Scene 3: Ikaw Pa Rin

408 12 0
                                    

Hindi pala madali ang maging singer. First time ni Ron na kumanta sa entablado sa kanilang eskwelahan. Sanay siyang kumanta sa mga videokehan pero iba ang mag perform sa harap ng maraming tao. Nasa 4th year high school na siya ng magsimulang mag perform sa harap ng kaniyang mga kaeskwela. Halos parang walang lalabas na boses sa kaniyang bibig sa kaba. Ang kaniyang tuhod ay halos manginig dahil sa hiyang nararamdaman. Subalit ilang segundo lang ay nakabawi siya. Nag focus siya sa pagtugtog ng keyboard. Sa pagkakataong iyon ay yung keyboard ang nagsilbing sanggalang ni Ron. Hindi halata ang kaniyang pagyuko, para lang siyang tumitingin sa mga nota na tinutumbok ng kaniyang mga kamay. Nawala ang nerbiyos ng masimulan niyang kantahin ang "Ikaw Pa Rin".

Para mawala ang kaba, ipinikit ni Ron ang kaniyang mga mata at isina-isip si Mina. Sa gayon ay mas naramdaman nya ang bawat salita sa liriko ng awiting ginawa ng kaniyang Lolo.

IKAW PA RIN

Alipin ng kahapon, itong damdamin ko
Kailan kaya ako lalaya, sa gapos ng pag-ibig mo
Kahit mata'y nakakakita, bulag pa rin itong puso
Pilitin mang muling umibig, tibok nito'y para lang sa 'yo

Kahit kailan, ikaw lang ang iibigin ko
At mananatiling wagas tong pag-ibig ko
Kahit pa abutin man ng pagka-gunaw ng mundo
Ikaw pa rin ang mahal ko

Nais ko'y malaman ko, ay minahal kita ng tunay
At wala ng ibang hihigit pa sa ligayang nadama
Pag-kapiling ka

Isang ballad na malungkot ang tema. Nakuha ni Ron sa songbook ng kaniyang Lolo. Ito ay tungkol sa isang pag-ibig na mahirap malimutan. Sa tingin ni Ron ay hindi ito ginawa ng kaniyang Lolo Juanito para sa kaniyang Lola Trining. Iba ang naging inspirasyon ng kaniyang Lolo sa kantang ito.

Matagal na niyang gustong lumikha ng orihinal na kanta, subalit hindi niya matapos-tapos. Naisip niya na siguro nga ay kulang siya sa inpirasyon.

"Anong nangyari kanina? Halos mawala ang kulay sa iyong mukha, ang putla-putla mo", sabi ni Lloyd na mukhang natatawa.

"Medyo kinabahan ako ng humarap sa maraming tao. Kaya lang, kailangan kong kumanta dahil 'yon ang pangarap ko at nais kong bigyan ng hustisya ang isa sa mga sinulat ni Lolo Juanito", sambit ni Ron.

"Sa unang pagkakataon lang iyan. Masasanay ka rin kapag lagi mo nang ginagawa". -pag i-encourage ni Lloyd.

"Congrats Ron, ang husay mong kumanta!",singit ni Mina.

Si Mina ang crush niya noon pa. Si Mina ang top 1 sa kanilang klase- mabait, maganda at matalino. Kanina habang nasa entablado, parang gustong bumigay ng kaniyang mga tuhod sa kaba. Ngayong kaharap niya si Mina, kaniyang dibdib naman ang bumilis sa pagtibok.

Paano niya sasabihin na para sa kaniya yung inawit niya kanina gayong wala siyang lakas ng loob na magsabi ng kaniyang damdamin sa dalaga.

"Salamat Mina". Yun lang ang lumabas sa kaniyang bibig habang pinipigilan ang kabog ng kaniyang dibdib.

Ano kaya ang kaniyang magiging reaction kung ligawan ko siya? Gagawan ko siya ng kanta, sabi ni Ron sa sarili.

Plano niyang gayahin ang istilo ng kaniyang Lolo base sa napag-aralan niya sa songbook.

Hulog Ng Langit (Wattpad Pop-Musical)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora