Chapter 55

651 57 2
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗙𝗜𝗙𝗧𝗬-𝗙𝗜𝗩𝗘


𝗠𝗼𝗻𝗮𝗺𝗶’𝘀 𝗣𝗢𝗩 [𝗖𝘇𝗶𝗮𝗻𝗰𝗶𝗲𝗿𝗮]

“AH, mali. Kamukha mo si... Prinsipe Elixir...”

Nangunot ang noo ko dahil sa narinig na pangalan mula sa kaniya. Si Elixir? Kamukha ko? “Nagpapatawa ka ba?” tanong ko habang nakatingin sa repleksiyon ko. “Si Masha ang kamukha ko... Nag-iba nga lang ang kulay ng buhok, mata, at anyo ko...”

“Prinsesa Monami, magkamukha talaga kayo ni Kuya Elixir lalo na kung itim ang iyong mga mata,” aniya at lumapit sa'kin. “Tulungan na kita sa iyong likuran, Prinsesa.”

Tiningnan ko siya sa salamin at napansing gusto niya talagang tumulong. “Sige, basta hindi ‘yan pabor,” sabi ko at pinagpatuloy ang paglinis sa sungay ko.

Ngumiti naman siya at kumuha ng bulak saka ito binuhusan ng likido. “Masusunod, Prinsesa Monami,” aniya at inilapat ng dahan-dahan ang bulak sa likuran ko. Napangiwi na lang ako sa sakit.

“Bakit nag-iba ang iyong anyo, Prinsesa Monami? Iyan ba ang iyong tunay na anyo?”

Bakit nga ba nag-ibang anyo ang katawan mo, Monami? “Hindi ko rin alam. Ngayon lang nangyari 'to.”

“Hindi kaya dahil...”

“Dahil?” tanong ko nang hindi niya itinuloy ang sinasabi niya. Tiningnan ko pa siya sa salamin pero naka-focus siya sa paglinis sa likuran ko.

“Ah, w-wala po,” aniya at kumuha muli ng bulak saka binuhusan ng likido at nilapat sa mga sugat ko. “Kung unang beses mo ito, Prinsesa Monami, ibig sabihin... hindi mo pa kayang kontrolin ang iyong pakpak?”

Inilapag ko ang hawak na bulak sa sink at kumuha ng panibago saka binuhusan ng likido at nilinis ang kabilang sungay ko. Tumatagal pa rin ang dugo roon. “Hindi pa. Naaasiwa nga ako sa pakpak na ‘yan, nakakakiliti,” sagot ko at masama ang tinging tiningnan ang repleksyon ng pakpak sa salamin. Tsk.

“Argh!” angil ko nang biglang pumagaspas ang pakpak, napaatras pa si Trixie dahil doon. “Anak ng... Ayaw tumigil!”

“Kumalma ka lamang, Prinsesa Monami. Baka mabalian ka kapag iyong binigla ang iyong mga pakpak,” ani Trixie na pilit kong sinunod.

Kalma daw! Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. “Hooh...! Tumitigil na,” sambit ko at napabuga ng hangin noong tuluyan ng tumigil.

“Ayan. Dapat kalmado ka lamang, Prinsesa,” ani Trixie at pinagpatuloy ang ginagawa. Nagpatuloy na lang din ako.

──────⊹⊱✫⊰⊹──────

ANIM na oras na noong mag-transform ako. Anim na oras na rin akong upo, tayo, dapa, upo, tayo, at dapa sa kama ko. Nakakaimbyerna at ngalay na sa likod. Gusto kong mag-inat pero sabi ni Trixie ay huwag dahil baka may mabaling buto sa mga pakpak ko. Tsk.

Speaking of Trixie. Umalis din siya after niya akong tulungang linisin ang likuran ko. Sabi pa niya, huwag daw muna akong lalabas at baka magkagulo.

Like, what the fuck? Insta-quarantine ang peg? May klase pa ako!

Sinulyapan ko ang orasan sa pader at nakitang 06:43 na ng umaga. Seven ang klase namin. Kakapasok ko lang kahapon, ngayon ay absent agad? Takte, kamusta kaya ang grades ko? Sana humihinga pa.

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang