Scene 18: Just In Time

183 6 0
                                    

Ang lakas ng ulan na may dalang hangin. At kahit nakapayong si Ron, basang basa pa rin siya dahil sa hagupit ng hanging dala ng bagyong Mariel.

"When it rains, it pours", mga katagang kaniyang nasambit.

Hindi natin kailanman kayang patulan ang kalikasan. Hindi natin mapipigil ang pag-ulan, pagbaha o ang paglindol. Mangyayari't mangyayari ito sa ating buhay.

Halos mangatal ang kaniyang mga labi sa lamig ng tubig ulan.

"Ganiyan ang buhay, minsan sunod sunod ang dagok ng tadhana."- sabi niya sa sarili.

Papunta siya kina Toni ng maabutan ng malakas na ulan. Dala-dala niya ang bagong kantang kaniyang naisulat para kay Toni. Surprise niya sa kasintahan para sa kanilang monthsary.

"Bakit mo pa kasi pinilit na bumisita, eh alam mo namang paparating si Mariel", nagtatanong na sabi ni Toni.

"Magbihis ka muna at basang-basa yang suot mo. Pasensya kung damit pambabae tong mapapahiram ko sa 'yo", dagdag ni Toni.

Walang choice si Ron kundi magsuot ng damit pambabae. Basa kasi kahit yung pangloob niya.

"Umimom ka muna ng mainit na kape para mawala yang lamig sa katawan mo", saad ni Toni habang nagtitimpla.

Alam ni Ron na nag-aalala ang kasintahan dahil delikado ang kaniyang ginawa. Maaring bumaha at ma-stranded sa daan. Yung second-hand na kotse na nabili niya kay Marvin ay medyo mahina na ang baterya. Malaki ang posibilidad na tumirik sa daan.

"Mayroon kasi akong nagawang kanta na gusto kong marinig mo, ang title ay "Just In Time"."

Ito ang pinaka-unang Bossa Nova na nagawa ni Ron.

"Worth naman na bumisita sa iyo kahit na bumabagyo" wika ni Ron.

"Gusto ko kasing kantahin nating dalawa ang "Just In Time" bilang duet."- dagdag pa niya, " at sa pagmamadali ko, nakalimutan kong may paparating palang bagyo."

"Sige nga, subukan nating kantahin", wika ni Toni.

"Sa akin ang unang stanza at pangatlo, sa iyo naman ang Pre-Koro at duet tayo sa Koro", mungkahi ni Ron.

At sinimulan nilang kantahin ang "Just In Time". Ang receiving area ng ina-arkilahang bahay ni Toni ay tila naging isang stage at ang mga ilaw sa ceiling ay nagmistulang spot lights. Habang kumakanta sila ay 'di nila mapigilan ang mapasayaw sa ganda ng melodya ng naturang kanta.

JUST IN TIME

You came into my life and saved me
Just in time
Now I know I won't be lonely
And alone

You're the one that I'd been waiting for
I just want to say- I love you
And I want to be with you
This feeling that I feel for you is real
There's no turning back now I found you
It's forever when I'm with you

Just in time
The right moment for me and you came
Just in time
When hope is slipping away your love came
Just in time, oh woh, just in time

I thought that I would make it on my own
I was wrong
Ever since you came my life has changed
From worse to best

"Tama ako na babagay sa iyo ang kanta", imik ni Ron.

Sabay silang ngumiti. Sa tuwa ni Toni ay nahalikan niya sa labi si Ron ng masinsinan.

"Talaga bang para sa akin 'tong "Just In Time"?, tanong ni Toni na parang may halong pagseselos.

"Siyempre, ikaw ang inspirasyon ko ng isulat iyan, para sa iyo yan", sagot ni Ron.

"Hindi ko kasi maiwasan sa isipan ko na baka dumating ang araw na mawalan ka na ng oras sa akin. Napaka-busy na ng schedule mo dahil sa sunod-sunod na guestings", malumanay na sambit ni Toni.

Sino ba ang mag-aakala na sisikat ng ganun kadali ang kaniyang kasintahan. Minahal niya si Ron bago pa man ito sumikat at makilala. At natatakot siyang dumating ang araw na mawala ito sa kaniya.

Doon na nagpalipas ng gabi si Ron. Hindi na siya nakauwi dahil lalo pang lumakas ang bagyo. Unang pagkakataon 'yon na nakatulog siyang katabi si Toni.

At ganoon nga ang nangyari. Patuloy ang pagbagsak ng ulan, minsan mukhang hihinto at bigla na lang muling lalakas. Paulit-ulit, bawat madaanang lupa ay nagpuputik. Naiipon ang mga tubig at magsisimulang bumaha. Sa lakas ng dala nitong hangin, nahahawi ang mga damo at may mga halaman na muntikan ng mabunot. Madidinig ang tila huni kapag tumatama ito sa mga kable ng kuryente, at paminsan-minsan ay may madidinig kang kalabog o di kaya ay tunog ng yerong tinatangay paitaas at biglang ibabaksak. Sa huli ay naubusan ng lakas ang bagyo at unti-unti na itong humina hanggang tuluyan ng tumila.

Kinabukasan ay mapapanood na sa TV ang maraming lugar na nasalanta ng bagyong Mariel.

Hulog Ng Langit (Wattpad Pop-Musical)Where stories live. Discover now