23: Palayain Ka Kahit Ika'y Mahal Ko Pa

18 0 0
                                    

Sa relasyong ito
Alam kong labis ang sakit na nararamdaman mo
Nais kong iparamdam ang higpit ng yakap ko
Ngunit paano? Kung sa bawat lapit ko sayo ay nakikita ko kung paanong madurog ang puso mo

Mahirap man sa akin
Na ika'y palayain
Pero ito lamang ang alam kong paraan
Upang mawaksi ang sakit na iyong nararanasan

Hindi ko man nais na ito'y gawin
Subalit mahirap makitang tumatangis ka ng dahil sa akin
Palalayain kita
Dahil iyon lang ang alam kong paraan upang tayo'y parehong sumaya

Patawad kung hindi ko kayang ipaglaban ka
Kita ko naman na nilalaban mo pa
Ngunit mahal, tama na
Ayokong mahalin mo pa ako
'Pagkat inuubos mo lamang ang sarili mo

Marahil ay tama nga ang sinasabi sila
Hindi nga siguro ako handa
Mahal kita pero ayokong ipaglaban mo 'ko
Masakit isipin ngunit hindi kita kayang ipanalo sa labang ito

Masakit isipin ang isang bagay na ipinaglalaban mo ang isang taong hindi ka kayang ipanalo
Ngunit mas masakit kung ipipilit mo ang iyong gusto 
Mauubos ka sa taong mahal mo
Ngunit hindi naman sigurado ang taong 'to sa 'yo

Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)Where stories live. Discover now