Scene 8: It's Alright

217 7 0
                                    

Regular na kumakanta si Ron sa Club Cloud 9, o CC9 kung tawagin ng iba. Isang exclusive bar sa Makati. Dito niya kinakanta ang mga orihinal niyang compositions, gaya ng "It's Alright".

Mapapansin na dumarami ang mga customers na dumadalo kapag nagpe-perform si Ron. Gusto nilang marinig ang mga bago at orihinal niyang compositions. Yung ibang nagpe-perform ay puro cover lang, samantalang ang kay Ron ay gawa niya at inareglo ni Polo.

IT'S ALRIGHT

We all make mistakes
We learn when we fall
I tell you it's alright
They tell me it's alright

'Coz nobody is perfect
Nobody is beyond our human nature-
At times we're weak when we are
At the lowest point of our lives

I tell you it's alright
To be human is alright
Our thoughts and our actions
When face with same temptation
Will clearly show the kind of person we are

We dream for success
Most of the times we fail
I tell you it's alright
That failing is alright

'Coz everybody fails somehow
Nobody gets the things they want to have
Without those tears, without a sweat, without a blood

I tell you it's alright
When defeated it's alright
Our success becomes sweeter
Because of our failures
It's how we stand no matter how many times we fall

We cry when we're hurt
We can't stop our tears to fall
They tell me it's alright
That crying is alright

To cry is not a weakness
Don't hold back your emotions
We all have fears, we feel our pains, we all have dark past behind

I tell you it's alright
Everything will be alright
'Coz nothing would be easy in life
We make mistakes, our dreams will fail, we need a shoulder to cry

Go tell them it's alright
Let's tell themlpa it's alright

Halos maluha si Ron ng matapos niyang kantahin ang "It's Alright".

Palakpakan ang mga customers, ang iba ay tumayo pa upang ipakita kay Ron ang pagsuporta.

Masarap sa pakiramdam ng isang artist na makita at madama na well-appreciated ang kaniyang sining.

Naisulat niya ang kanta ng mga panahong tinatanong niya ang sarili kung tama ba ang tinatahak niyang landas. Sa bawat maling desisyon na nagawa niya, lagi niyang sinasabi sa kaniyang sarili na-"okay lang". Okay lang umiyak kung hindi mo na kaya ang hirap ng mga pagsubok sa buhay. Imbes na maging negatibo sa kaniyang pananaw sa buhay, nagagawa pa rin ni Ron na maging positibo ang lahat dahil sa pag-ibig niya sa musika. Kapag may mga problema siyang nararanasan, nagiging inspirasyon pa niya ito upang magpatuloy at gumawa ng mga kanta. Habang nakakatanggap siya ng mga rejections galing sa mga record label, lalo niyang pinag-iibayo ang kaniyang talento sa pag-gawa ng kanta.

Ang pag-iyak ay hindi isang kahinaan. Madalas na tayo'y nadarapa habang sinusundan natin ang isang pangarap na hindi natin masiguro kung saan magtatapos. Minsan para tayong mga bulag na umaasa sa biyaya ng Poong Maykapal upang mabiyayaan sa pinili nating landas na tatahakin.

Dala pa rin ni Ron sa kaniyang konsensiya na siya ang naging dahilan sa maagang pagpanaw ng kaniyang mga magulang. Tandang-tanda niyang lahat ang mga pangyayari. Ito ay lagi niyang ikinikwento kay Greg kapag nagkikita sila sa club.

Hulog Ng Langit (Wattpad Pop-Musical)Where stories live. Discover now