Chapter 64

483 31 2
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗜𝗫𝗧𝗬-𝗙𝗢𝗨𝗥

𝗠𝗼𝗻𝗮𝗺𝗶’𝘀 𝗣𝗢𝗩 [𝘾𝙯𝙞𝙖𝙣𝙘𝙞𝙚𝙧𝙖]

“PRINSESA Monami… Prinsesa Monami, gising na po…”

Napaungot na lang ako dahil sa maingay na kung sino. Pinapatay ko pa si Darcy, huwag kang disturbo!

Ibinaling ko kay Darcy ang aking tingin habang pinaglalaruan sa‘king kamay ang aking knife of Diablo. Napangiti na lang ako dahil sa mga pagtangis niya na parang isang musika sa aking tainga.

Ang Reyna‘t Emperatris na si Darcy ay lumuluha ng dugo, walang daliri sa mga kamay at paa, at maraming kalmot sa katawan habang nakaupo sa isang electric chair. Kinukuryente siya ng upuan niya kapag sinubukan niyang gumamit ng kapangyarihang elemento at skill.

Lumapit ako sa kaniya at marahas na hinawakan ang kaniyang baba saka iniangat para magtapat ang tingin namin. “Masarap ba, Darcy? Masarap bang ma-torture?” tanong ko pero umiyak lang ang bruha. Inis ko siyang sinampal, “Sumagot ka! Masarap ba? Ha?!”

“H-h-hindi…! A-ang sakit… Ang sakit-sakit… Pakiusap… P-pakiusap… PAKIUSAP GUMISING KA NA, PRINSESA MONAMI!”

Napabalikwas ako ng bangon nang mag-iba ang hitsura ni Darcy. Naging si Trixie ito. Inis kong nilingon ang gumising sa‘kin at matalim siyang tiningnan. “Mapapatay ko na siya kung hindi mo ako ginising, Trixie. Ikaw na lang kaya ang ipalit ko sa kaniya?”

Bigla naman siyang nawala sa paningin ko kaya nilibot ko ng tingin ang buong kuwarto pero ako na lang ang nandito. “M-maawa ka, Prinsesa Monami…! Napag-utusan lamang ako ni K-Kuya! Lumabas ka na lamang kung… kung hindi ka na nakakatakot—este kung ayos ka na po…!” rinig kong uutal-utal na wika niya sa labas ng pintuan ng kuwarto. Kasunod ay narinig ko ang pagtakbo niya papalayo.

Tsk, ang ganda ng panaginip ko tapos mang-iisturbo. Anong oras na ba? Kung makagising akala mo ilang araw akong tulog. Psh.

Kinuha ko ang phone ko sa bedside table at tiningnan ang oras. Alas tres na pala ng hapon. Kaya pala mababa na ang araw na sumisilip sa bintana ng kuwarto.

“Wala pa akong kain…” bulong ko nang biglang tumunog ang tiyan ko.

Hinawi ko ang kumot at bumaba ng kama saka nag-inat-inat. Lalakad na sana ako palapit sa pintuan nang may sumagi sa isip ko. Hindi ba sa sala ako natulog uli matapos nang pagtalo namin sa mga… cerom? Paano ako napunta dito? Imposible namang nag-sleep walk ako dahil hindi ko gawain ‘yon. Sleep talk siguro, puwede.

Ipinilig ko na lang ang ulo ko at lumabas na ng kuwarto ko. Kumunot ang noo ko nang bumungad sa‘kin ang bakante at blangkong sala. Walang katao-tao pero may pagkain pa sa mesa. Mukhang tira mula sa tanghalian.

Gutom na ako kaya bahala na ang mga kasama ko. Baka nasa kung saan lang sila.

Lumapit ako sa mesa at nagsimulang kumain. Kumuha ako ng tatlong nilagang itlog at sunud-sunod na kinain ang mga iyon saka uminom ng tubig at nagtungo sa kusina. Minadali ko na ang pagkain dahil may naririnig akong ingay sa kusina. At ang bumungad sa‘kin ay ang mga maids at butlers na naghaharutan.

Seriously? “Oi,” pagtawag ko sa kanila. Gulat naman silang napabaling sa‘kin at mabilis na umayos ng tayo. “Nasaan ang iba?”

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Where stories live. Discover now