20: Pag-ibig Na Hindi Tapos

29 0 0
                                    

Sana 'pag p'wede na, p'wede pa,
Sana sa tamang panahon, tama pa sa atin ang pagkakataon,
Sana mahintay pa kita
Dahil masakit at mahirap para sa akin ang maghintay
Sa isang taong hindi sigurado

Masakit isipin para sa akin
Na hindi ito ang tamang panahon para sa atin
Hindi man natin nagawang ipagpatuloy ang pagmamahalan natin
Maaaring sa susunod ay matapos natin ang akdang ating sinimulang gawin

Kalilimutan muna kita
Upang ako'y maging masaya
Wala akong planong magmahal ng iba
Dahil panghahawakan ko ang salitang mahal kita

Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)Where stories live. Discover now