14: Kayo at Dating Tayo

37 0 0
                                    

Hindi ko kayang paniwalaan ang mga rason mo,
Dahil hindi naman kapani-paniwala iyong mga naging dahilan mo
Hindi ko batid kung nagpapakatanga lamang ba ako,
O sadyang minahal kita ng todo.

Hindi ko kayang paniwalaan ,
O mas magandang sabihin nating,
Hindi ko kayang tanggapin,
Dahil masakit pa rin para sa akin.

Masakit na makitang may kasama kang iba,
Habang ako'y umaasa pa na babalik ka pa.
Tunay ngang isang kahibangan ito.
Ngunit sanay isang panaginip lamang ang lahat ng ito.

Panaginip na sana'y magising na ako,
Hindi ko kayang makitang sumaya ka sa kanya
Dahil minahal kita ng sobra,
Hindi ko kayang paniwalaan ang mga masasakit na salita na binitawan mo.

Dahil batid kong mahal mo pa ako,
Pero nang makita ko kayo na masaya,
Doon ko napagtantong hindi na ako at wala ng tayo,
Dahil nariyan na s'ya at magkakaroon na ng 'kayo'.

Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)Where stories live. Discover now