Scene 4: Kaya Mo Ba?

336 10 0
                                    

Nang gabi ring iyon ay sinubukan niyang sumulat ng kanta para kay Mina. Ginaya niya yung guide na nasa songbook ng kaniyang Lolo Juanito:

Ang una ay kailangan ng inspirasyon ang gagawing kanta- iyon ay si Mina.

Ang pangalawa ay magkaroon ng interesting na plot, na parang isang nobela- ito ay iba-base niya sa kaniyang karanasan at dagdag na imahinasyon kung ano ang magiging reaction ng dalaga kung sakaling ligawan niya.

Ang pangatlo ay kailangan ang mga salitang nag ra-rhyme. Kailangang malawak ang iyong bukabularyo upang malapatan ang iyong komposisyon ng mga salitang angkop sa kwento at tema ng kanta. Ayon kay Juanito, ang kanta ay parang isang tula na nilapatan ng musika.

Ang pang-apat ay tungkol sa melodya na dapat ay orihinal at tama sa sukat ng metronome. Ang melodya ay depende sa genre ng gagawin mong kanta. Magmumula ito sa sariling talento at creativity.

"Tiyak magagalit si Mina kung sasabihin kong mahal ko siya, at iiwasan na niya ako".- ito ang pumasok sa isipan ni Ron na maaring susunod na mangyari.

Ang istorya na naisip niya ay tungkol sa magkaibigan na nagkalayo dahil nanligaw yung lalaki sa babae. Dahil ganoon sila ka-close sa isa't-isa, na-develop ang pag-ibig nung lalaki. Pakiramdam nung babae na nag take advantage yung lalake sa pinapakita niyang tiwala at kabaitan dito. At iyon ang dahilan upang iwasan na niya ito ng tuluyan. Para kasi sa babae, magkaibigan lang talaga sila, hanggang sa friend zone lang.

Sa ganitong scenario nagsimulang makagawa si Ron ng pinaka-una niyang likha na ang pamagat ay "Kaya Mo Ba?".

Lumabas si Ron sa kanilang bahay at napansin niya na kabilogan ng buwan ng gabing yaon. Alam niyang ang liwanag ng buwan sa kaniyang harapan ay siya ring tumatanglaw sa bintana ni Mina. At sinubukan niyang awitin ang pinaka-unang kantang nakumpleto niya.

KAYA MO BA?

Pilit kang umiiwas sa 'king mga tingin
Tuwing akoy lumalapit lumalayo ka naman sa 'kin

'Di na ba maibabalik, pagiging magkaibigan natin
Alam kong mali itong pagtatapat sa 'yo ng damdamin
Subali't habang pinipigil lalong nanggigigil
Dapat ay malaman mo
'Di na maitago nagdurogo kong puso
Dahil sa pag-iwas mo

Kaya mo bang hindi bigyang pansin
Itong nadarama ko
Sayang naman ang tunay na pag-ibig na inaalay sa 'yo
Kaya mo bang tikisin ang dati'y matalik na kaibigan mo
Kaya mo ba? Kaya mo ba? Kaya mo bang gawin ito.

Ang tangi kong hiling
Ay isang pagkakataon
Taimtim kong dalangin
Sana ay iyong dinggin

"Umiwas nga kaya si Mina sa akin?"-tanong ni Ron sa sarili.

Alam ni Ron na focus si Mina sa pag-aaral. Maraming may gustong manligaw sa dalaga pero sa unang hakbang pa lang ay tinatapat na niya agad ang mga ito. Hindi ito lingid kay Ron kasi siya ang pinagdududahang dahilan bakit ayaw magpaligaw ni Mina. Marami ang nagtatanong tungkol sa kanilang dalawa kung ano ba ang real score.

Sa lagay ni Ron, gayon din ang pangaral ng kaniyang mga magulang, ang magtapos muna sa pag-aaral. Madali na ang lahat, pati ang humanap ng right partner pag mayroon ng stable na trabaho.

"Ron, kayo na ba ni Mina?", tanong ni Erick na siyang captain ball ng kanilang high school basketball team.

"Magka-ibigan lang kami ni Mina", pagtatapat ni Ron.

"Ganoon ba? Akala ng marami kayo na kasi lagi kayong magkasama at close si Mina sa 'yo", dagdag ni Erick.

Malaki kasi ang tiwala ni Mina kay Ron kaya siya ang parang laging nilalapitan nito sa eskwelahan. Pakiramdam ni Mina ay safe siya kay Ron dahil mabait ito at masipag ring mag-aral. Bilib si Mina kay Ron dahil bukod sa mahusay itong kumanta, ay matalino rin ito sa klase. Pangatlo si Ron pagdating sa ranking ng honor students.

Para kay Ron, hindi ang pagiging magkaibigan nilang dalawa ang tunay na balakid, kundi talagang wala siyang lakas ng loob na manligaw kay Mina.

"Kaya ko ba?"- tanong ni Ron sa sarili.

Hulog Ng Langit (Wattpad Pop-Musical)Where stories live. Discover now