Chapter 68

415 29 0
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗜𝗫𝗧𝗬-𝗘𝗜𝗚𝗛𝗧

LUMIPAS ang maghapon at kinagabihan ay nagising na si Monami. Ngunit hindi siya makabangon dahil sa pananakit ng buo niyang katawan at ng kaniyang paningin. Humupa na ang kaniyang lagnat pero ganoon pa man ay nananakit pa rin ang kaniyang ulo.

Si Trixie na siyang bantay ni Monami ay nag-panic nang makitang gising na ito. “Kuya!” malakas na sigaw niya at dinaluhan ang nakaratay sa kama. “Kuya, gising na si Prinsesa Monami! KUYAAA!!!”

Si Elixir naman na kausap si Roma ay agarang nagteleporto sa kanilang silid nang marinig ang pagtawag ni Trixie. Nilapitan niya si Monami na nanlalabo pa rin ang paningin at sumasakit ang ulo. “Ayos ka na ba, Monami? Limang araw ka ng tulog.”

“Huwag niyo muna akong kausapin. Sumasakit ang ulo ko… Shit lang,” tugon ng dalaga na hindi alam ang gagawin dahil pumipitik ang sentido niya.

“Ah, t-tubig…! Uminom ka muna, Prinsesa Monami!” ani Trixie at kinuha ang isang baso ng tubig mula sa mesang nasa tabi ng kama ni Monami at inalalayan itong uminom.

Matapos uminom ng tubig ni Monami ay hinayaan na muna nila siyang magmuni-muni habang naka-standby sa kanilang favorite spot sa loob ng silid. Baka sakaling may kailangan ito kaya manananatili lang sila sa sulok.

Si Monami naman, sa kaniyang kama, ay pumikit na lang uli para maibsan ang sakit ng kaniyang ulo. Napapaisip siya kung anong nangyari at para siyang pasiyente sa ospital.

𝗠𝗼𝗻𝗮𝗺𝗶’𝘀 𝗣𝗢𝗩 [𝗖𝘇𝗶𝗮𝗻𝗰𝗶𝗲𝗿𝗮]

SHIIIT! May hang over ba ako?! Hindi naman ako uminom ng alak, ah! Ano bang nangyari? May sinabi si Elixir kanina pero hindi ko naman naintindihan!

Huminga ako ng malalim at sinubukang igalaw ang mga kamay ko para sana dalhin sa sentido ko pero ayaw nilang gumalaw. Parang ang bigat nila kaya hindi makayanan ng lakas ko na gumalaw. Fucking worst feeling is this. Ramdam na ramdam kong mahina ako. Nakakaputangina.

Ilang segundo at minuto ang hinintay ko na mawala ang sakit ng ulo ko na nangyari naman. Pagdilat ko sa aking mga mata ay malinaw na ang paningin ko. Buti naman.

“Prinsipe, natatanaw ko na ang ating karagatan,” rinig kong sabi ng boses ni Trixie kaya tiningnan ko siya. Nakatayo siya sa harap ng bintana kung saan ay kita ang crescent moon at mga manaka-nakang stars. “Kay ganda talaga ng tanawin mula rito.”

“Bukas ng umaga ay paniguradong nasa daungan na tayo. Baka magtatatalon si Ama sa galak kapag nakita niya tayo,” rinig kong sagot ni Elixir kaya sa kaniya naman lumipat ang tingin ko. Nakaupo siya sa sofa at may binabasa ng libro.

“A-Anong… nangyari kahapon…?” nahihirapang tanong ko kasabay nang marahang pagbangon at sumandal sa headboard ng kama. Bumaba ang tingin ko sa kaliwang braso ko at nakitang may benda ‘yon. “Bakit meron nito?”

“Anim na gabi ka ng tulog at limang araw na nakaratay diyan, Monami, matapos mong… matalo sa laban nating dalawa. May sugat ka riyan kaya may benda,” sagot ni Elixir na hindi man lang ako tiningnan.

…Ah, naaalala ko na. He’s very good. That was the first time I fought him at first time ko maka-encounter ng nilalang na may mala-Naruto’ng skill. That caught me off guard… pero nakakalito. Paano ako nagtamo ng sugat kung natalo ko nga ‘yong mga clone niya? I didn’t saw him pulling the trigger of the rifle he was holding that time kaya… paano?

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Where stories live. Discover now