Hindi mo obligasyon ang ayusin ako
Obligasyon mong hawakan ang kamay ko
Habang inaayos ko ang sarili ko
Ngunit ika'y nakita koNakita ko na masayang hawak ang kamay n'ya
Pinagsasaluhan ang masasayang alaala
Habang magkasama kayong dalawa
Habang sa malayo ay tinatanaw ko kayo na magkasamaLuha at panginginig ng aking tuhod ay hindi ko mapigilan
Lalo na nang aking masilayan,
Na inyong pinagsasaluhan ang matatamis na halik gaya ng ating nakaraan
Tunay nga ang iyong tinuran
May bago ka na ngang hinahangaan.
YOU ARE READING
Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)
PoetryLahat ng salitang nabuo sa saya, lungkot, at galit ay ginawang tula. Pagkadurog, pagsasaya, pagkagalit, o pagkapuot ay gagawing tula. Kukuha ng panulat at papel, lalaruiin ang mga salita upang makabuo ng isang tula.