Scene 21: I'll Wait For You

145 5 0
                                    

Isa't kalahating buwan na ring wala si Toni.

Si Ron, halos hindi lumalabas sa kaniyang kuwarto. Nag mumukmok sa pag-alis ni Toni. Hinahanap na siya ng kaniyang mga fans na nagtataka kung bakit hindi na siya napapanood sa TV at hindi na rin nag li-live sa social media. At may paparating pa siyang pinaka-malaki niyang concert na gaganapin sa Araneta.

Kinuha niya si poco at umupo sa isang high chair. Pina-convert niya sa simpleng studio yung isang kuwarto ng kaniyang condominium. Dito siya gumagawa ng mga kanta.

Sinimulan niyang tugtugin ang himig na nasa kaniyang isipan. Napapahinto siya kapag naaalala niya si Toni.

"Kumusta na kaya siya? Sana ay nasa mabuti siyang kalagayan", sabi ni Ron sa sarili.

Naisip niya ang linyang- "I'll wait for you each and every day".

Natapos niya ang kantang handog niya kay Toni na may pamagat na-"I'll Wait For You".

Maya-maya ay ruming ang kaniyang cell phone. Tumatawag si Polo, nangungumusta.

"Ron, ano nang nangyari? Mahigit isang buwan ka ng hindi nagpaparamdam." -tanong ni Polo.

Si Marvin din ay tumatawag sa kaniya, sumusingit sa usapan nila ni Polo.

"Eto Polo, naghihintay akong tawagan ni Toni. "- sagot ni Ron.

"Baka akala niya na nagbago ka na, nalunod sa kasikatan?", pagtatanong sa boses ni Polo sa phone.

"Yan ang hinding-hindi mangyayari sa akin. Hindi ko kailanman kinalumutan kung saan ako galing. Hindi ko kailanman kinalimutan si Toni", bungat ni Ron.

"Gusto ko sanang ipa-arrange agad tong kantang "I'll Wait For You", para kay Toni. Ipo-promote ko sa mga radio stations para malaman niya na patuloy akong maghihintay na bumalik siya", request ni Ron kay Polo.

"Toni, sana marinig mo ito", tila pasigaw ni Ron na naghihinagpis.

I'LL WAIT FOR YOU

Everyday I count each day
I live without you
Here I'll stay, come what may
I'll wait for you
I watch the sunrise in the morning
I watch the sunset in the evening
Another day has passed by
Now yesterday is just a memory

I spend the time alone in our room reminiscing
I play the guitar, write some songs about you and me
I think of you every minute, 24/7
And even in my sleep
You're in my mind and in my dreams

I couldn't stop to ask myself and question why
We end so soon there's so much more
I can't let go
Maybe we've outgrown each other you say
Still you have reservation
Our love's too good to be true
As far as I know but now it's gone

Everyday I count each day that I survived
Learning to live, how I thrive without you by my side
I hope you're doing well where you are
I wish you all of the good things in life
I missed the times when we're together
I'll wait for you each ang every day

Pagkatapos ng usapan nila ni Polo ay tinawagan niya si Marvin.

"Ron, huwag mong sirain ang iyong career dahil kay Toni. Kailangan mong paghandaan ang darating mong major concert, sa darating na July na yun"- pagpapayo ni Marvin bilang manager ni Ron.

Gayon din ang payo ng kaniyang Kuya Joseph ng tawagan siya nito.

"Ron, kaya mong harapin 'yan. Marami ka nang napagdaanan problema na nalampasan mo."- sabi ni Joseph.

Maya-maya ay tumawag din si Mina.

"Ron, alalahanin mo muna ang iyong career sa ngayon. Baka masayang ang matagal mo ng pinaka-hihintay na magtanghal sa malaking crowd. Ito na yung pagkakataon mo.", pag-aalala ni Mina.

Sa pag-alis ni Toni ay lubhang nalungkot si Ron. At sa mga sandaling iyon ay nandoon si Mina upang damayan siya.

Hulog Ng Langit (Wattpad Pop-Musical)Where stories live. Discover now