Scene 6: When You Look At Me

247 8 0
                                    

Lingid sa kaalaman ni Ron, may itinatago ring pagtingin sa kaniya si Mina.

Hindi ang pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral ang hadlang upang siya ay umibig. Yun ang akala ng lahat nilang classmates. Subalit ang totoo ay naghihintay lang siya na magtapat si Ron. Matagal na rin siyang may paghanga sa binata dahil sa bukod sa mabait ito, napaka-talentado pa at very gentleman. Si Ron ay matipono at may nakabibighaning hitsura. Ni minsan ay hindi niya nakitaan na nag take advantage si Ron sa kanilang pagiging malapit na magkaibigan. Alam ni Mina na maraming may gusto sa binata sa kanilang eskwelahan.

Mahal niya si Ron ngunit hindi angkop na siya ang unang magpakita ng damdamin dito. May takot siya na baka hindi maging maganda ang tugon ni Ron kung sakasakali man. Alam niyang may mga pangarap si Ron na nais nitong maisakatuparan.

"Hihintayin ko na maging handa si Ron sa bagay na may kinalaman sa pag-ibig.", yun ang pangako ni Mina sa sarili.

Minsan sa loob ng kanilang classroom ay nagkatinginan silang dalawa. May kakaibang nadama si Mina. Parang may ibig sabihin si Ron. Hindi man sila mag-usap pero nagkaka-intindihan sila sa kanilang mga body language. Ganoon sila ka-close bilang magkaibigan. Ganoon niya kakilala si Ron.

Hindi nagbaba ng tingin si Mina, subali't si Ron ay mukhang nahiya at pumaling ng tingin sa bandang kaliwa. Naasiwa siya sa lalim ng tingin ni Mina na para bang tagos ito sa buo niyang pagkatao. Mayroon siyang naramdamang kakaiba sa sulyap ng kaibigan subalit pilit niyang nilalabanan iyon. Na realized niya na hindi pa siya handa sa ganoong sitwasyon.

Sa isip ni Mina ay tila nagbago ang buo nilang classroom. Na-imagine niya na tila ito ay naging isang park na puno ng mga cherry blossoms ang gilid ng isang mahabang daanan. Ang ganda ng kapaligiran. Napaka-romantik ng tagpo na tila isang totoong pangyayari. Alam niyang siya ay nagde-day dreaming lamang.

Sa gitna ay nandoon sila ni Ron. Inaawitan niya si Ron ng kantang- "When You Look At Me".

WHEN YOU LOOK AT ME

When you look at me like this
It's a moment when time seems to stop ticking
And I'm drawn into your world
Slowly getting lost can't escape this strange feeling

I have come to realize
That no matter how I fight I can't win
I was caught by surprise
Though I have my choices but I let you in

This is crazy
Can't be sure if this is love
I'll never know what hits me
But it hits me so bad
The way you look at me, the way your eyes speak to me
I see it clearly and I'll be a fool if I can't hear
What your heart is saying to me

When you look at me like this
It's the beauty of your soul that I'm seeing
And this feeling is so strong
I know I can't be wrong in what I believed in

When you look at me

Timing ng matapos kumanta si Mina ay tumunog ang bell na hudyat ng class break.

Pinagmamasdan pala sila ng kanilang titser kanina habang sila'y nagtitinginan. At halatang tila nawala ang presensya ni Mina ng ilang minuto sa gitna ng kaniyang lecture. Sa tingin niya'y namamalikmata ito at tila nananaginip ng gising.

"Sa susunod na linggo ang mag li-lead ng discussion ay si Carmina Gonzales", pag-aannounce ng assignment ni ma'am Gladys.

Dumating ang araw ng kanilang graduation. Si Mina ang kanilang class valedictorian. Si Ron ay may special awards sa singing at literature, bukod sa pagiging 1st honorable mention niya. Isa si Ron na voted as most likely to succeed.

Si Lloyd ang kanilang salutatorian at best in Math awardee, habang si Erick naman ay nabigyan ng leadership award.

Hulog Ng Langit (Wattpad Pop-Musical)Where stories live. Discover now