Chapter 72

301 24 0
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧𝗬-𝗧𝗪𝗢

𝗘𝗹𝗶𝘅𝗶𝗿’𝘀 𝗣𝗢𝗩

ILANG oras na biyahe ang aming iginugol upang marating ang aming palasyo, ang palasyo ng Vlainus, at ngayon ay naririto na kami. Pupungas-pungas pa ang mga kasama ko na kagagaling lang sa tulog.

“Bumaba na kayo, narito na tayo,” sabi ko sa kanila at naunang bumaba. Sumunod naman sila at bumaba na rin.

“Wow! Ito ang palasyo niyo?!” ang tanong ni Christlyn habang namamanghang iginala ang tingin sa malawak na hardin na nakapaligid sa palasyo.

Sa paligid namin ay nagpapakitang-gilas ang mga kulay lilang bulaklak—ang liple. At dahil sa bugso ng hangin ay amoy na amoy sa paligid ang mabangong amoy nito na hindi nakakasawang singhapin. Nagkalat rin ang mga paru-paro sa paligid na mas dumagdag sa magandang tanawin na nasa harapan namin.

Well, it may be mesmerizing for them. Sawang-sawa na ako sa hardin na ‘to.

Tinanguan ko naman siya bilang sagot at minuwestra ang malaking pintuan ng mainhall ng palasyo na kasalukuyang malaki ang bukas. Sa gitna ng pintuan ay nakatayo ang hari at si Roma—na nauna ng bumalik dito kanina. Sa kanilang likuran ay nakahilera ang humigit-kumulang apat na pung tagapagsilbi. “Hali na kayo at kilalanin ang bukod-tanging hari ng aming kaharian.”

Pansin ko ang pag-aatubili ng ibang Secondarya kaya ako na ang naunang umakyat ng hagdan patungo sa hari. Siguro ay naiintimida sila sa kaniya dahil sa napakalalim nitong pagtingin sa kanila na animo’y ginagalugad ang kanilang pagkatao.

Nang makaharap ang hari ay yumukod ako at nagsalita, “Pagbati sa pinakamatibay na haligi ng kaharia—?!” Hindi ko natapos ang pagbati ko nang may umintra.

“A-AMA…!” Tiningnan ko kung sino ang umistorbo sa‘kin at nakitang si Monami ito… na agad yumakap sa hari matapos niyang tumakbo palapit dito. “S-Sa wakas… Sa wakas, tayo ay nagkita rin, a-ama ko…!” tuwang-tuwang aniya at maririnig ang matinding pagkasabik sa boses niya. Ang mukha niya rin ay tila pininturahan ng kasabikan at may butil pa ng luha sa kaliwang mata niya.

Takte…? Akala ko ba ay hindi siya nangungulila sa isang ama e bakit tuwang-tuwang siya ngayon?!

“Anak ko… Ikaw ba talaga ang anak kong si Mon—” Naputol ang sinasabi ng hari nang sumingit si Monami.

“Czianciera, Ama. Czianciera ang aking ngalan,” nakangiting aniya at may palihim na sinabi dito. Kumalas din sila sa yakapan at sabay na lumingon sa‘kin. “Ah… Andiyan ka pala, Kuya? Hindi kita napansin,” maang na saad niya.

Agad naman akong tumuwid ng tayo at iningusan siya saka bumaling sa hari. “Pagbati, Ama.”

Tinanguan niya lang ako at itinuon niya na ang pansin sa mga Secondarya na nagsiakyatan na rin dito. Napansin ko ang magkakapatid na Naom, nakatingin sila ng masama sa hari at kay Monami. Hmmm… Bakit? Alam ba nila na si Ama ay naka-one night stand ng kanilang ina at si Monami ang bunga?

“Maligayang pagdating sa aming kaharian, mga bituin ng Polaria. Ako ay lubos na natutuwa, kahit hindi ito halata sa aking mukha, dahil pinaunlakan ninyo ang aking imbitasyon,” ani ng hari at ngumiti. Hindi tulad ng ngiti niya dati na maiihi ka sa takot, ngayon ito ay nakagagaan ng damdamin pagkat kay init nito.

Humakbang si Ryden patiuna sa ibang Secondarya. “Pagbati, sa matatatag na haligi ng inyong kaharian, Haring Ezekiel,” aniya at yumukod. “Kami ay lubos na nagpapasalamat dahil kami ay inyong inimbitahan na maging parte ng inyong piyesta. Ako si Ryden Licht at bilang prinsipe ng kahariang Caractus, at estudiyante ng Royale Academia, ay lubos na nagpapasalamat dahil inyo kaming binigyan ng pagkakataon na masaksihan ang isa sa importanteng okasyon ng inyong kaharian.” Nagbigay galang rin ang mga Secondarya sa kaniyang likuran. At nang dumiretso siya ng tayo, ay tumayo na rin ng tuwid ang iba.

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Where stories live. Discover now