Scene 19: Saludo

162 5 0
                                    

Habang nagbe-breakfast si Ron at Toni, sumagi sa isipan ni Ron ang kanta na tungkol sa pagiging resilient ng mga Pinoy, sa kabila ng hagupit ng anomang sakuna o trahedya. Gaya ng nangyari sa kaniya, maihahalintulad sa isang sakuna ang mga mapapait niyang karanasan. Iyon ang mga pangyayaring nagpatibay kay Ron. Ang naghanda sa kaniya.

Simpleng sunny side-up na itlog at hotdog ang niluto ni Toni na kanilang pinagsaluhan sa agahan.
Siyempre, hindi mawawala ang matapang na kape na paborito ni Ron.

Ang daming na-damage ng bagyo. Mas malala ang nangyari sa Visayas- natumba ang mga poste ng kuryente at wala silang internet. Pati tubig ay pahirapan ang supply. Kawawang tignan ang mga pamilyang na-displace dahil walang natira sa kanilang bahay. Nasira lahat sa lakas ng bagyo. Ang iba ay walang makain, tunay na nakakaawa ang kalagayan ng bawat pamilyang na-apektuhan ng bagyo.

Taon-taon ay nangyayari ito, subali't babangon at babangon muli ang mga Pinoy. Hindi basta-basta nagpapatalo ang mga Pinoy sa anomang pagsubok sa buhay.

Inilagay ni Ron ang kaniyang sarili sa mga kababayan niyang mapapanood sa TV. Dama niya ang hirap at pagod nila ng masira ang kanilang mga tahanan ng dumaan ang bagyo. Sa kabila nito, makikita na nagagawa pang ngumiti ng mga naging biktima at patuloy ang kanilang pananalig sa Diyos. Napapailing si Ron habang sinusulat niya ang kantang "Saludo", dala ng paghanga niya sa katangi-tanging attitude ng mga Pinoy.

"O kaibigan ko, saludo ako sa tibay mo."- mga katagang naging parte ng koro ng kantang ito.

Sa isipan ni Ron ay tila kinakanta ng isang Field Reporter ang "Saludo" habang nag-uulat. Inaawitan niya ang mga naging biktima upang bigyan sila ng inspirasyon.

SALUDO

Minsa'y pasan mo ang buong mundo
Sa 'yong balikat.
Tingin mo ay tumatagos sa dingding
Sarili 'di mo mahagilap

Subali't sa likod nitong bigat
Ng 'yong pinagdaraanan
Pananalig at tibay ng loob
Ang 'yong pinanghahawakan

O, Kaibigan ko
Saludo ako sa 'yo sa tibay mo
At kahit na ano pa mang pagsubok
Ang dumating, sa buhay mo ay kaya mong harapin

Sa hirap at lungkot nitong buhay
Tila 'di ka natitinag
Nakukuha mo pang ngumit
Kahit sa biro ng tadhana

Hindi ka basta na lang sumusuko
Puso'y 'di nagpapatalo
Mga hamon sa iyong buhay
Hinaharap na may pag-asa

Ang "Saludo" ay isa sa mga naging hit single ng kaniyang unang album. At marami ang nag cover nito na mga You Tuber at ibang mga artists. Sa Tiktok ay naging sikat din ito at naging hashtag sa Tweeter ang katagang "Saludo Ako".

Parte sa kinita ng Pure Music mula sa sales ng naturang kanta sa online streaming, at sa multi media ay ibinalik nila Marvin at Ron bilang donasyon sa mga nasalanta ng bagyo at naging daan ito na maumpisahan ang pagkakawang gawa ni Ron ng magtayo siya ng isang foundation para sa mga relief operations tuwing may bagyo o anomang sakunang darating.

Si Toni ang tumutulong kay Ron sa ganitong mga activities. Sanay siyang mag organize ng mga grupo na magsasagawa ng emergency response. Si Mina ay sumali rin bilang isang volunteer na assigned sa medical team.

Hulog Ng Langit (Wattpad Pop-Musical)Where stories live. Discover now