CHAPTER 4- FOUL PLAY

782 49 1
                                    

CHAPTER 4


FOUL PLAY



MATAPOS kong isara ang gripo at maghilamos ng mukha ay napatitig ako sa sa salamin. Pinagmasdan ko ang repleksyon ko. Paulit-ulit akong napalunok. Hindi pa rin matigil ang bilis ng tibok ng puso ko

Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pintuan nitong comfort room at pumasok si Jhanzel na co-teacher ko. Hindi tulad ng dati na masayahin at palabati, dire-diretso lamang siyang naglakad patungo sa isang cubicle. Napakunot ang noo ko. In-snob ba niya ako o sadyang hindi lang niya ako napansin?

"Jhanzel? Ayos ka lang? Na-stress ka sa mga estudyante mo 'no?" pabiro kong bati sa kanya kahit nasa loob pa siya ng cubicle pero hindi siya sumagot.

Makailang minuto na hindi pa siya lumalabas. Pero hindi pa rin ako umalis sa pwesto ko dahil balak ko na siyang hintayin para sabay na kami kumain ng lunch. Hindi nga ako nagkamali. Nakarinig ako ng pagflush ng toilet at pagbukas ng pintuan ng cubicle.

Tumambad sa akin ang haggard niyang hitsura. Pawisan, malilikot ang mga mata at tila nanginginig. Aligaga siyang naghugas ng mga kamay at naghilamos rin. Doon ko lamang nakita na ang tubig na umaagos mula sa kanyang mga kamay ay may bahid na kulay pula. Pilit niya itong tinatanggal sa pamamagitan ng paghugas nito gamit ang tubig.

Naningkit ang mga mata ko at umawang ang bibig upang magsalita.

"J-Jhanzel?" tanong ko pa kaya tuluyan niyang pinatay ang gripo at napatungo habang nakatuon ang dalawang duguang kamay sa sink. Sandali pa'y nagtaas-baba ang balikat niya. Nakarinig na ako ng hikbi.

"Jhanzel, what did you do?" tanong ko pa. Tinangka kong hawakan ang balikat niya pero iwinakli niya ang kamay ko. Tumitig siya sa kanyang repleksyon sa salamin. Namumugto na ang mga mata niya.

Doon ko lamang narealize na hindi lang mga palad niya ang duguan kundi may tilamsik rin ng dugo ang suot niyang uniporme pati na ang sapatos. Natutop ko na lamang ang bibig ko.

"Jhanzel?" sambit ko pa. Mas tumindi ang kanyang iyak.

Mayamaya pa'y nakarinig na rin ako ng mabibilis na yabag sa labas. May nagtatakbuhan. Nasundan ito ng mga pagsigaw at doon na naging klaro ang lahat sa akin.

"Fuck! Jessie is dead! Shit!"

"Where's her body?!"

"Nasa may storage room raw!"

Napaatras ako kay Jhanzel. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagtatakbo palabas ng comfort room. Kailangan kong mapuntahan si Jessie. Kailangan kong masiguradong tama ang kutob ko kung sino ang pumatay sa kanya.



"Excuse me," paulit-ulit kong sambit habang pinagsisiksikan ang katawan sa mga nakikiusyosong estudyante.

"Excuse me, ako ang adviser niya," paalam ko pa. Humawi ang ilan ngunit ang iba'y sadyang matigas talaga ang mukha at humarang pa.

Nanigas ako sa kinatatayuan nang makita ang nakahandusay niyang katawan. Tadtad siya ng saksak. Ang kulay puti niyang uniporme ay kulay pula na ngayon. Kakakilala ko pa lamang sa kanya kanina pero hindi ko alam na ganito na agad ang mangyayari.

"F-Fuck," mahina kong mura at agad sana siyang lalapitan pero hinarang na ako ng guard.

"Sorry, Ma'am. Hindi po pwedeng lapitan ang bangkay. Paparating na po ang pulisya para sila ang mag-asikaso nito,' aniya at bumalik sa kausap nito sa telepono na hawak.

Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit wala ni isa sa Mirk section ang naroon. Napalunok ako.

"Jhanzel what the fuck did you do?" Naihilamos ko ang palad sa mismong mukha. Ingay pa rin ng mga estudyante ang naririnig ko.

"T-Teacher Ezelle?" Napakislot ako nang may tumapik sa balikat ko. Si Blaize iyon at isa siya sa Mirk section. Natandaan ko ang pangalan niya dahil siya ang huling nagpakilala kanina. Kapansin-pansin ang pamumutla niya at panginginig.

Huwag niyang sabihin na may panibagong problema na naman?

"Ano 'yon?"

"Si Ma'am Jhanzel p-po..." nauutal niyang sagot.

