Scene 2: Nothing Has Changed

607 15 0
                                    

Magtatapos na ng third year high school si Ron ng ibigay sa kaniya ng kaniyang Inay ang isang songbook.

"Ron, ito ay isa sa mga nagawang kanta ng Lolo Juanito mo para sa iyong Lola Trining, sa page 22"- banggit ni Nila habang ini-aabot kay Ron ang lumang songbook ng kaniyang Lolo.

"Talaga Nay, songbook ni Lolo Juanito ito?", excited na tanong ni Ron.

"Ingatan mo iyan at matagal ko na rin iyang itinago sa cabinet. Mahalaga yan sa Lolo at Lola mo", sabi ni Nila kay Ron.

"Iingatan ko pong maigi.", sagot ni Ron.

"Nang ikasal kami ng iyong Itay ay nakita ko na nasa ilalim ng kaniyang mga lumang damit."- pagkukwento niya kay Ron.

Ang songbook na iyon ay itinugon ni Trining kay Ben bilang ala-ala ng kaniyang yumaong Ama. Nasa kuwarenta i-otso pa noon si Juanito ng atakihin sa puso. Itinaguyod ni Trining ang kaisa-isa nilang anak hanggang makatapos ito ng pag-aaral. First year pa si Ben sa kolehiyo nung panahong yon. Nung nasa high school siya ay nagsusulat na siya ng mga kanta dahil sa turo at pagganyak ng kaniyang Ama. Subalit nung pumanaw si Juanito ay nawalan na siya ng gana at hindi na gumawa pa ng kanta. Halos buong buhay kasi ng kaniyang Ama ay inialay niya sa musika, subali't nung panahong siya ay inatake, halos wala silang magamit pampa-ospital. Naibenta tuloy sa mababang halaga ni Trining ang kanilang Piano, mga gitara at iba pang musical instruments na pundar ni Juanito para magamit na pambayad. Kaya natanim sa isipan ni Ben na talagang walang mangyayari kung susunod siya sa yapak ng kaniyang Ama.

Saksi si Ben sa frustration ng kaniyang ama tuwing makakatanggap ito ng rejection mula sa mga recording companies. Marami na siyang isinubmit na mga demo kaya lang ay sa hindi maintindihang dahilan ay lagi siyang tinatanggihan ng swerte. Wala ni isang kanta na nai-launch si Juanito. Kaya mayroong punto sa buhay niya na dumanas ng matinding depression.

Iyon ang ayaw ni Ben na muling mangyari sa buhay niya.

"Walang silbi ang mga kantang ito!", halos pasigaw na bungat ni Ben habang pinupunit ang bawat pahina ng sarili niyang songbook.

Sinira at tinapon niya ito upang tuluyang talikuran na ang musika. Lahat ng kaniyang naisulat na kanta ay kaniyang kinalimutan. Nag focus siya sa kaniyang pag-aaral na ang layunin ay makatapos agad upang makatulong sa kaniyang Ina.

Maraming artists ang nabibigyan ng break sa musika subali't higit na mas marami pa rin ang hindi pinapalad.

Katatapos lang ni Ben ng kursong Mechanical Engineering ng magkasakit ang kaniyang Ina at sumunod na rin ito sa kaniyang Ama.

"Nay, maraming salamat sa lahat", umiiyak na sambit ni Ben sa burol ng namayapa niyang mahal na Ina.

Na-imagine ni Ron na nagsasayaw ang kaniyang Lolo Juanito at Lola Trining sa isang bulwagan habang kinakanta ni Juanito ang kantang "Nothing Has Changed". Alay niya ito sa mahal niyang asawa.

Mabagal ang indayog ng kanilang sayaw na parang waltz. Akma sa 3/4 na sukat ng kanta. Masaya silang tignan habang nagsasayaw na may paglalambingan.

Ito ay kantang tungkol sa walang hanggang pag-ibig, gaya ng pag-ibig ni Juanito kay Trining.

NOTHING HAS CHANGED

You've got the same smile that made me shiver
Those smile that could make me feel weak
And your eyes they looked as if they're telling
Those things that you've seen through me

Your skin that I vividly remember
Are those without wrinkles and lines
And your hair although they all turned white
But you always wear that same hairstyle

You are the same person I knew and I love then and now
I couldn't see myself with someine else but you by my side
The time we spent will pass us unnoticed
Today feels like yesterday nothing has changed.

The body has weakened but the spirit and will still the same
We grown wiser through the years as we mellowed with age.
Age is just a number and counting it together is fun
And fun and laughter are things I've known since I met you

You've got the same touch that made me wonder
Where it's magic came from
'Coz it's the same feeling that I long for nothing has changed

"Nay, salamat po sa songbook na ito ni Lolo, pag-aaralan ko kung paano siya lumikha ng kanta", pasasalamat ni Ron.

May isang kasabihan na nagsasaad na -"History repeats itself". Mga pangyayari sa buhay na muling mauulit, ni walang ipinagbago sa nakaraan. Sa pagkakataong ito ay sa yugto ng buhay ni Ron. May mga pangyayaring aakay sa kaniya sa landas na pilit iniwasan ng kaniyang Ama.

Hulog Ng Langit (Wattpad Pop-Musical)Where stories live. Discover now