala sa sarili.

Dumako ang tingin ko sa table ni Jhanzel. Wala na roon ang mga gamit niya. Isang picture frame na lang ang naroon kung saan litrato pa niya ito noong Foundation Day ng Mortala. Masaya siya at nakangiti. Malayong-malayo sa Jhanzel na huli kong nakita sa comfort room at sa rooftop. Napakagat-labi ako at tumungo.

"Ayos ka na ba, Ezelle?" tanong ni Ion at inilapag sa table ko ang isang sandwich at bottled water. Tulad ng dati, may pag-aalala pa rin sa kanilang mga tingin. Ngumiti na lamang ako.

"Ayos na ako," tipid kong sagot.

"Dapat nagpahinga ka na lang muna. Maiintindihan naman ni Jhanzel kung hindi ka makakaattend ng despedida niya," ani Margie bago suminghot at pinahid ang luha. Kumunot ang noo ko.

"Despedida?"

"Oo, ghourl. Farewell party. The admin wants to launch a despedida for her after the burial. Para kahit wala siya, kahit bilang pag-alala na lang. Napakabait kasi at napakarespetadong guro naman talaga nitong si Jhanzel. Hindi ko alam kung bakit nagawa niya iyong ganoong bagay." Halos masapo ni Ion ang mukha niya at umupo na sa mono block kaharap ng mesa ko.

"Kailan gaganapin?"

"Mamaya raw na gabi." Si Margie ang sumagot habang nagliligpit ng kanyang mga gamit at inihahanda para sa sunod na klase niya.

"Sa bahay ni Jhanzel?"

"Nope, the admin insists na dito na lang since ang alam ng lahat nagre-rent lang ng apartment itong si Jhanzel. Hindi kayang iaccomodate ng bahay ang dadagsang bisita. I'm pretty sure maraming pupunta mamaya. Huwag ka mawawala, a? Kahit dito lang sana magsama-sama tayo para sa kanya," mahabang litanya ni Ion kaya napatango naman ako.

"Maiba ako, wala ka bang klase ngayon sa mga bata mo?" tanong pa ni Margie na papaalis na muli ng faculty. Sunod-sunod kasi ang schedule ng pagtuturo niya. Siya ang sumalo ng lahat ng section na tinuturuan dati ni Jhanzel.

Napaisip ako dahil sa tanong niya.

Pagkuwa'y mabilis ko ring hinagilap ang mga gamit ko at humabol sa kanya bago pa siya makalabas ng pintuan.

"Sabay na tayo."







Walang nagsasalita sa aming dalawa ni Margie habang tinatahak namin ang hallway na mangilan-ngilan na lamang ang mga estudyante. Ang ilan sa kanila ay tambay lang at walang ginagawa.

"Kumusta ang pakiramdam mo? I'm sure you are in a trauma right now. Witnessing someone who committed suicide is the worst," malungkot na sambit ni Margie kaya napatungo ako.

"I'm fine. I've been through the worse when I was a student."

"Ezelle," tawag niya sa akin dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. Tinitigan niya ako sa mga mata bago nagpalinga-linga.

"I just want to warn you about the Mirk section. They are the cause of Jhanzel's death. Ayokong pati tayo magaya sa kanya," paalala niya. Mahina man ang pagkakabanggit, malinaw naman ito sa pandinig ko. Ako naman itong napabuntong-hininga.

Bago pa ako makasagot ay kapwa na kami napalingon sa mga paparating. Sina Cheska at Ashlene ito ng Mirk section. Kapansin-pansin kay Ash ang ngisi sa kanyang labi habang nakatingin sa akin.

Pero hindi na ako makaramdam ni kaunting kaba man lang.

"Teacher Ezelle!" Kahit malayo pa'y umalingawngaw na ang masayang boses ni Cheska.

Saglit akong sumulyap kay Margie na namumutla na ngayon sa harap ko.

"One of them hit me with a baseball bat after Jhanzel throw herself off the rooftop. I don't trust any of them. I promise to myself that I won't let murderous blood rushed through my vein again. But now..." Ngumiti ako nang tipid habang pinagmamasdan ang dalawa kong estudyante papalapit sa akin kalakip ang mga painosente nilang ngiti sa mga mukha. "If they would hand me a knife tonight, I won't hesitate to kill them too."

I saw Margie's pale reaction in my periphery. I just smiled and looked at her, trying to convince her that everything would run fine tonight in Jhanzel's despedida party.

"M-Mauna na ako, Ezelle. See you at the faculty later!" paalam ni Margie bago pa makalapit ang dalawa sa pwesto namin. Halos matapilok pa siya sa paglalakad nang mabilis. Mailap rin ang tingin niya kay Ashlene na sunod ang tingin sa kanya palayo.

"Hey, I'm glad you're still alive," halos pabebeng bati ni Ashlene dahilan para magpakawala ako ng isang pilit na ngiti. Magplastikan kami rito.

"You too. It's good to see you breathing as of today." I flashed a demonic smile and looked at Cheska. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagrehistro ng gulat sa kanilang mga mukha.

"We're very sure that you are all still grieving for your friend's death. We are very sorry for her loss," ani Ashlene habang pinaglalaruan na ang dulo ng kanyang buhok gamit ang mga daliri. Mga sira talaga ang ulo!

Imbes na sagutin siya, ngumisi na lamang ako.

"Hindi n'yo ba ako na-miss? Kasi na-miss ko kayo kahit tatlong araw lang naman ako sa ospital," sambit ko pa at nginitian sila pareho.

"Of course Mirk section missed you!"

Parang bata na hinatak ako ni Cheska patungo sa direksyon ng kaduluhang classroom kung saan naroon ang section nila.

Pagpasok ko pa lamang ay pansin ko na ang katahimikan ng loob. Iginala ko ang paningin. They are now only eleven.

Anim na lalaki at limang babae. Nadako ako sa assigned seat ni Jessie na ngayon ay bakante na. Poor girl. Halata namang isa lang sa mga kaklase niya ang tumapos sa buhay niya.

Tumikhim muna ako, inilapag ang attendance folder sa ibabaw ng mesa at nagsalita.

"I know you are all shock for seeing me today in front of you discussing some matters. I've been absent for the last three days. Enough days for you to do all the assessment tasks I've rendered to Ashlene as your section's class president," paliwanag ko pero wala ni isang umiimik.

Tila may sarili silang mundo at ayaw makinig sa akin. Napabuntong-hininga ako.

Saglit lamang ay napakislot ako dahil sa pag-ring ng aking cellphone. Dali-dali ko itong sinagot at narinig ang aligagang boses ni Ion sa kabilang linya.

"Ezelle? We need you here in the clinic ASAP!"

"W-what? Why? What happened?" kunot-noo kong tanong. Masyadong maingay sa kabilang linya kaya hindi ko maintindihan.

"Si Margie! Sumusuka na ng dugo! Lason raw! Lason!"

Sa puntong iyon ay hindi ko na napigilan ang mapalingon sa nakangising si Ashlene na pinaglalaruan na naman ang dulo ng buhok niya.

Nakangisi ito sa akin na parang alam nang mangyayari ito. Agad kong pinutol ang linya kasabay ng pagtakbo ko palabas ng room. Rinig ko pa na humalakhak si Ashlene pero hindi ko na ito pinansin.

Margie was poisoned and I am very sure that Mirk section has something to do with this.

They are now killing us one by one!

***

Mortala Academy: School of Psychopaths | COMPLETEDWhere stories live. Discover now