Scene 9: Tinapay

231 6 0
                                    

Tuwing Linggo ay nagsisimba si Ron sa simbahan sa Guadalupe kung saan si Father Noel ang kura paroko. Si Father Noel ang nagsisilbing spiritual adviser ni Ron kung kanino siya humihingi ng payo sa tuwing mayroon siyang hinaharap na problema. Bukas naman lagi ang opisina ni Father Noel kay Ron,parang pamangkin na rin ang turing niya rito. Common interest nila ang hilig sa musika.

Kapag nakakaranas si Ron ng matinding pagsubok, nakakarinig ng masasamang komento, lagi'y pinapayo sa kaniya ni Father Noel na gantihan mo ng kabutihan ang mga naninira sa iyo.

"Gayahin natin si Kristo sa pagpapakumbaba niya dahil sa pagsunod sa Dakilang Diyos Ama", saad ni Father Noel.

"Sa Aklat ni Apostol Mateo ay mababasa natin:"

"[38] Ye have heard that it hath been said, An eye for an eye, and a tooth for a tooth:

[39] But I say unto you, That ye resist not evil: but whosoever shall smite thee on thy right cheek, turn to him the other also.", basa ni Father Noel sa Bible verse.

Si Father Noel ang naging inspirasyon ni Ron sa gospel song na nabuo niya habang nagsisimba. Binigyan ni Ron ng himig ang homily ni Father Noel sa kantang pinamagatan niyang "Tinapay", na tila kinakanta ng pari habang nagsesermon.

TINAPAY

Gantihan mo ng tinapay
Pangaral na natutunan ko
Kung sinomang magtapon ng bato sa 'yo

Kung mata sa mata
Ang paiiralin mo
Mabubulag lahat ng tao sa mundo

Koro:
Pagkat lahat tayo ay nagkasala
Sa isip man o sa gawa
Pati sa pagsasalita
Masama man ang turing mo sa akin
Wala akong magagawa
Patuloy kang mamahalin

Ibigay ang kanang pisngi
Kundi sapat ang kaliwa
Dapat ganyan tayo kung magpakumbaba

Kung gantihan ng kabutihan
Silang lumalait sa 'yo
Mapapawi poot at galit sa mundo

Ikaw nga ay pinatawad
Sa nagawang kasalanan mo
Bakit hindi mo rin gawin sa kapwa mo

Pag-uwi niya ay nandoon si Dindo sa labas ng kaniyang boarding house.

"Ron, huwag kang mabibigla sa ibabalita ko. Nabangga kagabi sila pareng Ben at mareng Nila habang nagbibiyahe patungong Maynila. Sinubukan silang i-revived sa ospital subali't pareho silang 'di pinalad na mabuhay.", malungkot na balita ni Dindo.

Hindi nakasagot agad si Ron.

"Si Joseph ang siyang nag-aasekaso sa kanila sa puneraria. Tinatawagan ka niya pero hindi ka raw ma-contact, kaya minabuti kong puntahan ka para ipa-alam sa iyo ang nangyari", patuloy ni Dindo.

Si Dindo ay family friend nila. Maintenance Manager si Ben sa isang beverage company at si Dindo ay siyang Finance Controller ng parehong kumpanya. Tito Dindo ang tawag ni Ron sa kaniya. Sa kaniya minsan naglalabas ng sama ng loob si Ben.

"Pareng Dindo, si Ron pala ay nag drop out sa pag-aaral at nahumaling sa pagkanta sa isang club." ,balita ni Ben habang sabay silang magtanghalian.

"Ganoon ba Ben? Sayang naman yung naumpisahan niyang kurso. Talaga bang 'di na magbabago ang kaniyang isipan?", tugon ni Dindo.

"Mabuti pa nga iyang anak mong si Peter, talagang pursigidong magtapos ng pag-aaral. Swerte ka sa anak mo.", malumanay na sabi ni Ben.

"Ikaw nga eh, napagtapos niyo ni Nila ng Engineering si Joseph, at mayroon na siyang mahusay na trabaho ngayon."- tugon ni Dindo.

"Sana nga ay matauhan si Ron at makumbinse naming ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral,"- dagdag ni Ben.

Nang gabing maganap yung aksidente ay paluwas sila ng Maynila para dalawin nilang mag-asawa si Ron. Ang plano nila ay kumbinsihin siya na ipagpatuloy ang pag-aaral imbes na magperform sa club.

Hulog Ng Langit (Wattpad Pop-Musical)Where stories live. Discover now