33: Sunset, Moon, and Sunrise

38 0 0
                                    

Bago natin pagmasdan ang ganda ng buwan,
Paglubog ng araw ang una nating nasisilayan
Unang nating hinangaan ang paglubog ng araw sa kalangitan
Bago natin mahalin ang marikit na buwan

Pinalaya natin ang isa't isa
Pagkatapos ay napagtanto kong mahal pa pala kita
Pinalaya kita dahil kita ko sa 'yong mga mata kung gaano ka kasaya sa kan'ya
Pinapanood ko ang paglubog ng araw na mag-isa
Hanggang sa nasilayan ko kayong dalawa na magkasama

Hinihintay pa rin kita
Umaasang mapapanood ko pa ang buwan at paglubog ng araw na kasama ka
Hinihiling ko pa ring sana ay nasa tabi pa kita
Na sana ay hawak pa natin ang kamay ng isa't isa

Ngunit habang tumatagal ay napapagtanto kung,
Pinalaya nga pala kita dahil alam kong mahal mo s'ya
Kaya wala akong karapatang mahalin ka pa
Dahil masasaktan lamang ang loob ko sa katotohanang may mahal ka ng iba.

Panonoorin ko ang paglubog ng araw
At ang kabilugan ng buwan
Pati na rin ang muling pagsikat ng araw sa kalangitan
Mananatiling nakahiga at naghihintay sa may damuhan malapit sa may dalampasigan

Mamahalin kita
Kahit pa pinalaya na kita
Hihintayin kong matapos ko ang k'wento nating dalawa ng mag-isa
Kahit pa kinuk'west'yon ko kung ano nga bang silbi ng k'wento nating dalawa?

Gayong ang mga mambabasa nating dalawa
Ay umaasang sa huli tayo ay magkakaroon tayo ng saya
Nagkaroon naman talaga tayo ng saya
Ngunit hindi na tayo magkasama at hindi na tayo ang dahilan kung bakit tayo tumatawa.

Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)Where stories live. Discover now