Scene 7: Believe In You

238 6 0
                                    

Gaya ng ibang mga magulang, natural na magalit sina Ben at Nila sa kanilang bunsong anak na si Ron.

Wala silang ibang pinangarap kundi ang mabigyan silang magkapatid ng magandang kinabukasan. Subalit nawala ang lahat ng ito ng malaman nilang nag drop out si Ron.

Nakilala ni Ron si Greg, ang lead singer ng bandang B-Friends nang mag perform ito sa Christmas party ng kanilang eskwelahan.

"Mahusay ka palang kumanta at mag compose, baka gusto mong mag perform sa Club Cloud 9?"- pag-iimbita ni Greg kay Ron.

Alam ni Ron ang Club Cloud 9 o kung tawagin nila ay CC9. Isa itong sikat na bar kung saan nagtatanghal ang mga mahuhusay ngunit hindi pa kilalang mga mang-aawit. May mga banda o kaya ay mga solo artists.

"Kilala ko ang may-ari nito dahil dati rin siyang miyembro ng isang banda. Pwede kitang isingit sa schedule ng mga performers.", dagdag ni Greg.

"Salamat Greg sa tiwala mo sa 'kin. Gustong-gusto ko talagang maging singer, baka ito na ang simula", masayang tugon ni Ron.

Magaan ang pakiramdam ni Ron kapag siya ay nagpe-perform. Ang schedule niya ay Huwebes at Sabado, sa closing time. Mga orihinal na compositions niya ang kaniyang kinakanta.

Lumipas ang dalawang buwan at pawang naisang-tabi na ni Ron ang kaniyang pag-aaral. Doon na sa pagkanta sa CC9 ang kaniyang prioridad, at nag desisyon siya na mag drop out na sa klase.

Halos palayasin ni Ben si Ron sa galit ng malaman niyang 'di na siya pumapasok sa eskwela. Subalit hindi ito pinayagan ni Nila.

"Buti pa si Inay, naintindihan niya ako. O, kaya ay pilit niya akong ini-intindi"-pabulong na sabi ni Ron sa kaniyang Kuya.

Bukod sa kaniyang Nanay, nakakuha rin si Ron ng kakampi sa kaniyang kapatid na si Joseph.

"Ron, naniniwala ako sa talento mo. Ang nais lang ni Itay ay makapagtapos ka ng pag-aaral at makahanap ng maayos na trabaho", sabi ng kaniyang Kuya.

"Huwag na huwag kang magtanim ng sama ng loob sa kanila", payo ni Joseph.

"Salamat Kuya sa pag-intindi", sagot ni Ron.

Sa isip ni Ron ay may magandang himig at liriko na kinakanta ang kaniyang kuya Joseph para sa kaniya habang ito ay nagpapayo.

BELIEVE IN YOU

You know I want you
To be strong and be brave
Don't be afraid to show the real you
This world can't hurt you if you believe in you

When people say things
Against what you perceive is true
There's something else that you can do
So repeated lies they won't accept as truth

Believe in you, believe in what you can do
If you want to change the world, start with you
They will believe you when you believe in you
Believe the true beauty in and out of you
You are beautiful if you believe in you
Believe in you, believe in you

Cast your doubts away
Give it no reason to stay
Now your on your way
To be great, shine like the sun

When you have nothing
You only have yourself to depend on
Just carry on, just carry on
'coz when you're down, the only way is up

Dali dali niyang isinulat sa kaniyang songbook, upang hindi niya malimutan, ang mga liriko na nai-isip niyang mga payo na sa wari ay kinakanta ng kaniyang kuya.

Hulog Ng Langit (Wattpad Pop-Musical)Where stories live. Discover now