Scene 10: Salamin

231 6 0
                                    

Sa isang homily rin ni Father Noel nagawa ni Ron ang kantang "Salamin". Ito ay tungkol sa mga marites ng lipunan na mahilig magkalat ng tsismis upang manira sa buhay ng ibang tao. Ito ay tungkol sa "crab mentality" ng mga Pilipino, isang tagalog rock song.

Ang mga talangka ay walang pagkakaisa at sa halip na magtulungan, kanila pang pilit hinihila pababa kung sino man ang naka-aangat sa kanila. Karanasan din ito ni Ron, na sa maraming beses ay nakakarinig siya ng pambu-bully mula sa kapwa niya performer sa CC9.

"Yung usong kanta na lang ang i-perform mo kesa sa mga gawa mo na sa tingin ko ay walang pag-asang sumikat.", sabi ni Dave, ang gitarista ng bandang Makulay na tumutugtog ng mga awiting Lumad.

Masakit makarinig ng ganoong mga kumento mula sa kapwa mo musikero. Subali't mayroon din namang mga kasamahan sila sa club na nag-iinspire sa kaniya. Isa na sa kanila si Pinky, ang vocalist ng bandang Shout Out.

"Gusto ko ang mga kanta mo. Bukod sa magandang pakinggan ang melodya, malalim rin ang kahulugan ng mga lyrics na gawa mo."- papuri ni Pinky.

Hindi lahat ay na-iimpress sa kakayanan ni Ron na sumulat ng magandang kanta. Lalo na na baguhan pa lamang siya sa larangang ito.

Maraming talangka sa ating lipunan na babatuhin ka kapag nakita nilang dumarami ang iyong bunga. At nasasayo ang desisyon kung magpapatuloy ka o hihinto.

Sa puntong ito ay hindi na maaring bumalik pa si Ron. Malaki na ang kaniyang naging sakripisyo at talagang nasa puso niya ang pagkanta at pagsusulat.

"Ang aking aawitin ngayong gabi ay orihinal kong kanta na ang pamagat ay "Salamin". Kasama kong mag perform ngayon ang bandang "Shout Out". Sana'y magustuhan n'yo", pahayag ni Ron sa mga customers.

Katatapos lang magperform ng bandang Makulay, at alam ni Ron na maririnig ni Dave ang kaniyang kanta sa backstage.

SALAMIN

May tenga ang lupa
May pakpak ang balita
May kalyo ang dila ng mga tsismosa

Makakating bunganga
Kala'y talinghaga
Dala-dalang balita
Buhay ang sinisira

Karapatan mo bang manakit ng iba
Masaya ka ba sa paghihirap nila, ha , ahah ha
At bago ka manghusga
Bago ka manglait ng kapwa tao

Tignan mo muna ang sarili sa harap ng salamin
Walang bang bahid ng dungis sa mukhang sa iyo nakatingin
Kasing puti ba ng niebe ang puso't isip mo
Kung tunay ngang walang salay unang magtapon ng bato

Karapatan mo bang manakit ng iba
Masaya ka ba sa paghihirap nila, ha , ahah ha

Hilig mong mangmaliit
Ugali'y matapobre
Mahihiya ang hari sa iyong ina-asta

Nagustuhan ng mga audience ang "Salamin". Sumisikat na siya bilang peformer sa CC9. Malakas ang kita ng club sa torno ni Ron kaya malaki rin ang naiuuwi niyang porsyento. Aside sa sweldo nagbibigay rin kasi ng bonus ang may-ari ng club base sa kita kada torno.

Malaking tulong para kay Ron ang kita sa club. Yun ang ginagamit niyang pambayad sa areglo ni Polo, at pambili ng mas mahusay na instrumento. Nagsumikap siyang makaipon upang makabili siya ng pangarap niyang Martin acoustic guitar na pinangalanan niyang "poco", hango sa isa sa mga paborito niyang banda.

Ang sweldo naman niya sa kaniyang online job ay para sa mga bayarin sa renta at mga utilities. Nagsarili na kasi si Ron mula ng pumanaw ang kaniyang mga magulang. Hindi na siya nakauwi pa sa Bulacan. Ang kanilang bahay ay iniwan niya sa kaniyang kuya ng ito ay nakapag-asawa.

Sa maraming pagkakataon ay nanghihiram siya ng pera sa kaniyang kuya Joseph kapag nagigipit. At ni minsan ay hindi siya tinanggihan nito.

"Kuya salamat sa padala mong P5k, malaki na utang ko sa 'yo."- sabi ni Ron.

"Huwag mong alalahanin 'yon Ron, basta may extra akong pera at kailangan mo, ita-transfer ko agad sa e-wallet mo."- sagot ni Joseph.

Ang kuya niya ay stable na ang trabaho sa isang petroleum company bilang isang QA Manager, at ang misis nito ay successful rin na real estate agent. Hindi pa sila nabibiyayaang magka-anak.

Kapag nagkikita sila ng kuya niya ay inaabutan siya nito ng pera. Minsan sa isang restaurant habang sila ay nag-mimeryenda.

"Alam mo Ron, gaya mo ay talagang hilig ko rin ang musika, kaya lang ay napigilan ni Itay ang dating pangarap kong mag singer.",pagtatapat ng kuya Joseph niya.

"Ganoon ba kuya, talaga palang nasa dugo natin ito, pamana ni Lolo Juanito.",tugon ni Ron.

"Buti ka nga at may lakas ng loob na sundin kung ano ang hilig mo. Parang nasasalamin ko sa iyo ang aking sarili sa ganitong edad pa ako."- kwento ng kuya niya.

Hulog Ng Langit (Wattpad Pop-Musical)Where stories live. Discover now