10: Kaibigan

71 0 2
                                    

Sabi nila'y talo raw ang girlfriend sa girlbestfriend.
Sabi'y, girlfriend ka lng, girlbestfriend ako.
Oo nga't girlbestfriend ka, kaibigang babae.
Kaibigang babae ka lang, hindi ka-ibigang babae.

Hindi ba't kaibigan mo siya?
Bakit tila nahulog ka?
Naisip mo bang mali iyon, o sadyang pinangunahan ka ng emosyon.
Emosyong sabihin na natin madaling pigilan pero hinayaan mo lang.

Girlbestfriend ka hindi ka girlfriend.
Kapag pinapili mo ang kaibigan mo
At pinili nya ang irog nya, may mali pa siya?
Hindi ba't ikaw ang may kasalanan?

Dahil pinapili mo s'ya kahit alam mong hindi ikaw ang pipiliin nya.
Oo't dinamayan mo s'ya sa mga problema n'ya.
Kaya nga kaibigan hindi ba?
Upang may damayana ang isang tao kapag may problema.

Bakit tila nahulog ka?
Girlbestfriend o Boybestfriend man iyan,
Hindi ka dapat mahulog.
Lalo na't alam mong kaibigan lng kau.

Kung alam n'yong pareho kayong may nararamdaman sa isa't isa.
Huwag na kayong maghanap ng iba.
Subukan n'yong magtapat ng nararamdaman ninyo.
Mananakit pa kayo ng iba ng dahil sa kahibangan ninyo.

Magiging masaya nga kayo,
Habang ang isa nama'y umiiyak ng dahil sa inyo.
Hindi parating may mag aadjust para sa inyo.
Hindi parating may iintindi sa inyo.

Matuto tayong mag-adjust minsan.
Hindi masamang magkaron ng kaibigan,
Na salungat sa ating kasarian.
Ang masama'y mahulog tau rito.

Dahil magkaiba ang,
Magkaibigan sa Magka-ibigan.

Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)Where stories live. Discover now