01: Mahal Kita

353 6 0
                                    

Hindi ako gumagamit ng salitang 'mahal kita',
Bagkus ay pinapahayag ko ang katagang,
Ginoo, alam mo ba na may pagtingin ako sa 'yo?
Hindi ko batid ang aking tunay na nararamdaman ngunit sa palagay ko,
Hindi lang ako lubos na humahanga sa 'yo.
Dahil pakiwari ko'y hindi lang ako basta may pagtingin para sa 'yo.

Nais mo bang malaman ang dahilan?
Ikaw ang palaging hinahanap ng mga mata ko.
Ikaw ang laging gustong makita nito.
Maging sa isip ko ay minu-minuto kang tumatakbo.
Ni itong puso ko 'pag tumitibok, sinisigaw ang pangalan mo.

Hindi ko alam ang nakain ko,
Basta gumising na lang ako na humahanga sa 'yo.
Muli ay nais kong ipahayag ang katagang, ikaw ang tinitibok ng puso ko kahit pa batid kong iba ang hinahangaan mo.

Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)Where stories live. Discover now