Scene 14: Elevator

185 5 0
                                    

Hindi nakawala sa paningin ni Ron ang event organizer ng Mars Hotel sa Makati kung saan sila nag contract signing ng bago niyang manager na si Marvin. Tandang tanda ni Ron na buwan ng Abril 'yon- ang simula ng mga magagandang pangyayari sa kaniyang buhay.

Habang pinipirmahan niya ang kasunduan, napapalingon siya sa kaniyang kanang bahagi kung saan abala si Toni na nagbibigay instruction sa kaniyang staff.

Hindi matukoy ni Ron kung love at first sight ang nangyari o simpleng paghanga lang kay Toni ang kaniyang naramdaman. Nais niyang makilala ang dalaga at subukang ligawan. Ayaw na niyang palampasin pa ang pagkakataon gaya ng ginawa niya kay Mina- ni hindi niya naipagtapat ang kaniyang nararamdaman.

Sa presscon ipinakilala ni Marvin si Ron bilang new artist ng Pure Music Talent Management. At sa muling pagkakataon ay naramdaman ni Ron na magkakaroon na ng katuparan ang kaniyang mga pangarap na maging isang matagumapay na singer/ songwriter. Nakakasilaw ang dami ng flash ng camera habang kinukunan siya ng pictures upang ilathala sa mga pahayagan.

Noong Biyernes na pumunta si Ron sa opisina ni Marvin, ay mayroon itong ipinagtapat sa kaniya.

"Maestro ko sa music ang iyong Lolo Juanito sa high school. Malaki ang influence niya sa akin pagdating sa musika."- ang bungad ni Marvin sa kaniya ng mag meet sila sa opisina ng Pure Music.

"Isa siyang tunay na alagad ng sining, napakahusay magturo ng music."- dagdag pa niya.

Hindi makapaniwala si Ron sa pagkakahabi-habi ng mga pangyayari. Ang una ay iyong songbook na naging guide niya sa paglikha ng mga kanta, tapos ngayon si Marvin na malaki ang respeto at paghanga sa kaniyang Lolo Juanito. Pakiramdam niya ay pinapatnubayan siya ng kaniyang Lolo Juanito. Alam niya na proud ito sa kaniya dahil pinili niya ang buhay musika.

Halos si Marvin lang ang patuloy na nagsasalita sa pagkakataong iyon.

"Marami siyang frustrations kasi maraming nais magsamantala sa kaniyang talento, ngunit 'di niya ito hinayaang mangyari dahil matibay ang kaniyang prinsipyo. Kaya malaki ang paghanga ko sa kaniya. Siya ang dahilan kung bakit ako nandito sa larangang ito"-patuloy ni Marvin.

Nakikinig lang si Ron na talagang lubos na 'di makapaniwala sa mga pangyayari.

"Ngayon ay nagkaroon ako ng pagkakataong makabayad ng utang na loob sa kaniya. Tutulungan kitang sumikat bilang singer/composer. Mahirap kasing walang kakilala sa industriyang ito- walang mangyayari sa iyo. Masasayang lang ang husay mo. Dalawang buwan mula ngayon ay ila-launch kita bilang bagong talent ng aking kumpanya"- pag-aasure ni Marvin.

Nang matapos ang press con ay hinanap agad ni Ron si Toni. Pasakay noon sa elevator si Toni ng makita siya ni Ron. Dali-dali tinakbo ni Ron ang elevator upang makasabay at makipagkilala sa dalaga. Subalit hindi naging maganda ang timing ni Ron at naipit siya sa pasarang pinto ng elevator.

Ganoon nga ang naging eksena sa unang pagkakataong sila'y magtagpo. Kinakanta ni Ron ang "Elevator" habang pababa sila ni Toni mula sa 3rd floor.

ELEVATOR

I got caught in between
Slowly closing doors
Of a hotel elevator
When I force my way in

It could have been a perfect timing
If not for my mistake, not looking
I only noticed you alone and I hurried in

'Twas the chance that I've been waiting
Turned into the most embarassing moment of my life
It's not what I'm expecting
'Coz I dreamed of it last night
We start and we end so well

I should have put my best foot forward
Seems everything I felt was awkward
Can't even look at you straight in the eye
It was like my spirit rising to the sky

But those were the memories
I vividly remember
How beautiful was your smile
When you helped me in

'Twas the chance that I've been waiting
Turned into the most unforgettable moment of my life
It's the way that I'm expecting
'Coz I dreamed of it last night
We start and we end so well

In this elevator
Where our love story began

Hiyang-hiya si Ron na nagmukha siyang tanga ng maipit sa elevator. Pero nakita niya na natawa si Toni, at iyon ang sinamantalang pagkakataon ni Ron upang makipagkilala at maimbita si Toni na mag dinner.

"Salamat at pumayag kang mag dinner tayo."- nakangiting sabi ni Ron habang bumubukas ang pinto ng elevator sa may ground floor.

Yun ang simula ng kanilang love story.

Hulog Ng Langit (Wattpad Pop-Musical)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin