Chapter 69

493 31 2
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗜𝗫𝗧𝗬-𝗡𝗜𝗡𝗘

𝗠𝗼𝗻𝗮𝗺𝗶'𝘀 𝗣𝗢𝗩 [𝗖𝘇𝗶𝗮𝗻𝗰𝗶𝗲𝗿𝗮]

ILANG saglit akong tahimik habang nakatingin kina Elixir. Hindi ko alam ang isasagot sa babae.

Teka, kailangan ba? Hindi ko naman kailangang sagutin, 'di ba?

"Czian, aking kapatid! Dumito ka nga," ani Elixir na gulat kong ikinatingin sa kaniya. Pati ang iba naming mga kasama ay nagulat rin. Hindi nila alam na magkapatid kami.

"Oo na lang, kuya," pagsabay ko sa kaniya at naglakad palapit sa kanila ni Trixie. "Anong ginagawa mo?"

"Play around. Total ay ipapakilala ka rin naman ni Ama sa piyesta. Kunwari ay dumating ka sa kurōgonar kagabi dahil sabik ka ng makita ako na iyong kuya. Basta sumabay ka na lang," sagot niya na tingin ko'y nice idea naman.

"Kuya, hindi mo pa ba ako naipapakilala sa kanila? Ni nabanggit lamang?" tanong ko at tumingin doon sa prinsesang nagtanong sa'kin kanina. "Hindi nila ako kilala..."

"Ah, paumanhin pero..." Bumaling siya sa mga kasama namin, "Siya nga pala si Czianciera, ang aking nakababatang kapatid. Siya'y nasa atin nang sasakyan kagabi dahil hindi siya makapaghintay sa atin dito sa daungan."

"Magandang umaga sa inyo," nakangiting bati ko at bahagyang yumukod saka umayos rin ng tayo.

"Ikaw pala ay kapatid ng Prinsipe Elixir, ikinagagalak kitang makilala!" wika ng prinsesang nagtanong sa'kin kanina. "Ah, ako nga pala si Reuce!"

Isang ngiti ang itinugon ko sa kaniya at bumaling na sa mga knights. Kasabay n'on ay ang pagkawala ng ngisi sa mukha ko. I hope I did a god job at acting.

Sana walang maghanap sa'kin- kay Monami.

"Mga prinsesa't prinsipe, hali na kayo at nariyan na ang mga sundo nating karwahe," sabi ng isang knight na siyang may pinaka-well built na katawan at mahabang buhok na nakatali kumpara sa ibang knight na nasa harap namin.

Sa hindi kalayuan naman ay may nakikita akong limang karwahe. Yari ang mga ito sa itim na klase ng bato at may mga diyamanteng kulay violet. May nakikita rin akong emblem sa pintuan ng mga karwahe at isa itong black taurus sign na napapaligiran ng purple spider lily. Bawat karwahe ay may tatlong nilalang na naghihila nito na hindi ko alam kung ano, at dalawang coachman.

Nagsimula na kaming maglakad patungo sa mga karwahe habang ang mga knight na nakasakay sa mga itim nilang unicorns ay nakapaligid sa'min. Napahinto na lang kami nang mula sa likuran ay sumigaw ang maids ng sinakyan naming kurōgonar.

"Paumanhin, mga Kamahalan, ngunit nawawala ang isa ninyong kasama!" in-sync na sigaw nila at tumakbo patungo sa'min. No, please... don't...
"Nawawala ang Prinsesa Monami!!!"

Puta...

Nagsimulang magbulungan ang mga Secondarya'ng hindi alam na ako si Monami. Karamihan sa kanila ay nagpalinga-linga sa paligid at hinahanap ako.

"Hindi ko nga makita ang Prinsesa Monami. Baka naiwan siya sa loob ng kurōgonar?" rinig kong bulong nga isang babaeng Secondarya na hindi ko kilala, ni mamukhaan man lang.

"O baka nauna na sa atin? Baka nagtungo iyon sa kung saan," sabi naman ng isang lalaking Secondarya.

"Hula ko ay tulog pa rin si Idolo! Palagi kasing tanghali o hapon nagigising iyon e. Baka siya ay nasa silid niya pa dahil masiyado pang maaga," sabi ng isa pang lalaking Secondarya.

"Ang Prinsesa Monami ay lumisan kaninang ikatlo ng madaling-araw," sabi ni Trixie na ikinatingin ko sa kaniya. Kinindatan niya ako at nagpatuloy sa pagsasalita. "Siya raw ay mayroong mas importante at biglaang lakad. Marahil ay may kinalaman sa lugar na kaniyang pinamumunuan."

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Where stories live. Discover now