Chapter 67

465 35 10
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗜𝗫𝗧𝗬-𝗦𝗘𝗩𝗘𝗡

𝗘𝗹𝗶𝘅𝗶𝗿’𝘀 𝗣𝗢𝗩

IILING-ILING akong bumalik sa bunganga ng kurōgonar matapos kong dalhin si Khyler sa kuwarto nila ng mga kasama niya. Tinanong pa ako ni Brecken at Huxile kung anong nangyari pero hindi ko na sila sinagot pa.

Nang makaakyat ay napansin ko si Monami na nakatingin sa malayo, ang ngiti niya ay halatang may masamang plano. Si Ryden naman ay nakasandal lang sa isang tabi at mapanuring nakatingin sa kapatid ko.

“Monami, tayo naman ang maglaban,” ani Ryden at akmang lalapit kay Monami nang senyasan ko siya na huwag muna.

“Mag-uusap muna kami,” sabi ko na tinanguan niya naman. Lumapit na ako kay Monami at pinitik siya sa noo. Gulat naman siyang napatingin sa‘kin. “May bago ka na namang Demon Skill. Paano mo in-activate?”

“Ano munang tawag do’n?” tanong niya na matutunugan ang excitement sa boses. Kumikinang pa ang mga mata niya.

“Iyon ay Demon’s Sweat Skill. Poisonous ‘yon at kayang lasunin ang kung sino man o ano man. Kaya ka nakawala sa mahika ni Khyler ay dahil sa nalason mo iyon.”

Malakas siyang tumawa at bumaling kay Ryden. “Mas mapapadali ang pagpatay ko sa…kanya… HAHAHAHAHAHA!!”

“I don’t think so,” kontra ko na agarang ikinatigil niya sa pagtawa at lumingon sa‘kin. “Hindi madaling i-activate ang Demon’s Sweat…”

“Madali lang naman. Nag-isip ako ng way na magkakakontra sa skill ni Bakla sa loob ng three minutes.”

“Last resort ang skill na ‘yon at sa sitwasyon na tulad kanina lang ito maa-activate. Hindi mo kontrolado ang activation ng skill na ‘yon dahil may sarili itong kontrol,” sabi ko at naglakad na patungo sa isang sulok. “Magsimula na kayo, Ryden.”

Naglakad na papunta sa gitna si Ryden at naglabas ng isang espada na lumiliwanag. Nakakasilaw ito kaya nagsuot ako ng shades at inobserbahan sila.

Ryden stroke first. Hinataw niya si Monami, na wala pa yata sa wisyo kakaisip sa sinabi ko kanina, at nadaplisan ito sa kaliwang pisnge. Natauhan si Monami, nagalit, at dumistansiya.

“Nakakasilaw, Ryden! Madaya!” reklamo ni Monami na lumalayo kapag lumalapit si Ryden. Nakaharang ang braso niya sa kaniyang mga mata, marahil ay pananggala sa liwanag ng espada ng kalaban.

“Hindi ito kadayaan, Prinsesa Monami. Talagang ganito ang aking espada. Pero kung ayaw mo ng masilaw pa, umatras ka na sa laban.”

“Para ikaw ang panalo? Ulol,” rebat ni Monami at naglaho sa puwesto niya. Saglit lang ay nasa likuran na siya ni Ryden at mabilis niyang pinalandas ang espada niya sa likuran nito.

Isang hiyaw ang lumabas sa bibig ni Ryden kasabay ng pagkapunit ng kaniyang damit at pag-display ng mahabang hiwa sa kaniyang likuran. Tumalon siya palayo kay Monami habang iniinda ang sakit at hapdi sa likuran.

“Hmm… Atleast, hindi pa rin kumukupas ang first strike ko,” ani Monami at naglaho na naman.

Pasimple kong ginamit ang aking vision skill at nakita si Monami na tahimik na nakatayo sa harap ni Ryden habang ang espada ay nakatutok sa mukha nito. Anong ginagawa ng bruhang ‘yon?

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Where stories live. Discover now