Chapter 57

634 43 3
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗙𝗜𝗙𝗧𝗬-𝗦𝗘𝗩𝗘𝗡

𝗠𝗼𝗻𝗮𝗺𝗶’𝘀 𝗣𝗢𝗩 [𝘾𝙯𝙞𝙖𝙣𝙘𝙞𝙚𝙧𝙖]

FLASHBACK…

“Anyway, may mga kailangan kang ipaliwanag sa‘kin. Una ay ang nalalaman mo sa nag-summon sa akin…”

“Mayroon nga akong mga nalalaman pero bakit ko naman sasabihin sa iyo?” aniya at ngumisi. “Ano ba ang kapalit sa mga kaalaman ko, Prinsesa Monami? Alam mo naman sigurong wala ng libre ngayon, hindi ba?”

“Hindi ko ipagkakalat ang tunay na katauhan ni Trixie,” agaran kong sagot.

Nawala ang ngisi niya at napatuwid ng upo. “Hindi naman yata patas. Kung ilalaglag ko ang katauhan ng aking lolo sa iyo ay dapat katumbas ng ibibigay kong impormasyon ang kapalit.”

“Kung ganoon ay sasabihin ko sa‘yo ang sagot sa makukuha ko kay Naioumie at hindi ko ipagkakalat ang tunay na katauhan ni Trixie. Deal?”

“Okay, deal,” sagot niya at seryoso akong tiningnan sa mga mata. “Ang iyong summoner ay walang iba kun‘di ang panginoong Diablo na aking lolo.”

──────⊹⊱✫⊰⊹──────

ANG rebelasyong iyon kaninang hapon ay talagang gumulat sa‘kin. Ang mismong si Diablo pala talaga ang nag-summon sa‘kin at lolo niya, ha? Ah, mali, lolo namin— nila ni Monami. Ang iba ko pang tanong, tulad ng bakit ako sinummon, ay hindi niya na raw alam. Kung gusto ko raw malaman ay dapat ako mismo ang magtanong kay Diablo. Tsk, hassle.

Ngayon ay kababalik ko lamang sa aking kuwarto dito sa Milady Secondarya ng akademya mula sa palasyo ng Kendia. Nakakawendang ang pagkatao ni Monami. Napakaraming lihim ang itinago sa kaniya.

Ngayong nalaman kong kapatid ko si Elixir sa ama at anak ako ng hari ng Vlainus, maisasagawa ko ang mga plano ko— na ako lang ang nag-isip. Paano, wala yatang balak magpapulong si Kard at Ryden, tsk.

Kailangan muna itong malaman ni Elixir tulad ng usapan.

“Kamusta?” bigla na namang sulpot ni Elixir at umupo sa couch. “Naramdaman kong bumalik na ang presensiya mo kaya nagtungo agad ako rito.”

Umupo ako sa sulok ng aking kama at seryoso siyang tiningnan. “Magkapatid tayo.”

“Huh? Weh? Ikuwento mo nga ang nangyari.” Tulad ng hiling niya ay ikinuwento ko ang nangyari sa palasyo ng Kendia. Detalyado ko ring ibinigkas ang mga sinabi ni Naioumie kanina.

Nang matapos sa pagkuwento ay tumayo siya at lumapit sa akin. “Kailangang makonpirma ito sa lalong madaling panahon. Bigyan mo ako ng iyong dugo at ito ay dadalhin ko sa aming palasyo. Kailangang malaman ni ama,” wika niya at may inilabas na maliit na botilya na halos kasinlaki lang ng hintuturo ko.

Tahimik ko namang inilabas ang knife of Diablo at hiniwaan ang aking kaliwang palad ng walang alinlangan. Agarang dumaloy palabas ang dugo mula sa sugat kaya ikinuyom ko ang aking kamao at ipinatak ang dugo sa loob ng botilya hanggang sa mangalahati ang laman. “Ayos na?” tanong ko at kumuha ng bandage sa lamesita na nasa maliit kong sala at itinali sa palad ko. Nag-iwan ng bandages si Trixie kagabi doon bago siya umalis kagabi kung sakaling kakailanganin ko.

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Where stories live. Discover now