Chapter 52

959 56 27
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗙𝗜𝗙𝗧𝗬-𝗧𝗪𝗢

𝗖𝗿𝘆𝘁𝗼𝗻’𝘀 𝗣𝗢𝗩

“Sa mga aralin namin nitong mga nakalipas na mga buwan ay halos patungkol na sa mga magagandang tanawin sa iba‘t ibang parte ng mundo. Dahil heograpiya ang aralin sa kuwarter na ito ay puro impormasyon na konektado sa mga lugar lamang ang aming tinalakay,” sagot ni Huxile matapos itanong ni Monami kung may tinalakay ba kami patungkol sa estado ng bawat kaharian.

Mag-iisang oras na kami rito sa isang gazebo sa hardin and I could feel Monami exasperating in her seat from then. I just notice, she changed a lot in just two months. Physically and the way she acts. Mas pumayat siya at mas lumala yata ang ugali niya. It’s not that I’m worried or what, nakakapanibago lang.

“Tsk, nakakainis naman. Hindi ko kailangan ‘yang mga ‘yan. Ang kailangan ko ay impormasyon sa bawat kaharian patungkol sa kanilang estado, lalong-lalo na sa Kradus!” pasigaw na hayag ni Monami at inis na hinilot ang sentido niya. Lumibot ang tingin niya sa amin at kumunot na naman ang noo niya. “Nasaan si Elixir?”

“Ah, umalis si Prinsipe Elixir at Prinsesa Trixie. Mukhang kailangan sila sa kaharian nila,” sagot ni Brecken na hindi makatingin kay Monami dahil parang mangangain ito.

“Dapat siguro sa Kradus ako dumiretso at hindi dito, ‘no? Wala akong nakukuhang matino rito e,” sabi ni Monami at dumukdok sa mesa. “Dapat sumugod na ako.”

“Ano bang problema mo, Arogante? Lumala na yata iyang pagiging mainitin mo?” sita ni Khyler na sa wakas ay nagsalita na rin. Kunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa babaeng katabi ko. “Dahil ba sa pag-alis ninyo?”

“Ano nga bang nangyari sa Ciera Monstra, Prinsesa Monami? Sabi niyo noon ay babaha ng dugo?” tanong rin ni Ryden na nalilito rin sa inaasta ni Monami.

Isn‘t it obvious? May sumugod sa siyudad na pinamumunuan ni Monami! The question here should be... “Naiwasan niyo ba ang tuluyang pagbaha ng dugo, Monami?” tanong ko.

Saglit na katahimikan ang namayani sa buong gazebo na nabasag rin nang muling magsalita si Monami. Umayos siya ng upo at tiningnan kami isa-isa. “Problema ko? Anong nangyari? Naiwasan?” sunud-sunod na tanong niya at pagak na tumawa. “Problema ko ay kung pa’no ba ako BABAWI. Ang nangyari ay sinugod ni Darcy ang Ciera Monstra! Maraming namatay. Bumaha ng dugo! Namatay... Namatay ‘yong dalawang magkapatid na... hindi ko alam na pinahalagahan ko na pala... Sinong hindi lalala ang ugali?”

The fuck? That’s horrible! I mean... that’s karma, I guess?

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang ire-react ko sa mga naging loses niya— ng taong karibal ko sa Under World Society dati.

“Kaya ba nangangalap ka ng impormasyon kasi nagpaplano kang gumanti?” tanong ko.

Isang ngiti ang pumaskil sa labi niya. “Higit pa sa ganti ang pinaplano ko e. Alam mo na, tatlong beses na mas malala kapag ibinabalik ko ang ginawa sa‘kin,” makahulugang aniya.

Napailing na lang ako. The typical Satana is back. And she‘ll be more satanic.

“May magagawa ba ako para mapigilan ka?” tanong ni Ryden na mariing nakatingin kay Monami. “Walang kahahantungan ang paghihigan—!”

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Where stories live. Discover now