Scene 12: I Still Believe In You

195 6 0
                                    

"Lloyd, maraming salamat at nakilala kita at naging matalik na kaibigan. Ang kantang ito ay para sa iyo- "I Still Believe in You".

Dala ni Ron si poco at ito ang ginamit niya sa pagtugtog ng musika ng "I Still Believe In You" sa istilo na fingerpicking.

Kina Lloyd siya natutong tumugtog ng piano at gitara nung panahong nasa high school sila. Sabay silang nagpa-practice tuwing galing sa eskwela, na lingid sa kaalaman ng kaniyang mga magulang. Sa mga practice sessions nilang dalawa nakita ni Frank ang husay at talento ni Ron at simula noon ay naging lihim na tagahanga na siya nito.

I STILL BELIEVE IN YOU

I can't face the morning
My eyes can't stand the blinding rays of the sun
I'm still reeling coping with this feeling
Like I've nowhere to run

When I see my dreams are falling right before my eyes
I found my loneliness like a stranger in the night

When hope is a flicker of light in the middle of a bad dream
Then there goes the blue sky and all that remains are dark clouds brewing

Though it seems my dreams are falling right before my eyes
You ease my loneliness and you guide me throught the night

You made me realized one thing
That I never really lost everything when you say

I still believe in you
(I still believe in you)
I still believe in you
(I still believe in you)

Now I'll face the morning
I'm afraid of nothing with this faith in my heart
A blue sky will greet me
With a beautiful rainbow beaming above

Now I chose to see that all my dreams will come true
And I'll walk alone because I have you.

Standing ovation ang lahat matapos kumanta si Ron.

Nakita rin niya si Mina na mukhang 'di makapaniwalang ganoon na kahusay kumanta ni Ron. Talagang isa na siyang professional na singer at tunay na alagad ng sining.

"Iyan si Ron, ang napakahusay na singer/songwriter kong kaibigan"- proud na pagpapakilala ni Lloyd sa kaniyang mga bisita.

Si Marvin na isang record producer at kaibigang matalik ni Frank ay hangang-hanga sa ipinakitang performance ni Ron. Sadyang inimbita ni Frank si Marvin upang mapakinggan niya ang mga kanta ni Ron, sa gayon ay may pagbabakasakaling ma-discover niya ang singer at gawing talent ng kaniyang agency.

Nilapitan siya ni Marvin sabay abot ng kanang kamay.

"Ron, ako nga pala si Marvin,baka pwede kang bumisita ngayong Biyernes sa opisina sakaling available ka. Malaki ang potential ng iyong kanta. Nandito ang aking calling card.", sabay abot ni Marvin.

Binasa niyang mabuti ang nakalagay sa calling card ni Marvin,- "Pure Music, Record Producer and Talent Manager".

Malakas ang kutob niyang ito na ang pinakahihintay niyang break- yung may isang music producer na magkaka-interest sa mga likha niya. Kung hindi man nangyari itong ganitong pagkakataon sa CC9, dito marahil sa graduation party ni Lloyd.

"Salamat po sir Marvin. Gagawa po ako ng paraan upang makapunta ngayong Biyernes."- excited na tugon ni Ron.

Kita ni Ron ang thumbs up ni Frank na nagsasaad na ito na ang umpisa ng kaniyang tagumpay. Si Frank ay kailanman hindi nagkaroon ng duda sa kakayahan ni Ron.

Malaki ang ginawang tulong ng pamilya ni Lloyd sa kaniyang music career. Tatanawin niya itong isang malaking utang na loob magpakailanman.

Hulog Ng Langit (Wattpad Pop-Musical)Where stories live. Discover now