17: Tala

33 0 0
                                    

Kay ganda ng tugtog ng musika
Tamang-tama sa pagtitig ko sa iyong mga mata
Walang pinagbago ang kariktan ng iyong hitsura
Kahit pa pinagmamasdan ko lamang ito gamit ang litratong aking nakuha

Pakiramdam ko'y tumititig ako sa isang tala
Kay kinang, kay ganda
Hindi kataka-taka kung marami ring tumititig na mga mata
Kay daming nais makakuha ng ganitong tala
Ngunit nais ko lamang na handugan ka ng isang tula

Pahiwatig ito na hindi lang sila ang nakakagusto sa iyo
Pati ako ay narito, gumagawa ng tula para sa 'yo
Upang iparating na ako'y may pagtingin din sa iyo

Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)Where stories live. Discover now