Chapter 66

452 35 0
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗜𝗫𝗧𝗬-𝗦𝗜𝗫

𝗠𝗼𝗻𝗮𝗺𝗶’𝘀 𝗣𝗢𝗩 [𝗖𝘇𝗶𝗮𝗻𝗰𝗶𝗲𝗿𝗮]

PAGSAPIT ng alas-dose, lahat kami ay nasa bunganga na ng kurōgonar. Dahil natutulog na ang iba naming kasama, si Elixir ay gumamit ng skill niya na kayang i-hold ang sound wave dito lang sa kinaroroonan namin. Balot ng tensiyon ang paligid gayong hindi pa naman kami nakapagsisimula.

Mula sa pagkakaupo sa isang ngipin ng kurōgonar ay tumalon ako pababa at pumunta sa gitna. Nakapagpalit-anyo na ako bilang isang demonyo pero walang pakpak. Sagabal lang. Saka na lang ‘yon. “Magsimula na tayo. Sinong unang makikipag-spar sa‘kin?” tanong ko.

“Ako na muna, Satana,” ani Cryton at naglakad papunta rito sa gitna. “Isipin mong nasa UA tayo. Huwag kang magpipigil,” aniya pa at naglabas ng two-bladed na espada mula sa mga kamay niya. Yari iyon sa pulang ore at pumapaikot ang pulang likido —parang dugo— na nakalutang sa hangin.

“Kailan ba ako nagpigil sa mga laban natin, Satan?” tanong ko at kinuha ang pen gun mula sa naka-bun kong buhok kung saan ito nakasuksok. Pinagpalit-anyo ko ito bilang isang two-bladed na espada katulad ng sa kaniya. Spar lang naman ‘to kaya dapat pareho kami ng armas.
“‘Di ba, wala pa naman? Kaya huwag kang mag-alala…” Binitin ko ang sinasabi ko at mabilis na humakbang palapit sa kaniya saka umikot papunta sa kaniyang likuran. “…hindi ako magpipigil.” Akmang padadaanan ko na siya ng hiwa sa likuran pero bigla siyang tumalon ng mataas at tumambling ng dalawang beses palayo sa‘kin.

What? ‘Yong first strike ko, nagawa niyang ilagan?! E dati, lagi siyang sapol kahit ilang beses na kaming maglaban!

“Pfft… Gulat ka?” mapang-asar na tanong ng kolokoy at proud na ngumisi. “Luma na ‘yang first move mo, Satana. Mabilis na ang reaction time ko ngayon kaya ‘di na ‘yan uubra.”

“Gano’n?” singaw sa ilong na tugon ko at sumugod sa kaniya saka siya pinaghahataw, na nasasangga niya naman. Nang ma-focus siya sa pagsangga sa espada ko ay ikinawit ko ang isa kong paa sa likod ng tuhod niya at gamit ang libre kong kamay ay sinapak ko siya sa sikmura.

Bumagsak siya dahil sa sapak ko at sa pagpatid ko sa paa niya. Pero nagulat ako nang pati ako ay bumagsak sa kaniya. Ang siraulo hinawakan pala ako sa braso kaya pati ako nadamay!

Ang gago, nang mapansing nakapatong ako sa kaniya, ay tumawa. Inis ko namang itinukod ang isa kong kamay sa dibdib niya, diniinan iyon kaya nabulunan siya, at mabilis na tumayo.

“Ano ba? Sumeryoso ka nga!” asik ko sa kaniya at sinipa siya sa tagiliran nang makatayo siya.

Tumikhim ang loko at seryosong tumingin sa‘kin, “Seryoso naman ako, ah,” aniya pero kalaunan ay ngumisi.

Tangina nito, sarap burahin sa Polaria e.

Marahas akong bumuntong-hininga at matalim siyang tiningnan. “Kung ganiyan ka magseryoso ay hindi na lang ako makikipag-spar sa‘yo.”

“Magseryoso ka na kasi, Cryton!!” sigaw nina Huxile at Brecken na parehong nakaupo sa bagang ng kurōgonar at nanonood sa amin. May mga hawak pa silang bowl na may lamang meryenda. Sana all.

“Kapag hindi ka nagseryoso diyan, ako ang papalit sa iyo,” ani Elixir na naka-standby lang sa sulok habang nakahalukipkip.

“Sabi ko nga, magseseryoso na,” ani Cryton at seryoso ng tumingin sa‘kin. Mula sa tatlong metrong distansiya niya mula sa‘kin, sa isang iglap ay nasa harap ko na siya at nakatutok sa leeg ko ang hawak niyang espada. “Seryoso na ‘ko…”

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Where stories live. Discover now