22: Sakit Na Dulot Ng Pag-ibig

19 0 0
                                    

Nakikita ko ang bahid ng lungkot sa iyong mukha
Tila ika'y nawawala
Nais ko man maging ilaw sa iyong daan
Hindi ko maatim na ika'y tulungan

'Pagkat kailangan nating tahakin ang ating daan
Kahit pa pareho tayong nasasaktan
Nais ko man bigyan ng ngiti ang iyong mga labi
Hindi ko magawa, 'pagkat ako'y humihikbi
Ang puso ko'y kailangan din ng gamot na iyong hinihingi

Nais kong ika'y maging masaya
Kahit hindi mo ako kasama
Mapaglaro ang panahon para sa atin
Hindi inayon sa mga plano natin

Ngunit asahan mong narito pa rin ako
Kapag ako'y kailangan mo
Kung maibabalik ko man ang nakaraan
Siguro atin itong iiwasan nang wala na sa atin ang masaktan

Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)Where stories live. Discover now