Scene 16: Hulog Ng Langit

190 6 0
                                    

Si Toni ang tinuturing ni Ron na hulog ng langit para sa kaniya, tugon ng Diyos sa kaniyang panalangin. Ngunit hindi rin niya maitatanggi na malaki ang naging parte ni Mina sa buhay niya. Yun nga lang wala siyang lakas ng loob noon na magsabi ng kaniyang damdamin kay Mina.

Nguni't iyon ay nakalipas na. Bahagi na iyon ng mga nakaraan niya na kaniyang pilit na kinalimutan.

Sigurado siya na naka-move on na siya patungkol kay Mina. Sa ngayon ay kay Toni na niya ibabaling ang kaniyang atensiyon. Hindi lang fling ang nararamdaman niya kay Toni. Talagang mahal niya ito. Sa pagkakataong ito ay 'di na niya bibitiwan pa si Toni.

Makalipas ang isang linggo, tinawagan ni Ron si Toni.

"Hello Toni, pwede ba kitang puntahan diyan sa Mars Hotel mamaya pag out mo?", tanong ni Ron sa cellphone.

Pumayag naman si Toni sa paunlak ni Ron sa isang kundisyon.

"Kung seryoso ka sa iyong intensyon, magdala ka ng tatlong pulang rosas. Pero kung gusto mo ay pakikipag-kaibigan lang, magdala ka ng doughnuts."-pabiro na sagot ni Toni.

"Bibisita raw si Ron dito ngayon",saad ni Toni kay Kristine.

"Mukhang totohanan na 'yan ha?", pangagantiyaw ni Kristine.

Si Kristine ang kaibigang matalik ni Toni. Isang taon na rin silang magkasama sa trabaho sa Mars Hotel. Sa kaniya nagsasabi si Toni ng mga personal na bagay. Sa pagkakataon gaya ng pag bisita ni Ron, sa Kristine agad ang unang nakaka-alam.

Nang magkita nga sila sa reception area ng Mars Hotel ay may mga guest na nag flash mob sa nakakaindak na tugtog ng kantang "Hulog Ng Langit".

HULOG NG LANGIT

Kay tagal kong nagtiis
Maghintay sa tamang panahon
Naghalong takot at kaba
Ang nadarama sa t'wina

Ngunit ngayon nandito ka
'Di kita bibitiwan
Dahil alam kong ikaw lang
Ang nag-iisang para sa 'kin

Ikaw ang hinihintay kong
Makapiling sa habam-buhay

Ang pag-ibig mo ay hulog ng langit
Sagot sa panalangin ko
Ang pag-ibig mo, ay 'di ko sasayangin
Laging pag-iingatan ko

Sa hirap at ginhawa ay iibigin kita
Walang ibang mamahalin hanggang sa libing

Ang paglipas ng oras
Ay tila 'di ko napapansin
Kapag ikaw ang kasama, masaya
Salamat sa pag-ibig mo

Dala ni Ron ang tatlong pulang rosas para kay Toni. Ito ay tinanggap naman ng malugod ni Toni.

"Ibig bang sabihin nito ay pagsagot mo ng oo?", may pangambang tanong ni Ron.

"Oo, mahal rin kita Ron", sagot ni Toni.

Halos lumundag si Ron sa saya sa kaniyang narinig.

Palakpakan ang mga guest ng hotel na nakasaksi sa kanilang matamis na pag-iibigan.

Buwan ng Septyembre nang sagutin siya ni Toni, isa sa mga araw na tinuring niyang pinaka-swerte sa kaniyang buhay.

Swerte si Ron kay Toni. Mula ng maging magkasintahan sila ay tuluyang sumikat si Ron sa kaniyang pagkanta. Tamang-tama ang timing ng pagdating ni Toni sa kaniyang buhay. Ito ay sabay sa pagpirma niya ng kontrata kay Marvin.

Malaki ang naitulong ni Marvin bilang manager ni Ron. Marami siyang koneksiyon sa industriya. Nagawa niyang makipag-collab si Ron sa mga sikat na singers. At nakakapag minor concert na rin siya sa iilang venue. Unti-unti ay nakikilala si Ron. Ang mga orihinal niyang compositions ay paboritong patugtugin sa radyo at telebisyon.

Paminsan-minsan ay dumadalaw pa rin siya sa CC9 at kumakanta bilang guest performer. Tunay na hindi niya malilimutan ang CC9, dito siya nahasa ng mabuti sa pagkanta. Si Ron ang pinaka-unang singer na sumikat mula sa CC9.

Naging mabilis nga ang mga pangyayari- ang kantang "Tunay" ay nagmistulang national anthem ng mga kabataan. Naging number 1 ito sa play list ng mga sikat na radio stations. Sumunod na rin ang iba pang mga kanta ni Ron. Halos lahat ng kanta niya sa kaniyang unang album ay nasa top 20.

Lubhang hindi na mapigilang mag take off ang singing career ni Ron.

"Sir Marvin, fully booked na po ang schedule ni Ron ngayong buwan sa dami ng TV guestings. Sa Mayo na lang po natin i-schedule yung pagkanta niya sa Love Bus", pagrereport ni Angeline.

"Kailangan na ring tapusin yung kaniyang video ng "Tunay" para ma-publish na sa social media", dagdag pa ng PA ni Ron. Maraming mga fans ang nagrerequest ng kaniyang videos sa YouTube. Milyon-milyon na rin ang mga followers niya sa Tweeter.

"Naka-schedule na rin this week sa Sound Systems ang kaniyang recording. Nag remind si Cris kanina."- pagko-confirm ni Angeline.

Ito na ang pinakahihintay ni Ron na swerteng dumating sa kaniyang buhay.

"Maraming salamat po sa lahat ng blessings."- lagi niyang pasalamat sa Diyos.

Dinalaw niya si Father Noel upang ibalita ang mga blessings na dumating sa kaniya sa nakalipas na anim na buwan.

"Napanood kita sa telebisyon kahapon, ang dami mo na ngang mga tagahanga."- sambit ni Father Noel.

"Sana ay huwag kang magbago anong tayog man ng tagumpay ang maabot mo,"- dagdag na payo ni Father Noel.

"Lagi ko pong tatandaan mga payo at aral na turo n'yo Father Noel. Ang lahat ng nangyayaring ito sa akin ay hulog ng langit"- tugon ni Ron.

Hulog Ng Langit (Wattpad Pop-Musical)Where stories live. Discover now