Chapter 51

2.2K 75 7
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗙𝗜𝗙𝗧𝗬-𝗢𝗡𝗘

“SA WAKAS! Nakabalik rin tayo!!” tuwang-tuwang sigaw ng dalawang prinsesang sina Niah at Winter noong tagumpay silang nakapagteleporto pabalik sa kuwarto ni Monami sa Milady Secondarya ng Royale Academia kasama ang mga kaibigan.

“Anong ‘sa wakas’? Napakarami nating kailangang ipaliwanag kay Punong Maestro Albert dahil sa ating biglaang pagkawala,” pagsira ni Greta sa momentum ng dalawa. Nagtagumpay naman siya dahil agad na nawalan ng sigla ang dalawa at tila pagod na pagod na umupo sa couch.

“Tama si Greta. Bukod pa sa paliwanag ay paniguradong tambak na ang ating mga gawain sa opisina,” pagsuporta ni Amalia kay Greta at umupo rin sa couch.

“Naroon pa naman sina Viachain at Marcos kaya siguradong hindi na gaano karami ang ating mga gawain,” paninigurado ni Yahiko at tiningnan sina Niah at Winter. “Kaya huwag na kayong mamroblema riyan.”

“Iba naman na ang pinoproblema namin…!” sabay na wika ng dalawa at sumulyap kay Monami na dumiretso agad sa kaniyang kama nang sila ay makarating. “Mas malalang problema…”

“Ano namang problema iyon?” sabay-sabay na tanong ng mga kasama habang nakatingin na rin kay Monami na tulala lamang sa kisame. Sinabi nina Winter at Niah ang problema na lubos namang ikinagulat ng mga kasama.

“Kailan ba iyon?” tanong ni Kal-el na agad sinagot ni Winter.

“Sa susunod na araw…!”

“E, ano bang gusto ninyong gawin sa araw na iyon?” tanong ni Ryder na nalilito kung bakit naging problema ang araw pagkatapos ang bukas.

Ngumiti si Niah at sinulyapang muli ang kapatid. Isang pabulong na sagot ang ibinigay niya kay Ryder na agad namang ikinamangha nito.

“Nakakapagod naman iyan, Niah.” ani Calciara na halatang ayaw sa plano ng kaibigan. “Huwag na tayong mag-abala.”

“Kapatid ko iyan kaya bakit huwa—!”

“Para kayong mga tanga,” walang prenong komento ni Monami matapos bumaba ang kaniyang tingin mula sa kisame patungo sa mga kasama na nagkukumpulan sa maliit niyang sala. “Bakit hindi pa kaya kayo umalis?”

“Ah, aalis na nga dapat kami, Monami,” kamot-ulong sagot ni Winter at tumayo. Bumaling siya sa mga kasama, “Sa opisina na lamang natin pag-usapan!”

“Kami na ang bahalang magpaliwanag kay punong maestro patungkol sa mga nangyari, Bunso,” sabi ni Niah at tumayo na rin. “Basta ay kailangan mong sumabay sa amin mamayang hapunan sa kantina! Kapag hindi ka nagtungo roon ng eksaktong ika-anim ng gabi ay mapipilitan akong ipakaladkad ka kay Christlyn at Cherry!”

“Un. Pupunta ako mamaya, hindi na kailangan ng kaladkad,” bagot na sagot ni Monami at itinaas ang kanang kamay saka iwinasiwas. “Umalis na kayo ng matahimik naman kahit papaano ang mundo ko.”

Hindi na siya sinagot pa ng mga prinsesa’t prinsipe at nagteleporto na sa opisina ng punong maestro upang magpaliwanag.

Marahas na bumuntong-hininga si Monami at sinulyapan ang kalendaryo sa ibabaw ng  kaniyang study table. Martes ngayon, mayroon siyang interesanting asignatura sa araw na ito. At iyon ay ang Physical Combat Education.

Sinulyapan niya ang orasan at nakitang ala-una y sinco pa lamang. Kasisimula pa lang ng PCE!

Bumaba siya ng kama at kinuha ang kaniyang sling bag na nakapatong sa bedside table saka sinuri ang sarili sa harap ng mataas na salamin. Siya ay nakasuot ng isang itim na V-neck T-shirt, black slim jeans, at combat shoes. Naka-ponytail rin ang kaniyang buhok. Tama lang ang ayos niya para sa gagawin mamaya.

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Where stories live. Discover now