"Ay ano?" usisa ko pa kahit kinakabahan ako sa magiging sagot niya.

"Nasa rooftop po. Parang tatalon. Ma-am---"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at kumaripas na ng takbo patungo sa direksyon ng rooftop. Napakabilis ng tibok ng puso ko. Hindi 'to pwedeng mangyari dahil kanina lang, kinakausap ko pa siya sa loob ng comfort room.

Kagat-labi kong inakyat ang hagdanan ng rooftop kahit nanginginig na ang mga tuhod. Sumalubong sa akin ang malakas na hampas ng malamig na hangin. Dinadala nito ang mahaba kong buhok patungo sa mukha ko kaya nahihirapan akong magmulat.

Napakalawak ng rooftop. Nasaan siya rito?

"Jhanzel?!" tawag ko pero walang sumasagot. Umaalingawngaw lamang ang boses ko pabalik sa akin. Napahawak ako sa dalawa kong tuhod dahil sa panghihina.

"Jhanzel!"

"Jhanzel?"

Tuluyan na akong napatda sa kinatatayuan nang makita siya sa hindi kalayuan. Nakatungtong na sa edge ng rooftop at nagbabalak na tumalon. Kumabog ang puso ko sa kaba. Isang maling hakbang na lamang at babagsak na siya sa ground floor.

"Huwag kang lalapit! Diyan ka lang!" bulyaw niya at nagpupuyos sa galit ang luhaan niyang mga mata.

"Please, kung ano man ang problema, daanin na lang natin 'to sa usapan hindi sa ganito!"

"Hindi na lahat madaraan sa mabuting usapan, Ezelle."

Napaiyak na ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Hinugot ko ang cellphone ko para sana magdial ng number o tawagan sina Ion at Margie pero walang signal. Hindi ko naman pwedeng iwan si Jhanzel rito at baka tuluyan nang tumalon.

"Jhanzel, please listen to me. Hindi mo matatakasan ang krimen na ginawa mo sa pamamagitan niyan! Hindi kamatayan ang sagot! Makinig ka sa akin!" naiiyak kong sigaw pero umiling lamang siya habang umiiyak.

"Hindi naman ako nagsisisi sa ginawa ko, Ezelle. Ginusto kong patayin ang batang iyon. Dapat lang siyang mamatay. Siguro iyon lang ang role ko rito sa mundo. Ang pumatay ng mamamatay-tao at patayin na rin ang sarili. Matatahimik na ako," nakangisi niyang sagot kaya para akong binuhusan ng malamig na tubig sa pwesto. Nanginginig na ako.

"Pakisabi kay Ion at Margie, attend rin sila ng lamay ko, ha? Huwag sa lamay ng batang 'yon."

"Jhanzel!"

Halos mapatid ang mga litid ko sa leeg kakasigaw ng pangalan niya nang tuluyan na siyang humakbang paatras. Naging dahilan iyon upang malaglag siya sa ground floor. Nakarinig na ako ng pagbagsak. Sumunod ang sigawan at tilian ng mga estudyante sa baba.

Naikuyom ko na lamang ang kamao ko at napatingala. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak dahil sa pangatlong pagkakataon, hinayaan ko rin naman na may mamatay ulit at wala man lang akong ginawa.

Tinatagan ko ang sarili at napabuga ng hangin. Pinahid ko ang luha dahil nakarinig ako ng mabagal na yabag sa aking likuran. Umayos ako ng tayo.

Ngunit bago ko pa makita kung sino ang paparating, may humampas na ng matigas na bagay sa ulo ko. Napabagsak ako sa sahig. Kumirot ito at nakaramdam ako ng mainit na likidong umaagos sa bandang sintido.

Sinubukan kong tumayo pero hindi ko na kaya. Nanunuot na ang sakit ng pagkakahampas sa akin. Ngumiwi na lamang ako.

"Teacher Ezelle." Nakita ko si Blaize sa paanan ko. Kumislap sa sinag ng araw ang suot niyang eyeglasses. Nakatunghay lamang siya sa akin.

Itinaas ko ang isa kong kamay para humingi ng tulong pero hindi siya natinag. May tumapik sa balikat niya.

"Good job, Blaize. You really are one of us," nakangising puri ng babaeng may uniporme na gaya ng sa kanya. Ash gray ang buhok nito. Pipilitin ko na sanang tumayo kahit masakit ang ulo pero hinampas muli niya ako ng dala niyang baseball bat.

Sa nanlalabo kong paningin, nakita ko silang dalawa. Naglalakad palayo at nagtatawanan.


***

Mortala Academy: School of Psychopaths | COMPLETEDWhere stories live. Discover now