Chapter 59

596 44 0
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗙𝗜𝗙𝗧𝗬-𝗡𝗜𝗡𝗘

𝗧𝗵𝗶𝗿𝗱 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻’𝘀 𝗣𝗢𝗩

NANG makarating ang prinsipe ng Vlainus na si Elixir sa opisina ng punong maestro ng Royale Academia na si Albert Einstein, nakahanda na ang anim na maestro sa isang munting pagpupulong. Kahapon lamang ay nakatanggap ng sulat ang punong maestro mula sa prinsipe na inihatid ng isang uwak. Ang sulat ay naglalaman ng paunang salita patungkol sa gaganaping pagpupulong ngayon.

Bahagyang yumuko ang prinsipe bilang paggalang sa mga maestro. “Pagbati sa inyo,” aniya at umayos nang tayo. “Narito ako upang ipaliwanag ang sulat na aking ipinadala sa iyo, Punong Maestro.”

“Maupo ka, Prinsipe Elixir,” ani Albert at minuwestra ang upuan sa isang bakanteng upuan na kaniya namang inukopa. “Simulan mo na ang paglilinaw.”

“Tulad ng nakasulat, ang aking ama —si Haring Ezekiel— ay gustong imbitahin ang mga Secondarya ng akademya sa piyestang gaganapin sa aming kaharian —ang Vlainus. Naisip ng konsehal ng emperyo ng Mortemre na mabuting maibahagi namin ang kasiyahang magaganap upang hindi na lamang puro negatibo ang impresyon sa aming kaharian,” paliwanag ni Elixir habang pinanatili ang pang-propesyunal na ekspresyon ng mukha. “Ito ay gaganapin sa ika-dalawampung araw ng buwan. Ang inyong pasya ay igagalang ng aking ama.”

“Bago ang pagpapasya, mayroon lamang akong katanungan,” wika ng maestro sa seksyong 2-B.

“Ikakagalak kong sagutin ang inyong mga katanungan.”

“Kung ganoon… Bakit Secondarya lamang ang iniimbitahan?”

“Batid ng aking ama na maraming gawain ang mga Primarya ngayon dahil sa Xenomia Cases —na nasabi ko sa kaniya— at sa paparating na paligsahan sa katapusan. Ang Tertiarya naman ay tutok sa pag-aaral lalo na ang Losenya kaya Secondarya lamang ang iniimbitahan,” mahinahong sagot ng prinsipe. Naisip niya nang makatatanggap siya ng ganitong tanong kaya naghanda na siya ng isang kasinungalingan.

Tumikhim naman ang maestro ng 2-D para kuhanin ang atensyon ng prinsipe, para magtanong, na tagumpay naman. “Kailangan bang lahat ng Secondarya ay sasama, Prinsipe Elixir?”

Bahagyang umiling ang prinsipe. “Hindi kailangan dahil kung ayaw ng estudiyante ay hindi ito pipilitin. Buluntaryo ito, Maestro. Kung sino lamang ang gustong sumama at maki-piyesta ay iyon lamang ang isasama.”

“Bigyan mo kami ng ilang minuto upang makapagpasya, Prinsipe Elixir,” wika ng punong maestro at tiningnan ang iba pang maestro. Nakipag-usap siya sa kanila sa pamamagitan ng telepathy. “Ano ang inyong opinyon?”

“Kung papayag tayo, hindi ba mas mabuti kung may dalawang opisir mula sa Student Council upang magbantay?” suhestiyon ng maestro ng 2-C naagad sinalungat ng maestro ng 2-E.

“Malalakas ang ating mga Secondarya kaya bakit kailangang may bantay? At isa pa, abala nga sila sa Xenomia Cases at sa iilan pang gawain. Kagagaling lang rin nila sa Ciera Monstra kaya kailangan nilang bumawi sa kanilang trabaho.”

“Sang-ayon ako sa iyo, Maestro Chi,” sang-ayon ng maestro ng 2-A sa maestro ng 2-E. “Naririyan ang aking mga estudiyante kung sakaling may masamang mangyari kaya hindi natin kailangan ang Student Council sa puntong ito.”

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Where stories live. Discover now