Chapter 54

669 45 8
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗙𝗜𝗙𝗧𝗬-𝗙𝗢𝗨𝗥

𝗠𝗼𝗻𝗮𝗺𝗶’𝘀 𝗣𝗢𝗩 [𝗖𝘇𝗶𝗮𝗻𝗰𝗶𝗲𝗿𝗮]

DAHIL sa wala akong napala sa araw na ‘to ay hindi na ako lumabas ng kuwarto ko para maghapunan at nagkulong lang dito. Nagpakalunod ako sa pagbabasa ng mga webnovels at paglalaro ng Criminal Case.

In-off ko ang phone nang maburyo at inilapag ito sa bedside table. Umupo ako sa kama at sinulyapan ang orasan. Three minutes na lang ay Twelve o’ clock na. Kaya pala parang may nag-uudyok sa‘king gumala dahil hatinggabi na.

Lumabas kaya muna ako? It’s been two months since I last gazed onto the stars, nami-miss ko na. Bakit ba kasi napakaulap sa Ciera Monstra? Tsk.

Bumaba ako ng kama at sinuot ang aking tsinelas. Kinuha ko ang black sweater jacket na nakasabit sa headboard ng kama ko at ipinatong sa suot kong black night dress. Kinuha ko ang knife of Diablo at pinagpalit-anyo bilang pen gun. Ibinulsa ko ito saglit at yumukod para sana i-bun ang buhok ko ngunit…

Tumunog ang kampana ng akademya na hudyat na alas dose na at kasabay niyon ay ang unti-unting pag-violet ng aking ginintuang buhok mula puno hanggang dulo. Sa gulat ko ay napatuwid ako ng tayo habang hawak ang iilang hibla ng buhok ko. Violet na violet na ito at hindi kababakasan ng ginto.

“Anong nangya— Ah, shit!” daing ko nang kumirot ang mga mata ko at hindi ko mapigilang mapapikit. “Shit, ang hapdi!” sigaw ko at pilit na minulat ang mga mata ko pero hindi ko kaya! Ang hapdi at kirot talaga!

‘Appraise! Anong nangyayari?!’ pasigaw na tanong ko sa aking isipan habang kinakapa ang paligid ko. Kailangan kong makapunta sa banyo at hugasan ang mga mata ko!

‘Appraise? Hoy, Appraise, sumagot ka!’ sigaw ko pero walang sumagot sa‘kin. Putangina, asan na si Appraise?!

Pilit kong hinanap ang daan patungo sa banyo. Ilang beses pang nabunggo ang mga paa ko sa iba't ibang furnitures bago makahawak ng door knob, ilang beses din tuloy akong napa-aray. Piste.

Pinihit ko ang door knob at tinulak ang pintuan. “Dapat banyo ‘to. Lalayas talaga ako dito sa dormitoryo na ‘to ‘pag hindi!” sigaw ko at nangapa sa paligid.

Lakad dito, lakad doon pero bakit wala akong makapang sink?! Ang nakakapa ko ngayon ay bakal, parang railings. Wait… Nasa labas ako ng kuwarto ko?!

“Shit! Shit! Shit!” daing ko nang mas lalong kumirot ang mga mata ko. Maging ang likuran at sentido ko ay sumasakit. Sobrang sakit! Gusto ko nang maiyak sa sakit…!

“A-AAAAAHHHH!!!” malakas na sigaw ko nang may kung anong sumusugat sa magkabilang sentido ko. Parang… Parang may lumalabas roon na kung ano, maging sa likuran ko. “AA-AAAAHHH!!” sigaw ko ulit at nabitawan na ang railings.

Ramdam kong bumagsak ako sa sahig pero hindi ko na naramdaman ang sakit ng impact dahil mas masakit ang sentido’t likuran ko. Pilit kong inabot ang magkabilang sentido ko na halos parang napakahirap gawin dahil nanghihina ang mga kamay ko. Ilang pursige pa at may naramdaman ako sa‘king sentido. Dalawang matigas at patulis na bagay ang nakausli roon.

“A-𝐀no ‘to? AAAAAHHH! Haah! Haah… Shit! P-para akong tinotorture! Haah… Ha-ah!”

Ilang minuto pa akong sumigaw, dumaing, dahil sa sakit na dahan-dahang naibsan. Hinihingal kong idinilat ang aking mga mata nang pakiramdam ko ay kaya ko ng dumilat. At unang tumambad sa akin ang isang pares ng mga mata.

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Where stories live. Discover now