Chapter 58

616 46 0
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗙𝗜𝗙𝗧𝗬-𝗘𝗜𝗚𝗛𝗧

𝗦𝗼𝗺𝗲𝗼𝗻𝗲’𝘀 𝗣𝗢𝗩

DALAWANG buwan na noong kunin kami ng mga kung anong nilalang mula sa Ciera Monstra at dalhin sa isang kulay uling na palasyo. Dalawang linggo rin kaming ikinulong roon at kalaunan ay pinakawalan rin— o kung kawala nga ba ang tawag roon.

Inilipat nila kami sa isang tore ng palasyo kung saan mayroong matinong kuwarto at pinapakain nila kami. Kung anu-anong eksaminasyon ang ginawa sa amin para raw malaman ang aming kapangyarihan. Noong malaman nila ay hiniwalay-hiwalay nila kami. Ako ngayon ay narito sa isang tore kung saan nag-aaral ang mga may kakayahang gumamit ng itim na salamangka.

“Makinig! Sa araw na ito, kayo ay magkakaroon ng isang proyekto!” anunsiyo ng maestra sa unahan. “Kayo ay kailangang makabuo ng isang uri ng nilalang na kayang tumulong sa inyo sa paparating na ekspidisyon patungo sa kaharian ng Vlainus! Ang ating paaralan ay naimbitahang dumalo sa paparating na piyesta ng kanilang kaharian!”

Ekspidisyon? M-makakatakas kaya ako? Gusto kong tumakas, kailangan! Ayoko rito!

“Para makasama sa ekspidisyon ay kailangan niyo munang pumasa sa aking proyekto!”

Ayon lang…

“Ang proyektong ito ay grupo-grupo. Tatlong miyembro sa bawat grupo. Simulan na ang pagpapangkat!”

Iginala ko ang aking tingin at nakitang nagsisimula ng mag-grupo grupo ang mga kaklase ko. Ang mga katabi ko naman ay hindi ako pinansin at naghanap ng ka-grupo nila.

Natawa na lang ako ng mahina. Sino ba naman ang makikigrupo sa isang hamak na bihag?

Bihag ang pagkakakilanlan ko sa paaralang ito— naming mga kasama ko —dahil malinaw iyong inanunsiyo ng reyna ng kahariang ito. Imbis na kami’y ipakilala bilang summoned ay bihag ang titulong ibinigay sa amin. Ha! Bakit ba kasi pati ako ay napadpad sa mundong ‘to?

“Oh, Kylie, Aenwyn, at Molrove. Ano pang tinutunga-tunganga ninyo?! Magsama na kayong tatlo total ay pare-pareho lang naman kayong sampid dito!” sigaw ng maestra at humalakhak. Sumabay naman sa kaniya ang ibang mga estudiyante.

Wala akong nagawa kun‘di ang lumapit kay Aenwyn at Molrove na silang napiling mga ka-grupo ko. Silang dalawa ay parehong mahirap pero dahil sila‘y may kakayahang gumamit ng itim na salamangka ay pinag-aral sila dito.

Karamihan sa mga estudiyante ng Torre de Tiem Salamanca— ang aming paaralan —ay mga anak ng mayayamang mersenaryo o ‘di kaya ay ng mga aristokrata. Kaya minamaliit nila kami kahit na, sa mga nakalipas na linggo, kaming tatlo ang nage-excel sa klase.

Isang ngiti ang pumorma sa aking labi habang nakatingin sa mga ka-grupo ko. “Galingan natin.”

𝗠𝗼𝗻𝗮𝗺𝗶’𝘀 𝗣𝗢𝗩 [𝘾𝙯𝙞𝙖𝙣𝙘𝙞𝙚𝙧𝙖]

LUMIPAS ang dalawang araw na pakiramdam ko’y sobrang haba dahil wala akong ibang ginawa kun‘di ang hintayin si Elixir habang pumapasok sa mga klase ko. Dapat kahapon ay nandito na siya pero imbis na siya, isang uwak na may dalang sulat ang dumating.

|Bukas pa ako makababalik dahil may kailangan pa akong gawin rito sa palasyo. Mayroong isang importanteng kaganapan. Nariyan na ako bukas at dala ang resulta.| Iyan ang nasa sulat kahapon. Ibig sabihin, ngayon siya darating. Sakto ay linggo ngayon, walang klase.

Inilapag ko sa mesa ang papel na hawak ko nang makarinig ng sunud-sunod na katok sa pintuan. “Sino ‘yan?” tanong ko at tumayo saka lumapit sa pintuan.

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Where stories live. Discover now