May regalo ako sa iyo
Hindi ito mamahalin gaya ng inaakala mo
Pero huli na ito
Huli na itong regalo na matatanggap moHindi ito bagay na matatapon mo kapag ayaw mo
Hindi ito yakap na matataboy mo
Hindi ito halik na mabubura mo sa pisngi mo
Ito ay isang salita na matatawag mong tulaSalitang maiiwan sa isip mo
At matatatak sa isipan mo
Na ako'y minahal at inibig moSalitang maiiwan sa isipan mo
At s'yang magpapaalala sa'yo
Kung gaano kasaya ang dating tayo
Kung gaano masisilayan ang ngiti sa mga labi mo,
Sa tuwing kasama mo akoIsang munting regalo
Ang inihahandog ko sa iyo
At nais kong sabihin sa'yo
Ang salitang mahal kita pero tama naDahil panahon na para ang buwan mo ay mamaalam
Muling sisikat ang panibagong araw mo
At sa pagkakataong ito
Tuluyan ng maglalaho ang salitang tayo.
YOU ARE READING
Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)
PoetryLahat ng salitang nabuo sa saya, lungkot, at galit ay ginawang tula. Pagkadurog, pagsasaya, pagkagalit, o pagkapuot ay gagawing tula. Kukuha ng panulat at papel, lalaruiin ang mga salita upang makabuo ng isang tula.