Chapter 76

448 25 5
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧𝗬-𝗦𝗜𝗫

𝗖𝘇𝗶𝗮𝗻𝗰𝗶𝗲𝗿𝗮’𝘀 𝗣𝗢𝗩

“SO, tell me. Where did you go last night na pagdating ko dito kagabi ay wala ka pa?”

Napairap na lang ako nang marinig ang boses ni Elixir matapos kong lumabas ng kuwarto. Nakatayo siya sa gilid ng pintuan habang nasa likuran niya si Yema.

“Hmmm… Ikukuwento ko na lang sa biyahe,” sagot ko at bahagyang pinasadahan ng tingin ang porma niya. “You look good.”

He’s currently wearing a black princely suit that is embueded with amethyst stones, a royal brooch, and a pair of black gloves. His purple hair is neatly combed which emphasized his facial structures.

Mayabang siyang ngumiti. “Syempre, ako na ‘to. But…” he paused and also scanned me. “You look quite different though. Nagmukha ka yatang tao?”

Psh. You mean I look GODDESLY BEAUTIFUL. Duhh, of course I have to. Paglalawayin ko pa ang anak ni Darcy.

Kasalukuyan lang naman akong nakasuot ng platinum silver dress. A V-neck mermaid dress to be specific at may flowy off-shoulder dress ito. An inverted triangle-shaped hole helps to reveal my cleavage at backless pa ito. The dress is embroidered with purple beads at humuhugis ang mga ito ng spiderlilies. Then, a purple thin scarf made the dress more gorgeous.
Syempre, hindi puwedeng walang accessories. Suot-suot ko ngayon ang isang set ng purple pearls jewelries.

Kung tungkol naman sa buhok ko, naka-braid ‘yong upper part na pumalibot sa noo ko while 'yong lower ay hinayaan kong nakalugay. My braided hair have diamond beads and purple fowers which made me look like I have a flower crown.

Nang tingnan ko 'yong sarili ko kanina sa harap ng body-sized mirror, I saw a GODDESS. Call me ‘mahangin’ pero sobrang ganda ko talaga. At mamaya, hahakop ako ng mga atensiyon at tingin.

“Tara na?” tanong ni Elixir at inialok pa ang braso niya.

Tiningnan ko lang ‘yon at nilampasan siya. “Tara mo, mukha mo. Mukhang tao pala, ah… Tch.”

Iniwan ko siya at nagtungo sa hagdan. Nakita ko naman si Ezekiel na nakasuot ng napakagarang kasuotan at nakangiti sa‘kin. He looks handsome at hindi halata na ilang daan o libong taon na siya dahil he only looks like in his 30s.

“Czianciera, anak…” bulalas niya nang tuluyan akong makalapit. “…Ang ganda-ganda mo…”

“Eek, kilabutan ka nga! Ang creepy,” sabi ko at marahas na bumuntong-hininga. “Tatawagin na ba kitang ‘ama’ sa harap ng mga dadalo mamaya or kapag na-proklama mo na ako bilang prinsesa ng Vlainus?”

Noong makabalik ako sa opisina niya kahapon mula sa Gods’ Realm ay may iilang bagay pa kaming pinag-usapan bago ako inihatid sa kuwarto ko. Tulad na lang ng pagproklama sa‘kin as princess. Sa araw pa ng piyesta gaganapin, which is bukas pa naman, sa Capital.

“…Bukas na lamang, Czian. Mas makabubuti iyon sa iyong mga plano, hindi ba?” aniya, may bahid ng lungkot ang boses. “Gustohin ko man na ipagmalaki at ipagmayabang ka kaagad sa buong Vlainus ngunit hindi puwede. Ayokong makasira ng plano mo.”

Nginitian ko siya, a very genuine smile. “Salamat, mahal na Hari. Ako ay tutungo na muna sa aking mga kaklase at sa kanila na lamang ako sasabay,” sabi ko at yumukod saka bumaba na ng hagdan.

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Where stories live. Discover now