34: Magulong Kaisipan

33 0 0
                                    

Heto na naman ako
Nilalaro ang mga salita
Upang makabuo ng isang tula
Inaalala ang mga masasayang alaala noong kapiling ka pa

Nalalapit na naman ang pasko
Hindi ko alam kung paano ipagdiriwang ito
Limang taon na ring hindi ko nararamdaman ang yakap mo
Sa tagal ay pati ang boses mo ay hindi na maalala ng utak ko

Nakakulong sa nakaraan
Kung saan hindi na kayang balikan
Wala sa wisyo, hindi na tama ang proseso
Hindi makalaya sa nakaraang pilit kong tinatakbuhan

Heto pa ang aking kaarawang hindi ko kayang ipagdiwang
Alam mong labis kong kinasusuklaman ang aking kaarawan
Ikaw lamang ang dahilan kung bakit ko ito pinagdidiwang
Ngunit bakit ako'y tuluyan mong nilisan

Magulo at hindi maipaliwanag ang laman ng aking utak
Walang sapat na salita upang ito'y ipaliwanag
Gusto ng magwala at sumigaw, gustong magalit at magpahinga
Hindi alam kung saan magsisumula
Gustong huminto ngunit hindi alam kung paano
Siguro nga'y magpapahinga muna ako.

Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)Where stories live. Discover now